So, hi. Halata naman sa title yung gustong iparating ng part na 'to. Sorry sa disappointments. Ayaw ko sanang isara ang book club na 'to dahil kakaumpisa pa lang at isa pa. Kahit konti lang ang member natin mahal ko kayong lahat *Sobs* tandaan niyo iyan.
Dumating lang kasi sa point na kinukulang talaga sa oras yung mga admins kaya slow update talaga yung club natin kaya yung iba ay nagli-leave na. Okay naman sana kaya lang may naghihintay saka yung lesson namin sa ekonomiks ay nagsasabing kailangan daw ng time management at paano mapapabuti ang pagmamanage? Magset ng priorities.
Grade 10 student po ako at hindi biro ang sched araw-araw yata may mga presentations. Kaya hindi ko talaga magagampanan ang pagiging admin dito. Sorry na?
Yep, magli-leave na po ako as admin...
Mawawala po ba ang book club? Sa totoo lang ayaw ko talagang isara kasi ito yung book club na nag-aadjust sa member. Lol! Ano lang ayoko lang siyang magsara kasi ano kahit hindi halata friendly yung mga members.
Kaya kung may gusto sanang maging admin ay i-PM lang ako FirenzeShin. Huwag kayong mag-alala tutulungan ko kayo sa pagiging admin.
Ayoko ng magdrama...
Ayon sa mga interesadong maging admin PM lang.
BINABASA MO ANG
Vampires Book Club (OPEN!)
RandomBe a part of our fam! Join our book club! Where you can find friends! Be a critic! Gain votes and comments! OPEN!
