DUWAG!!!
Short inspirational story by shaga-shaga
All Rights Reserve 2015
Please do not distribute without my consent.
**********************************
Meron akong isang kuya na sukdulan sa kaduwagan. Di man lang nya ko kayang ipagtanggol sa mga nang aapi sa akin. Pati sarili nya di kayang ipagtanggol. Sa katunayan ikinakahiya ko na sya.
Nasa ikatlong antas na ko ng elementarya at si kuya naman ay nasa anim na. Sya lang naman kasi ang kuya ko. Yung kuya kong dapat akong ipagtanggol sa mga nang aasar sakin. Na dapat ipagtanggol ako sa tuwing makikipag babag ako. Ngunit hindi. Sapagkat ang kuya ko ay isang duwag!
"Kuya may gustong makipag suntukan sakin. Ipagtanggol mo naman ako oh. Ang laki kasi nya. Sya naman kasi ang nau—-" pinutol nya ang sasabihin ko.
"Diba kabilin bilinan sa atin ni inay na huwag kang makikipag babag? Masama yun. Ang atupagin mo lang ay ang pag aaral mo."
Nagdabog akong umalis sa harapan nya. Sabi ko na nga ba eh. Napaka duwag. Di man lang nya ko kayang ipagtanggol, di gaya ng ibang kuya ng mga kaklase ko. Mga matapang. Laging rumiresbak sa tuwing napapaaway ang mga kapatid nila. Yung kuyang laging andyan upang protektahan ang nakakabata nyang kapatid upang di ito mabugbog. Masasabi kong sukdulan talaga ng kaduwagan ang kuya ko.
"Oh anak, bat may pasa ka? At anu ang nangyari dyan sa mukha mo? Nakipag suntukan ka ba?" tanong ni inay pagkadating ko agad sa bahay.
"Napa resbak lang nay. Sila naman ang nauna eh." katwiran ko.
"Di ba kabilin bilinan ko na huwag kang makikipag babag? Kita mo nangyari sayo?" rinig ko na ang mataas na tono ni inay. Yan ang senyales na kailangan mo ng tumahimik at wag ng sumagot. Oras na upang dumapa ka na sa upuan sapagkat matitikman mo na naman ang hagupit ng sinturon ni inay.
"Ngayon, dumapa ka!" sigaw ni inay. Syempre sanay na kong ganito. Wala kasi ang aming itay upang disiplinahin kami dahil nakikipagsapalaran ito sa maynila bilang isang karpintero. Kung kaya't ang aming ina ang kinalakhan naming taga disiplina.
"Sabi ng dumapa ka!" sinimulan ko ng dumapa sa mahabang upuan na yari sa kawayan at ang tanging ginawa ko na lang ay pumikit at hintaying dumampi ang sinturon sa aking puwitan.
"Di ka man lang magaya sa kuya mo! Tularan mo sya sapagkat di man lang yan nakipagsuntukan sa labas! Ang tanging inaatupag lang ay ang pag aaral! Kabaliktaran ka sa kuya mo!" muli,sa ikalawang pagkakataon dumampi na naman uli sa akin ang sinturon.
"Ayaw kong matulad sa kanya nay na isang duwag!!" biglang pagsigaw ko. Maski ako ay nagulat ako sa inasal ko. Mas nataasan ko pa ng boses ang aking ina at sigurado akong rinig na rinig ni kuya ang isinigaw ko dahil kasalukuyang nasa kwarto sya at nag aaral aralan.
"Anong sinabi mO? Hindi duwag ang kuya mo! Ginagawa nya lang ang tama, at gusto ko yun ang tularan mo!" pumikit nalang ako upang maramdaman ulit ang sakit na dulot ng sinturon. Ngunit hindi. Nakita kong lumabas si kuya sa kwarto at pinigilan si inay.