Epic Breakfast

98 15 3
                                    

Drake's POV

Time check: 6am

Kanina pa ko gising. Gumising ako ng maagang maaga.

First time ko maging ganto sa babae na gigising pa ng maaga para lang mag prepare.

Nakwento niya sakin kagabi na mahilig siya sa pagkain.

Naligo na ko kaninang 5am. Actually 4:30 am pa ko gumising. Di naman ako excited eh no?!

Ngayon hinahanda ko na yung breakfast namin. Yes namin kasi napagisipan ko na dalhan siya ng breakfast sa condo unit niya.

Nagprepare ako ng coffee, eggs , bacon, hotdog at fried rice.

Magaayos lang ako ng konti tapos pupunta na ko sa unit niya.......

* 10 minutes ago *

Nandito na ako sa tapat ng unit niya kumatok na ko sa pinto niya pero walang sumasagot siguro tulog pa siya ang aga ko naman kasi magising eh -_-
Maya maya napansin ko na hindi pala nakalock kaya naisipan kong pumasok. Dumiretso na ko sa kusina niya tapos nilagay ko sa lamesa niya yung mga pagkain.

* after 30 minutes *

Aisshhh!! Ang tagal naman niya magising. Inaantok parin ako kasi diba Nga ang aga ko nagising -___- matulog na muna kaya ako?! Humiga ako sa sofa niya at saka natulog.........

* zzzZzzZzzzzzzZzzzZzZzzzzzZzzzzZzzz*

Gail's POV

Time check: 8am

Haaaay. Hello Philippines and Hello World! Ang ganda ng gising ko ngayon ewan ko Nga kung Bakit eh. Nagayos lang ako ng onti tapos lumabas na ako ng kwarto ko pag tingin ko sa sofa namin may nakita akong lalaking nakahiga dun tapos naka takip yung muka ng unan kaya kumuha ako ng pamalo tapos pinaghahampas ko siya

sabay sigaw ng "magnanakaw! magnanakaw!"

Maya maya gumising na yung mag nanakaw...

"what the f*ck?!!! " sigaw niya.

"Drake????" Sabi ko.

" Sorry Kala ko kasi magnanakaw eh. "

" Oo Magnanakaw talaga ako kasi simula ngayon nanakawin ko na yang puso mo" sabi niya sabay kindat.

"Wow ha?! Nasaktan ka nga bumabanat Ka pa!" Sabi ko.

Pero actually kinilig ako lol.

" Pano Ka pala nakapasok dito? Saka bakit Ka nandito? "

"Hindi Kasi nakalock yung pintuan mo kaya pumasok ako. Tapos nandito ako para sabay tayo mag breakfast, ayan oh pinagluto pa kita. " tas pinakita niya sakin yung mga pagkain na nakalagay sa mesa.

"Ahh kaya pala. " sabi ko. Naalala ko na nakalimutan kong ilock yung pintuan kagabi dahil sobrang antok na ko.

Pagkatapos nun kinain na namin yung breakfast na niluto niya.

Maya maya inaya niya akong pumunta sa mall. Manunuod daw kami ng sine. Kaya pumunta na siya sa unit niya para daw makapagbihis na siya.

Tapos na kong maligo at iniisip ko naman yung susuotin ko ngayon.... Hmm......

Naisip kong suotin yung black dress na may gold beads. Ito yung favorite kong dress kasi simple siya pero classy.

After kong magbihis nag make up ako ng onti, and then, I'm ready!!!

Maya maya may narinig akong kumatok sa puso ko hahahahah jk lang syempre sa pintuan ko, pagkabukas ko ng pintuan...

nakita ko Si drake at ang pogi niya grabe idagdag mo pa yung killer smile niya.

"You look great." Sabi Niya.

Syempre kinilig ako pero di ko naman pinahalata, dalagang pilipina yata to haha lol.

Tapos nginitian ko lang siya.

" let's go? " sabi niya tapos tumango ako.

---------------------------------------------
Abangan ang next chapter :))) btw. kung Sino yung makikita ko na palaging nagvovote at comment sakanya ko ide-dedicate yung next chapter :)))) Don't forget to vote guys!!! Thank you and God Bless xx

May Forever Pa Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon