i. Hypothesis

32 3 2
                                    

POV NI WISH. POV NI WISH. POV NI WISH.



Pagpasok ko ng gate ng school, nakita kong kumakaway sakin si Charls. Kumaway ako pabalik at tinakbo siya.



"Uy, hindi ko masagutan ung assignment ntn sa History. Pakopya nalang ooh?" Inakbayan ako ni Charls at pumasok na kami sa corridor ng Arts and Science Department ng Lakeville University. Parehong Mass Communication ang kinukuha namin. Inabot ko sakanya ang notebook ko.



"Ohh. Sa susunod tuturuan kita." Nginitian ko siya. Matagal na kaming magbestffriends ni Charls. Nagkakilala kami noong 1st year highschool. Bagong lipat sila sa village na tinitirhan namin. Naging magkakaibigan ang mga parents namin, kaya pati kami naging close. Parang magkapatid na ang turingan namin sa isat-isa.



Well, siya lang pala. Dahil matagal ko na siyang gusto. Pero dahil magbestfriends kami, tinago ko nalang ang feelings ko for the longest time possible. Isa pa, may gusto siyang iba.



"Elly!" tawag ni Charls sa babaeng pumasok ng building namin. "Sandali ha, sa classroom mo nalang ako hintayin Wish." Pagkasabi niya nun hindi nako nakapagsalita kasi umalis na siya agad.


Ako nga pala si Wish. Wish Carriedo. Nasa 3rd year college, katamtaman ang katawan at ang ganda. May utak din naman ako. Kailangan eh. Hahaha, minsan si Charls may pagka makakalimutin kasi. At pagka clumsy. Parang ako na ung nag aalaga sakanya.



Pumasok na ako sa room at nagstart na ang klase. January na. Malapit na matapos ang klase. Madaming gagawin, pero ok lang sakin. Basta may inspirasyon ako. Pag madaming ginagwa sa school, nagpapatulong sa akin si Charls. Masayang masaya ako pag nag oovernight siya samin at natutulog kaming magkasama sa kwarto. Ehem. Hindi magkatabi ha. Nagkwekwentuhan lang naman kami at saka natutulog na. Sa sahig siya natutulog.



Ah, ung inspirasyon ko.. pumasok na. Napangiti ako agad at hinintay siya pumasok.. kasama si Elly? Anong ginagaw ani Elly dito? Iba ang klase niya! Grr...



"Wish, niyaya ko si Elly sa atin. Wala daw kasi siyang klase ngayon. Wala ung prof. Makiki-sit in siya." Ngiting ngiti si Charls at kumindat sakin. May kumurot sa dibdib ko. Bat ganun. Parang feeling ko inaagaw siya ni Elly sakin.



Hindi naman sayo si Charls.



Kahiti na, ako ang bestfriend niya!



Wag ka feeling. Balang araw, mag-aasawa siya at ikaw din.



Ok lang, wala naman akong gusto sakanya.


Wishes and KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon