ii. Testing

19 1 0
                                    

POV NI WISH. POV NI WISH. POV NI WISH.



Kung na shock si Charls sa sinabi ko, mas lalo na ako! Sinabi ko ba talaga yun?!


Nagtakip ako ng kumot. Pero nung naalala ko yung pinag-uusapan nila Elly kanina sa CR ng girls, tinanggal ko ung kumot sa ulo ko at tinitigan si Charls, na nakatayo na pala sa gilid ko!



Lumakas ung tibok ng puso ko pero nanatili akong composed sa labas. "Charls, tuturuan kita."



"What?! Nababaliw ka na ba?!" nanlalaki ung mga mata niyang malaki na.




Nag-init ung ulo ko sa sinabi niya kaya hinampas ko siya ng malakas. Sorry, defence mechanisim ko un. Hinila ko ung kwelyo ng uniform niya saka nilapit ung mukha niya sa mukha ko.



Gaaaaaaawd. Kiss ko na kaya siya ngayon?



Alam mong hindi ka marunong.



Shattttap mind!



"Isa pang salita galing sayo susuntukin na kita." Omg hindi ko alam na ganito ako ka brutal. Buti nalang wala pa sina mama at papa. Nasa business trip sila sa Hongkong at next week pa ang uwi. Pinagakaktiwalaan naman nila ako kaya ok lang sakanila na iwan ako. Kung makikita nila ako ngayon siguradong magagalit sila sakin kasi inaaway ko ang anak ng kapitbahay namin. Na bestfriends nila mama at papa.



Napapikit si Charls, akala siguro niya susuntukin ko na talaga siya. Binitawan ko ung kwelyo niya at naupo na ng maayos, habang siya nakasalampak sa sahig. "Narinig ko sina Elly sa CR kanina, pinag-uusapan ka."



Nagtataka siyang tumingin sa akin kaya nagpatuloy ako.



"Nag-eexpect siya na magmemake ka ng move sa AS Night. Kaya dapat marunong kana humalik." Pinaseryoso ko ung boses ko, pati ung mukha ko, kahit na sa loob ko eh kinakabahan ako masyado. Alam ko sugal itong ginagawa ko, pero kung gusto ko malaman kung may gusto nga sa akin si Charls, kaylangan kong gawin ito.



Win-win situation ito, dahil una, magkakaroon ako ng pagkakataon na ma kiss si Charls, kahit minsan lang. Pag natuto naman siya, makikiss niya si Elly, at magkakaroon sila ng chance na magkatuluyan. Kahit yun eh tanggap ko na. Bestfriend ko siya kaya gusto ko sumaya siya.



Buhay. Saklap.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wishes and KissesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon