Kabanata I

7 1 0
                                    

Kabanata I- The encounter

Ihip ng hangin ang sumalubong sa kanyang mga pisngi. Tila ba hinehele siya nito at binibigyan ng pahinga. Pumikit siya at dinama ang may lamig na ihip ng hangin. Ilang segundo lamang ay nakarinig siya ng tunog ng isang gitara. Isang tono na ngayon niya lang narinig. Pakiramdam lamang niya ay tila ba narinig na niya ang tunog na iyon. Hindi niya lang matandaan kung saan at kailan niya ito narinig. Ngunit para sa kanya ay isa itong pamilyar na tunog.

"Yvy?" tawag mula sa kanyang likuran.

Hindi niya namalayan na papalapit na pala siya kung saan nanggagaling ang tunog ng gitara. Napakurap siya at napailing. Tumalikod siya at naglakad palapit sa tumawag sa kanya.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya. "Hindi kita napansin na dumating."

"Paano mo 'ko maririnig e para kang nahypnotize kanina. Naglalakad kung saan tapos hindi ako naririnig." sagot ng kaibigan. "Tapos ngayon para kang lutang. Ano girl may tama ka ba?"

Tumawa siya. "OA mo ah. Hindi ba pwedeng may iniisip lang?"

Umirap siya. "Ewan ko. Tara na nga. Nandoon na daw si maam Jona sa guidance."

"Oh? Sige."

Si Yvy ay isang scholar sa eskwelahan nila. May tatlo siyang part time job para lang may pagkuhanan ng allowance at para may maipon rin siya. Ngayong high school na siya ay hindi basta basta ang gastusin. Kaya kung may trabaho ay agad niyang pinapatos. Para lang may pagkakitaan siya.

Sa house of mother's siya pinaampon ng mamatay ang kanyang mga magulang noong siya'y limang taong gulang. Ayaw niyang sumama kahit kanino sa kanyang family relative kaya dito na lamang siya sa bahay ampunan. Dito na siya lumaki at ang balak niya ay maging madre para lang mapasalamatan niya ang mga madreng nag aruga sa kanya. Malaki ang utang na loob niya sa mga ito. Kung kaya't hindi siya nakakapunta sa mga pasyalan dito dahil mas gugustuhin niyang makatulong sa bahay ampunan.

Lagi siyang nasa choir sa simbahan at walang mintis siya. Kaya naman ay hanggang sa school at simbahan pa lamang ng bayan nila ang kanyang napapasyalan.

"May paswimming daw si Dana mamaya. After class, sama ka naman!" yaya ni Liana.

"Naku, may gagawin kasi ako mamaya."

"Lagi naman e!" simangot ng kaibigan. "Minsan lang naman e."

Ngumiti si Yvy ng konti.

"Sa susunod na lamang. Uuwi na ako." aniya.

Hindi na lamang binigyan ng pansin ng kanyang kaibigan iyon at hinayaan na lamang na umalis si Yvy. Sanay na silang MIA si Yvy sa lahat ng lakad. Kaya naman ay hindi na nila inaasahan na darating si Yvy kahit sa anong bagay.

"Baka naman hindi mo maenjoy ang pagiging high school mo hija kapag lagi ka nalang narito sa bahay ampunan." saad ni Mother Hemena.

Ngumiti si Yvy. "Mas maeenjoy ko po ang pagiging high school ko kapag nakakatulong po ako dito. Mas mahalaga po ang gawain ko dito kesa mag aliw aliw sa labas."

Ngumiti ng malungkot si Mother Hemena. "Hija, magkaiba ang ibig sabihin ng priority. Ngayon ang priority mo ay mag enjoy. Kasama ang iyong mga kaibigan. Habang tumatagal ay nag iiba ang priority natin sa buhay kaya huwag mong pagkaitan ang iyong sarili na mag enjoy. Hindi mo naman kailangan laging narito Yvy. Your are free."

"Thank you po Mother Hemena. Pero dito po ako masaya at hindi niyo po ako mapipilit na lumabas at maglaro." matigas na sagot ni Yvy.

Napailing na lamang si Mother Hemena. Tsaka biglang napapalakpak ng palad tila may naalala.

The Guitarists First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon