Chapter1-#AyanKase.

19 0 0
                                    

“Taeyeon? Bakit ba kase natin sinamahan yang baliw na yan? Huehuehue" Nanginginig na saad ni Tiffany, Tapos tinuro niya si hyoyeon. gamit ang left hand niya. Habang yung right hand niya nakayakap sa braso ko.

“Hindi ko din alam dito kay hyo" Grabe nakakatakot talaga. Nanginginig na nga ako habang hawak hawak itong flashlight eh!

“Ano ka ba! Masaya ito! Ghost Haunting!" Paano nakukuhang tumalon talon ng babaeng to sa tuwa habang kami dito eh halos maihi na sa takot. Grabe!

Nandito kase kami sa loob ng abandoned house di kalayuan sa village namin. Buset kase itong Hyoyeon Rivera na to eh! Napaka Adventurous. Pati kami isinasama sa kalokohan niya sa buhay! Huehue. Nakakatakot talaga dito at guess what!? 3:00 Am ngayon! Devils hour! Malakas ang powers ng mga mumu kapag ganitong oras huehue. Kala kase namin magjojogging lang kami around sa village tapos eto! Dinala kami rito? Huehuehue. Jusko Lord patnubayan niyo ho kami.

“Girl naiihi na ako. Real talk" - Tiff

“Hay nako girl umihi ka na diyan sa lapag. Wala namang makakakita" Sabi ko sa kanya sabay turo doon sa sulok. Duh? Ayoko maghagilap ng cr dito no.

“Tara guys, Akyat tayo sa second floor!" Pumapalakpak na sabi ni hyo. Huwaaah, Dito pa nga lang sa ground floor ang creepy na eh. Pano pa kaya sa second floor? Alam niyo ba yung bahay sa mga horror movies na Mga nabubulok na kahoy at sira sirang bubong yung itsura nitong labas ng bahay tapos pagpasok mo pa lang matatakot ka na sa tunog pa lang ng pinto! Yung *creeeekkk ganon.

“Huy, Ayoko nga umihi diyan. Baka mamaya may manghawak ng pwet ko diyan eh" - tiff

“Gaga, Mas malala kung sa cr. Atleast diyan hawak lang. Eh sa cr dudukitin yung pwet mo tapos pilit kang pagkakasyahin sa inidoro! Hahaha" Singit naman ni hyo.

“Ha ha ha" Napatawa naman kami sa sinabi niya pero Hindi mga bente. Mga dalawa lang siguro. Hehehe.

“Hay nako, I can't take it, Iihi na ako dito" Bumitaw sakin si tiff sabay dahan dahang naglakad sa medyo madilim na sulok sa gilid nitong hagdan.

“Hala girl! May susundot sayo diyan! Baka mag enjoy ka ah. HAHAHAHA!" - hyo.

“Hahahaha" Tawa ko. Nagecho yung tawanan namin sa buong bahay kaya napatahimik na naman kami. Andito na kase kami ngayon paakyat sa hagdan nakastambay. Pero tinitignan namin si tiff madilim naman kaya hindi namin kita ang Bataan niya. Harujusko pano ko nakukuhang tumawa sa ganitong lugar.

“Huy Tiffany andiyan ka pa ba? Enjoy na ba?" Pabirong tanong ni Hyo Kay Tiff.

Hindi naman sumasagot Si Tiffany pero andun pa din siya sa sulok. Teka? Joke time ba?

“Huy Tiff it ain't funny" Sambit ko.

Pero Hindi naman trip nitong si tiff magbiro eh.

“Hoy! Kingina mo Tiffany Sandoval!" Sigaw naman ni hyoyeon. Grabe Hindi na nakakatuwa tong si Tiffany ah.

“G..G..Girls??" Sa wakas nagsalita din. Hayup Kala ko sinapian na eh. Lumapit ako sa kanya habang nakaupo pa din siya. Madilim nga diba kaya di ko kita Bataan niya.

“May problema ba?" Hinawakan ko yung balikat niya. Hala ka! Nanginginig siya. Anong trip Neto?

“L..Lo..Lo" -Tiff.

“Anong Lolo?! Bobo! wala lolo mo dito" Pasigaw na sagot ni hyo. sabay pumameywang.

Oo nga naman? Anong Lolo pinagsasabi nito?

“L..Look!" Sabay turo niya dun sa second Floor.

Dahan dahan kaming tumingin ni hyoyeon sa taas at

0_________0

“WAAAAAAAHHHH!!!!!" Sigaw naming tatlo sabay kumaripas ng takbo. Tinignan ko naman si tiffany na tarantang nagtataas ng jogging pants niya habang tumatakbo. Kung Hindi lang nakakatakot ang situation namin Humagalpak na ako kakatawa. Naiiyak na siya oh! Hahahahah!

“OUCH!! THE FUDGE!" Sa kakaenjoy kong panoorin tong tiffany na to. Natisod ako sa sirang upuan na nakakalat sa sahig. Oh my god!!Ramdam na ramdam ko na may tumusok sa tuhod kong matulis na bagay. Waaah ang sakit!

“Awch. huhu" Saad ko. Ang sakit talaga!

“Tiffany! Hyoyeon! Help!" Sigaw ko. Waaaah!! Subukan lang nila kong iwanan dito masasapak ko sila sa ngala ngala! Huehuehue

“Sis! Where the hell are you!" Rinig kong sigaw ni Hyo pero ramdam kong malayo yung Boses niya sakin. Waaaah!!!

“Sis I'm.. I'm... Shit!" Accidentally nahawakan ko yung tuhod ko saka ko may nakapang likido. D..Dugo!!! And all went black.

Haunted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon