CHAPTER THREE: The Plan

22 3 0
                                    

When I finished serving the Privileges and Monsieur dinner, I hurriedly returned to my room to prepare para sa pagtakas ko from this Mansion. The plan will commence three days from now, just enough to polish yung escape paths na ibinigay sa akin ni Anna.

So this is the plan—when all of them are resting, we will move at dawn. Nagbigay sa'kin si Anna ng blueprints ng Mansion for me to know kung saan ako pupunta. She also gave me a card to pass through sa backdoor gate where it leads sa forest. I just have to follow yung trails na iniwan niya. At the end of the trail, may maghihintay daw sa'kin doon. They will help me to cross sa borders ng Evershall. I've heard maganda raw sa East where Summerstall is located. There are a lot of festivities and warm daw ang klima. That's where I'm headed.

Dito kasi sa Evershall, the weather is always gloomy. The sun is dull while the moon bathes in glimmer, especially at the peak of the night. Where the stars are shining brightly, however, the moon shines brighter. Kaya I've grown to love the moon. Ito lang ang natatanging maganda sa lugar ng Evershall. Napatigil ako sa pag-iimpake nang may kumatok sa pinto. Rather, itunutoktok yung dulo ng mop sa pinto ko.

"Twileigh~ may I come in?" Oh... It's Sanjiro. Kaisa-isang kaibigan ko sa Mansion. He's the only one who calls me that name. However, mas gusto ko yung pinangalan niya sa'kin kesa sa pangalang 'Twilight'.

Sa sobrang occupied ko sa pag pre-prepare, hindi ko na siya inalala.

Tinago ko lahat ng gamit sabay sabing, "Pasok ka lang, 'di naman ako nangangagat." I heard him chuckled bago ko ibaba yung ladder.

"Sooo, bad day huh?" awkward niyang bati sa akin.

"Nah, kailan ba naging maganda ang araw ko rito? Boang ka ba?" then he laughed again. Dito sa Mansion, si Sanji lang ang taong pinaka-komportable ako. We've known each other since in-adopt ako ng Waltons. Naging best friends na kami ever since.

Mas matangkad siya sa'kin, if I were to describe him—medyo tanned ang kanyang skin, slanted ang mga mata at patpatin. Isang ihip lang ng hangin, lilipad na dahil sa kapayatan niya.

"I'm just asking!" he shrugged, then tumabi sa'kin sa maliit kong kama. Tiningnan niya ako at sinabing "But seriously, I'm sorry I didn't help you earlier. I know they've punished you again for it."

"It's okay, mas mapapahamak ka lang if tinulungan mo 'ko kaya I understand."

Napayuko na lang ako—wondering kung sasabihin ko ba sa kanya. Pero in the end, wala akong naisagot pabalik. Natahimik ako pero siya lang ang patuloy na nagsasalita sa aming dalawa.

"You know, if I could find a way para makatakas dito—isasama talaga kita," tumikhim ako ng malakas, I've been caught off guard doon sa sinabi niya. I looked at him thoughtfully, ba't ko ba itatago sa taong 'to ang plinaplano ko? Napaisip ako, what if isama ko siya?

Nakalipas ang ilang minuto, I stared at him intently then said, "Do you want to go with me? Chase our freedom and escape from this shithole," Sanjiro laughed loudly. May nasabi ba akong nakakatawa? Bawiin ko na lang kaya at iwan ko na lang 'to dito? Bahala siyang palu-paluin ng latigo ni Aling Karina.

Nung napansin niyang ang sama ng tingin ko sa kanya—and iba na ang timpla ng mukha ko, napasigaw siya.

"Wait... Are you serious?!" I just rolled my eyes and binatukan siya.

"Sasabihin ko ba kung hindi? And would you please keep quiet?! Kung nahuli ka dito hindi lang latigo ang matatamo natin," napataas ang kilay ko kaya talagang tumahimik siya. Good.

"B-but how?" I smirked at him saka sinabi yung plano namin ni Anna.

┏━━━━━━━━━━━━┓


Sanjiro was repulsed by the idea pero nang malaman niyang malapit na ang D-day, para siyang inabandong tuta and biglang sabi sa akin na sasama raw siya dahil ayaw niya raw akong iwang mag-isa. Baka siya pang ayaw maiwan.

I also told him about the possibility that this plan will fail pero sabi niya noon, "So what? Atlis kasama kita pero dapat ikaw ang mauna, susunod na lang ako sa'yo. Ladies first ika nga nila," kaya 'yon, nakatanggap nanaman siya ng batok sa'kin.

The execution of our plan starts tomorrow. For now, nag-la-lay low muna ako sa Mansion. Ni hindi nga ako nagpaparamdam sa mga Privileges, and kung makita ko man si Monsieur at Mademoiselle, umiiwas ako. I have to live like a ghost these past 3 days pero paunti-unti, kumukuha ako ng mga silver utensils and kung anong pwedeng maibenta pagkalabas na namin ng Mansion. Sabi ni Anna, I can earn one copper each para sa mga ito. Enough para sa 2-days stay namin sa inn after naming makatakas.

I also find time para makausap si Anna, and she tells me all I need to know outside of this Mansion. First, I have to hide my hair. Sabi kasi niya, hindi raw pangkaraniwan ito sa Evershall except sa Elderwell kung saan lahat ng tao iba't iba ang kulay ng buhok. When I asked what it's like outside, there's something about her eyes that ruffles me to think it's not much different from here.

However, there is something outside that isn't here—my freedom.

GAME OF DEATH: Wrath OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon