Chapter 1

514 15 2
                                    

Hating Gabi, Sa isang abandonadong gusali sa pusod ng Maynila,Nakaluhod sa sahig ang isang Chinese Businessman. Duguan nito at makikita sa mata ang nag uumapaw na takot.Naghahabol ng hininga habang nakatutok sa kanya ang Baril na hawak ng isang lalaking may takip ang mukha at ang tanging maaaninag lamang ay ang mga mata nito.

" Ako Babayad lahat utang ke Bossing!Wak mo lang ako papatay.Kung iyo gusto,ako babayad sayo mas malaki 30% " Pagmamakaawa ng Intsik.

Ngunit hindi nakumbinsi ang lalaki.Bagkus,lumapit ito sa kanya at itinutok sa kanyang Noo ang dulo ng Baril.

"Mr. Chan!! Iniinsulto mo talaga ko no?! Tingin mo ba makukuha mo ko sa 30% !? Hindi mo ko masisilaw sa pera mo!!" Tugon ng lalaki.

"Ako Hindi iinsulto ka.Ako makaawa para sakin Nanak asawa..Maliit pa akin anak"

"Maawa?! Naawa ka ba sa mga batang ginagamit mo para gumawa ng pera para sayo?!Binebenta mo sila para pagsamantalahan!!" Sigaw ng galit na galit na lalaki.

"Ako nagsisisi.Ako di na uulit..Wak mo lang ako papatay!Ako gawa lang yun para ke Bossing.Ikaw alam yun dahil trabaho ka ke bossing.Di ba? T-Teka..Ibig sabihin.."

"Oo! Tama ka! Hindi ako tauhan ng Bossing mo.Ang To too,gusto kong malaman kung sino sya!Sino ang Bossing mo!?Sino ang nag uutos sayo?!" Pagpapaamin ng lalaki

"A-Ako Hindi S-Sabi..A-Ako H-Hindi S-Salita.." tanggi ni Mr. Chan.

Labis na ikinagalit iyon ng lalaki kanya naman idiniin nito ang pagkakadikit ng baril sa Noo ni Mr. Chan.

"Natatakot ka na Hindi ka buhayin pero Hindi ka sumusunod sa gusto ko?!Inuubos mo ang pasensya ko tanda!"

"Ako buhay pero pag nalaman Bossing,Ako papatay niya at pamilya ko!Patay mo na lang ako!" Sagot ng intsik.

"Sige!Sabi mo eh! Magpaalam ka na sa Pera mo!"

Napapikit ang instik sa takot habang ang lalaki naman ay tumayo at itinutok muli ang baril sa Matandang negosyante.Handang handa na siyang patayin ito at kakalabitin na ang gatilyo ng biglang.

BAAAAAAAAANNNNNNNGGGGG.

Isang malakas na pagputok ng baril ang bumasag ng katahimikan sa gusali na kanilang kinatatayuan.Nanlaki ang kanyang mata ng makita ang pagbagsak ng duguang Instik.Lumapit sya upang tignan kung buhay pa nito ngunit wala ng pulso.Agad niyang kinuha ang kanyang baril at itinago sa loob ng suot na Jacket at nagmamadaling umalis sa pinangyarihan ng krimen.

Nang makababa sa nasabing gusali ay pinuntahan niya ang kotse na ginamit.Pagmamay ari ito ni Mr. Chan at dito niya na-Kidnap ang matanda saka dinala sa lugar na ito.

Naghanap ang lalaki ng ebidensya o anumang bagay na makapagtuturo sa kanya ng pagkakakilanlan ng sinasabi di umano na Bossing nila Mr. Chan.Doo'y natagpuan niya ang Cellphone ng matanda.Kinuha niya ito pati na ang isang Bag na puno ng Salapi.

Matapos makuha ang mga kailangan ay umalis na ang lalaki sa lugar na iyon at tinamnan ng bomba ang kotse.Ilang saglit pa ay nayanig ang nasabing gusali ng isang pagsabog.Mabuti na lamang at nakaalis na ang lalaki sa pinangyarihan.

"Sef, nandito na ko sa 7-11 sa quiapo.Nasaan ka na ba?"

"O sige! Nandito ko sa overpass.Bilisan mo"

Wika ng lalaki habang nakikipag usap sa telepono.

Mayamaya pa ay dumating ang isang kotse at sumakay ang nasabing lalaki rito saka nagmadaling isinara ang pinto ng kotse.Umalis sila sa lugar na iyon at habang nasa kotse;

Leave out all the restTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon