Chapter 1: Gail

135 14 1
                                    

As I've said earlier I'm Gail Santiago.

Masayahin, palabiro pero ngayon medyo naging cold na ako dahil sinaktan ako lalaking mahal ko.

Mahilig ako sa love stories and romantic movies and of course sweet things.

Kaya siguro ako nasaktan kasi sobra akong naniwala sa mga love stories na yan.

At mapagbigay ako kaya halos wala ng natira sakin *sigh*

Nandito ako sa condo ko ngayon bored ako kaya napagpasyahan ko na pupunta nalang ako sa mall.

* a few hours ago *

Nasa mall na ako ngayon. Punta nalang kaya ako sa coffee shop.

Bago ako pumasok sa coffee shop na yun......Nakita ko sa loob yung ex ko kasama yung ex bestfriend ko na magkaholding hands.

Di ko namalayan na biglang tumulo yung luha ko.

I hate it!

Bigla kong pinunasan ang mga luhang iyon.

Oo aaminin ko di pa ko nakakamove on. Wala eh, masakit sobra. Lalo na kung mahal na mahal no yung isang tao pero iniwan at sinaktan Ka.

Nakapagdecide ako na pumasok sa coffee shop na yun kahit nandun sila.

Umupo ako medyo malayo sakanila para di nila ako makita, at tinakpan ko ng menu yung mukha ko.

Tinignan ko lang sila at sobrang saya nila sa isat isa.

Bigla ulit akong naiyak pero pinunasan ko agad ito.

Habang pinagmamasdan ko sila nagulat ako nung biglang may tumabi sakin, at bigla siyang nagsalita ng

" Nasasaktan ka na nga sa nakikita mo, tinitignan mo parin. Para ano? masaktan ka ng paulit ulit? "

Lumingon ako sakanya at tinignan ko siya ng masama.

May point yung sinabi niya pero kailangan ba niyang ipamukha sakin yun? Ugh!!! Nakakainis siya!!! Aalis na nga ko sa coffee shop na to. Pinapainit lang ng lalaking to yung ulo ko eh.

Pero bago ako umalis sinigawan ko siya

" Ganyan naman kayo eh, ang galing galing nyong magpayo kasi hindi niyo alam kung gaano kahirap yung sitwasyon ko! "

Di ko alam na napalakas pala yung sigaw ko kaya pinagtinginan ako ng mga tao at tumingin din sakin yung ex ko at yung ex bestfriend ko.

Nakakahiya!!!!

Biglang nagsalita yung lalaki...

" sorry babe, Ikaw naman kasi eh napakamoody mo. Pero kahit ganyan ka mahal parin kita."

sabay kindat at binigyan niya ko ng makisakay-ka-nalang-look.

Narinig ko yung bulungan ng mga tao at sabi nila

" ang sweet naman nila "
" siguro meron yung babae kaya moody"
"ang sweet naman ng boyfriend niya "

What the?!!!! Wala akong period ngayon at lalo ng di ko boyfriend yung lalaki!!!

Tinignan ko yung lalaki na nakasmirk lang at tinarayan ko lang siya.

Tinignan ko yung ex ko nakatingin lang sila samin. Bigla ulit akong nalungkot pero tumalikod ako sakanila para hindi niya makita na nalulungkot ako, ayokong ipakita na mahina ako.

Nagulat ako ng bigla akong hinatak palabas ng lalaki kaya sinigawan ko siya....

" Ano bang problema mo? Kanina ka pa ha!"

Hindi niya ko sinagot nagulat ako ng bigla niya kong yakapin....... 0.0

May Forever Pa Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon