Attention
Calling the attention of all vampires out there!
May konting pagbabago ang mangyayari sa ating book club since hindi lahat ay nakakapag-comment at puro votes lang ang alam sa libro ni partner.
VOTING IS OPTIONAL AND COMMENT IS A BIG MUST!
Nandito ang book club na ito para tulungan ang bawat isang umunlad sa pagsusulat at hindi magbigay lang ng votes sa partner niyo, ang book club po natin ay hindi isang voting club na kailangan niyo lang mag-vote nang mag-vote.
Sa mga naunang dalawang pairings ay may mga pasaway na bampira na hindi sumunod sa kanilang tamang task at nag-hello na lang sa mga EXO at done lang sa kanilang partners kahit hindi pa tapos ang task.
Kinukulang pa rin po ba sa oras?
Nagtanong sa akin si Tottie kung palalagpasin na lang namin at dahil sa mabait naman kami kahit hindi halata ay pinayagan na lang din namin.
Pare-parehas lang naman tayong pumapasok sa paaralan o may mga buhay sa kabila ng buhay dito sa wattpad at naiintindihan naman namin iyon. Kaya...
Kaya ang ating book club na po ang mag-aadjust para sa ating lahat...
Adjust? Opo. Marahil ang adjustment na magaganap ay hindi sasangayunan ng lahat kaya mabuting ipapaliwanag kong mabuti sa inyo.
Magkakaroon tayo ng dalawang uri ng pairings kung saan ang mga istoryang may 9 Parts pababa at ang istoryang may 10 Parts pataas ay paghihiwalayin ng uri.
9 Parts Below
Ang mga istoryang may siyam na parte pababa ay maipapares sa kapwa manunulat na may siyam na parte pababa rin ang kanyang akda.
Bakit? Kailangan niyong basahin ang unang limang chapter ng libro ng iyong kapares kapalit ng pagbasa niya sa libro mo.
Paano kung ang akda ko ay wala pa sa limang parte? Kung on-going ang story mo at hindi naman one shot ay maipapares ka talaga sa kapwa mong manunulat na may limang parte. Kailangan mong basahin ang libro niya kahit ang parte ng libro mo ay hindi pa sa lima. Hindi kasalanan ng partner mo kung on-going naman ang work mo tapos hindi ka pa nakakalimang parte. Kung gusto mo mag-update ka na hanggang limang parte ng libro mo para fair, hindi ba? Mag-iwan ng matinong komento sa unang limang parte ng libro para magkaroon ng tiyansang makamit ang Vampire Feature Writer!
Na-enjoy ko story ni partner? Better! Basahin mo hanggang sa huling update, no problem!
Kapag one shot naman? One shot story ay ipapartner natin sa kapwa one shot story para fair naman.
10 Parts Higher
Ang mga istoryang may sampung parte pataas ay maipapares sa kapwa manunulat na may sampung parte pataas din ang kanyang akda.
Dapat gawin? Basahin mo ang unang sampung chapter ng libro ng iyong partner. Ganun din siya sayo, kailangang mag-iwan ka ng maganda at kapaki-pakinabang na komento sa libro ng iyong partner. Uulitin ko optional lang ang voting sa ating book club. Bahala kayo kung gusto niyong bumoto ah...
Naintindihan na po ba? Kapag hindi, punta sa comment, chatbox, MB ko!
Marami na rin po kasi ang nagpaalam na magli-leave muna eh. Sadla!
Agree ba kayo?
Ngayon kung oo comment...
Agree with 9 Parts Below (example)
Any suggestions? Visit our profile. Next pairings will be posted on friday hopefully...
-Admin FirenzeShin
BINABASA MO ANG
Vampires Book Club (OPEN!)
RandomBe a part of our fam! Join our book club! Where you can find friends! Be a critic! Gain votes and comments! OPEN!
