Lia Pov"Beh kelan ka mag seseryuso sa pag tatrabaho?" pag babasag ko sa ka tahimik na bumabalot sa amin habang nag lalakad papasok sa eskinita.
"hindi ko alam ang papanget kasi ng mga ugali ng nagiging boss ko eh kaya di ko den mapigilan na sagutin sila" pag papaliwanag nya sa akin.
Eto ang isang problema ko kay Zoey hindi nya pinapa-halagahan ang mga nagiging trabaho nya, ayaw nya kasing napapag taasan siya ng boses at hindi din sya nag papatalo sa mga nagiging amo niya.
"Di mo naman kasi kelangan mag trabaho eh, binibigyan ka naman ng parents mo ng allowance every month and nag request din sila tita and tito na sila na ang mag babayad ng tuition mo" saad ko sakanya.
"Pinapahirapan mo lang ang sarili mo mag trabaho"pahabol ko pa.
" Kasi naman beh ayoko naman na yung ginagastos ko sa mga gala ko is galing sa parents ko, yung allowances ko for emergency purposes lang yun kunyare may kelangan ako tapos wala na akong pera galing sa sahod ko edi may pag kukuhaan pa ko diba?"pag papaliwanag nya saken.
sa bagay may point din naman siya hindi kasi minsan maiwasan ni Zoey gumastos ng gumastos kaya mabilis ma ubos ang sahod niya pero buti na lang ay may allowance siya at na itatabi niya.
"Ikaw Lia malapit na ang pasukan kelangan mo ba ng tulong namin nila mommy para sa tuition mo?nag sabi na kasi siya sakin na baka raw kelangan mo ng tulong para sa tuition fee mo sasagutin na raw ni mommy pero kung ayaw mo raw ung kalahati na lang"
Nagulat ako sa sinabi ni Zoey dahil hindi ko aakalain na may ganon na pala silang pinag uusapan ng mommy niya at balak pa talagang sagutin ang tuition fee ko.
"Wag na Zoey nakakahiya sainyo kung ipapasagot ko sa mommy mo ang tuition fee ko kaya ko naman pag ipunan yun eh,pero thank you pa rin"pag tanggi ko rito Nakakahiya rin kasi kung tatanggapin ko ang alok ng mommy nya dahil simula High school ay mommy nya na ang nag papaaral sakin.
"Ano ka ba Lia wag ka ng mahiya parang pamilya na ang turing namin sayo noh tsaka para mabawas bawasan na ang problema mo"saad nya sa akin
"Okay lang talaga Zoey wag na tsaka kering keri ko na to noh"ayoko talaga tanggapin ang alok nya.
"Sige pero pag hindi mo na kaya sabihin mo lang tutulong kami agad ni mommy"
"Oo naman at pa sabi kay tita thank you sa offer nya"
Nagulat kami ng may biglang nag salita na pa tingin kami ni Zoey at nakita namin si Nanay niña sa tapat ng gate.
"Oh Lia tsaka Zoey anong ginagawa nyo dyan? bakit naka tayo lang kayong dalawa dyan sa labas ng gate?? Pumasok na kayo at anong oras na kanina ko pa kayo hinihintay dahil alam kung wala kayong susi ng gate."
" Ay jusko!!"gulat na sigaw ko, hindi namin na malayan ni zoey na andito na pala kami sa tapat ng apartment na tinutuluyan namin.
" Naaay bakit nanggugulat ka!!??"tanong ko sa may ari ng apartment na tinitirahan namin.
" Malay ko ba na magugulat ka aba.Bakit kasi naka tambay pa kayo dyan sa may gate anong oras na saan ba kayo nag sisipunta!!??"panenermon samin ni nanay.
"May nag alok kasi ng raket samin nay kaya naki pag kita kami ni Zoey"pag dadahilan ko rito.
"Ganon ba sige na mag si pasok na kayo para masarado ko na itong gate"saad ni nanay.
Kaya pumasok na kami ni Zoey at pumunta na sa kanya kanya naming inuupahan,tig isa kaming apartment na kinuha ni Zoey pero mag katabi lang naman at nasa iisang bubong lang rin.
Ang apartment kasi na nakuha namin ay may apat na palapag at kahit maliit lg ay may sariling living room, dining area,kitchen at bedroom may sariling cr din sa loob ng kwarto.
Pag pasok ko sa aking apartment ay tinignan ko agad kung may stock pa ako ng ulam pag tingin ko ay meron pa naman kahit papano pero hindi na aabot ng isang linggo.
" Hays mamamalengke na lang siguro ako bukas."
Pumasok na ako sa aking kwarto at kumuha ng damit para maka pag palit at maka tulog na dahil maaga na naman ang aking gising dahil may trabaho pa ko ng 8am.
Pag tapos ko mag bihis ay humiga na agad ako at kinuha ko ang aking cellphone para mag set na ng alarm pag tapos at pinatay ko na at natulog na.
____________________________________________________________________________
Thankyou for reading!!
@herspear
BINABASA MO ANG
Her Last Wish
RomanceZyllia Vean Lopez isang simpleng babae na walang ginawa kundi mag trabaho at mag aral dahil mag isa na lang siya sa Buhay. Dylan Vargaz isang sikat na binata dahil sa aking talento nito at kilala rin ang pamilya nila dahil sa mga negosyo at pinaka m...