LOVING HIM FEELS LIKE WIND

5 1 0
                                    

Note:
Hi! I am Reifilledheart and this is my second story that i will publish in public. This might not be the one of the best story that you will encounter, advices and recommendation would be appreciated by the Author.

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

This story contains different scenario and might get you uncomfortable but waning and disclaimers will be noted!

----------------------

"Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw nya sa akin pero ako ay nakatulala lang dahil hindi ko na rin naman alam ang gagawin.

"Hindi mo ba naisip yung tayo?! Yung ako?! Jhiro naman!" Palahaw pa nya. Kasabay ng pag tulo ng luha ko ay ganoon din ang kanyang pag bagsak sa sahig habang umiiyak.

"Hindi ko inisip dahil una palang hindi naman talaga kita minahal!" Sigaw ko sa kaniya dahilan upang mapatingin sya sa akin ng may pagmamakaawa.

Tangina alam kong hindi talaga yon ang nararamdaman ko dahil mahal na mahal ko sya pero ito nalang ang paraan para magalit sya't iwan ako.

"A-ano? Ano...anong sinasabi mo?" Iyak nya sa akin.

"Hindi kita minahal dahil ginamit lang kita para mas mabilis kong maabot kung ano at nasaan ako ngayon. Napaka dali mong ma-uto." Pagpapa-tatag ko sa loob ko habang pinapanood syang umiyak sa harap ko.

Ang hirap nyang panoorin na umiiyak ng ganito saakin pero kailangan kong gawin 'to para sa kaniya.

"Napaka walang hiya mo, Jhiro! Paano mong nagagawa at nasasabi saakin lahat ng 'to? Tangina... ganon ba ako ka-tanga para hindi manlang mapansin yon?" sigaw at pagtatanong nya sa sarili nya.

"'di ako nag kulang, binigay kong lahat pero tangina hahaha hindi pala enough yon." Bulong pa nya.

Pinanood ko lang sya hanggang sa tumayo sya't kinuha ang gamit nya. Akala ko ay aalis na sya pero humarap sya sa akin at sinabing...

"Magkikita pa tayo at ipapakita ko sayong kaya ko at kakayanin ko para sa sarili ko." Sabay ng kaniyang pag alis ay ang aking pag iyak at pag palahaw ng sigaw dahil sa sakit na aking nararamdaman.

Hindi ko na alam.

Loving him feels like windWhere stories live. Discover now