Chapter14-#PiggyBackRide

4 0 0
                                    

Luhan's POV

“Tsk baliw na talaga" sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan si tiffany.

Napaka sensitive naman nitong babaeng to! Pawalkout walkout pa. Napagod tuloy ako kakalakad.

Maya maya may lumapit sa kanyang mga lalaki tss. Eto yung mga panget sa school ah.

Hinayaan ko muna sila. pero ng nakita kong hahalikan na nung isa si Tiffany. Lumapit na ako sa kanila.

“Dont you dare to put your lips on my pinky" Nagulat naman yata sila at nanigas sa kinatatayuan nila.

“L--Luhan?" tanong nung may hawak kay tiffany.

“Yes, The one and only" cool na cool kong sabi.

“T-tara na!" mga duwag naman! nakita lang ako tumakbo na.

“okay ka lang?" Tanong ko kay tiffany.

“Hmm!" Aba't?! irapan ba ako? Siya na nga ang tinulungan siya pa ang galit galitan diyan? bahala nga siya!

Tumalikod na lang din naman ako. Ako na tumulong? ako pa naisnob? Tsk tsk.

“ARAY!" napalingon naman ako bigla dahil sa sigaw ni tiffany. Nakita ko siyang nakadapa sa daan at parang iiyak na.

Ewan ko pero awtomatikong napatakbo ako papunta sa kanya.

“Antanga mo. Alam mo yon?" Sabi ko. Ikaw ba naman magdive sa kalsada? wala namang tubig.

“Wow! Thanks ah! Tulungan mo na nga lang ako!" Tss.

“You owe me two. Pangalawang beses na kitang tutulungan" Sabi ko. Saka inalalayan siyang tumayo. Tsk.

“So binibilang mo? Hindi mo ba alam yung tumulong sa kapwa ng walang kapalit?"

“Hindi eh. May bayad ang serbisyo ko. Teka? kaya mo bang maglakad?" tanong ko sa kanya. Paano lalampa lampa. Magwawalkout na nga lang tatanga tanga pa.

“Muka bang kaya ko? Tss!" Nakakailang irap na to ngayong araw?

At dahil hindi niya daw kayang maglakad ay umupo ako sa harapan niya.

“Sakay!" I ordered.

Ayaw pang sumakay nitong babaeng to eh. pabebe pa.

“Okay, Bahala ka diyan" Akmang tatayo na ako ng bigla niyang hinila ang tenga ko at ibinalik sa pagkakaupo.

“Masakit yun ah!" Napakasadista talaga nitong babaeng ito eh.

“Hindi ka makapaghintay eh! Alis alos ka kaagad diyan. Pabebe ka din eh" Abat?

Sumakay na siya sa likod ko at tumayo na rin ako. Teka? kumakain pa ba ang babaeng ito? parang puro hangin na lang ang laman ng katawan. Ha! Mabuisit nga ito.

“Kingina, Mas mabigat pa ata sayo si baby trish" Saad ko.

*POK!

“OUCH!" Hampasin daw ba ako sa ulo? medyo masakit ah. Pasalamat siya buhat buhat ko siya diyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Haunted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon