Prologue

818 15 0
                                    

Isang perpektong Linggo ng Umaga,Payapa at mataas ang sikat ng araw.Napagpasyahan ng Familia Magalona na lumuwas ng siyudad para magpahinga at ipagdiwang ang kaarawan ng isa sa kanilang Dalawang Anak.

"Hay naku! Anong oras na tayo makakarating sa Batangas niyan! Hun, tama na yang harutan pwede ba?"reklamo ni Sheryl Magalona, Ang Ina ng tahanan.

Umawat na sa pakikipaglaro ang kanyang asawa sa kanilang mga anak na sina Frank, ang panganay at ang bunsong si Elmo na nagdiriwang ng ika-apat na kaarawan sa araw na iyon.

Sumakay na ang buong pamilya sa kanilang Kotse kasama ang Yaya ng mga Bata na si Nimfa.Naging maingay at puno ng tawanan ang kanilang biyahe dahil Panay ang asaran at pakwela ng mga Bata pati na rin ang mag Asawa.

Hapon na ng makarating sila sa isang Resort sa Batangas.Tuwang-tuwa ang mga Bata dahil sa Dagat at swimming pool.Hindi pa man nakakain ay agad ng nag aya ang mga ito na magtampisaw at lumangoy sa dagat.Mabuti na lamang at wala ang kanilang Ina sa mga sandaling iyon at pinayagan ang magkapatid.

Frank : Thanks,Dad! Promise di kami magkukulit.

Daddy: I know.Just be responsible huh? Take care of your Brother and be back before dinner.

Frank: Dont worry,Dad.I'll take care of Elmo.

Tumango na lamang ang kanilang Ama at ngumiti saka tinapik si Frank.Agad namang inaya nito ang kapatid at tinuruang lumangoy.

Aliw na aliw ang dalawa at inabot na ng dilim.Dumating ang kanilang Ina at pinaahon na sila sa paglalangoy.Nag iiyak si Elmo na ginaw na ginaw hanggang sa nagkaroon ito ng sipon.Dahilan para magalit ang kanilang Ina kay Frank.

Mommy: Bakit naman hinayaan mong maghapon na nakababad ang kapatid mo?! Hayan tuloy.

Frank: Sorry Mom..Di ko naman po alam na he'll get sick because of that.

Mommy: As a Kuya,it's your obligation to take care of your Brother.You have to be responsible! You know our rules,Franky!

Frank: *sobs* Yes,Mom.

Mommy: Sasama ka sa amin bukas ng Dad mo papunta sa ka-meeting namin walang Brick games!

Daddy: Hayy..Grabe naman yung parusa mo,Hun.Nakakainip kaya sa Business Meeting.Hayaan mo na lang kasi yun.

Mommy: Michael Magalona wag ka ng mang -Asar. Frank Mikael, go to your Room.

Sumunod na lamang si Frank sa kanyang Ina at pumasok sa kanilang kwarto ng kanyang kapatid.Kahit na umiiyak ay lumapit sya sa kanyang kapatid at tinabihan ito sa pagtulog.

Kinabukasan,isinama si Frank ng kanyang mga magulang sa isang Business meeting.Malayu-layo ito sa kanilang tinutuluyang Resort kaya maaga silang umalis.Naiwan ang tulog na tulog na si Elmo na iniwanan nila ng matatamis na halik.

"Yaya,pakibigay to kay Omelette huh? Sabihin mo wag siyang makulit at kapag nagpakabait sya may prize sya kay kuya."bilin ni Frank.

Tumango na lamang ang Yaya nila at kinuha mula sa kamay ni Frank ang isang Yoyo na lagi nilang pinag aagawang magkapatid.

Lingid sa kaalaman ng musmos na si Elmo, ang tagpong iyon ang huling beses na makakasama at masisilayan niya ang kaniyang mga Magulang at Kuya Frank.

Leave out all the restTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon