CHAPTER 03

1.6K 38 8
                                    


This will be the last update here in wattpad. Completed now on Patreon and vip group.

M.D mall..

Luis really drove for his mom and Calista going to their mall, siya mismo ang nagmaneho para sa mga ito habang walang tigil ang dalawa sa pag-kukuwentuhan ng kung anu-ano sa likod ng kanyang sasakyan. At wala na talaga, sira na ang schedule niya ngayong araw dahil imbes na nasa opisina niya siya at nagtatrabaho ay heto siya at ginawa pang driver.

"Ang ganda-ganda po talaga ng mga Malls niyo Tita." Hindi ko maiwasang purihin ang negosyo ng pamilya nila na ilang dekada na din namang tumatakbo. Mall hours na kaya marami-rami na din ang tao dito. At ang sosyal lang dahil may kasunod kaming limang bodyguards habang naglalakad sa loob ng mall nila.

"Si Marcus talaga ang may gawa ng mga ganito, imbes na gawin niyang pang high end ang mall na tinatayo niya ay ginagawa niyang pang-masa para mas lalong pumatok." Kuwento ni Amara, sa pagdaan ng panahon ay mas marami pa ang napatayo ng asawa niyang si Marcus na mga mall dito sa bansa. At ang kagandahan lang ay dinedepende ng asawa kung dapat ba na pang masa o pang alta ang mall nito sa lugar na pagtatayuan. Tulad na lang sa mga probinsiya kung saan binabaan talaga ni Marcus ang renta sa mga stalls at shop para hindi lang ang mga mag-rerenta ang makikinabang kung hindi pati na ang mga consumer mismo. Pero 'yong mall nila sa Greenhills ay mas pina-high end pa sa paglipas ng panahon dahil nga nasa City kaya mas nagpasok pa ng mga primera klase na brand at shops katulad ng mga mall sa BGC, Taguig.



"Kaya nga po eh, ang galing po ni Tito." Tinitingnan-tingnan ko si Luis na nauunang naglalakad sa amin. Ilang beses siyang binati ng mga empleyado na nadaanan namin pero ilang beses din niyang hindi 'yon pinansin. "Ang sungit po talaga ng anak niyo no? Kung nagiging babae 'yan malamang ang taray niyan." Sabi ko kay Tita Amara.



Natawa naman si Amara dahil sa sinabi ni Calista patungkol sa anak niya. Ewan ba niya kung bakit may pagka-masungit ang panganay nilang ito. "Masungit man 'yan iha pero napaka-sipag niyan magtrabaho, kita mo nga kahit Sabado nasa office pa." May pagmamalaki sa boses niya, hindi naman nila mag-asawa inoobliga na magtrabaho ng weekend si Luis pero ito talaga ang may gusto kaya hinayaan na lang din nila.

"I know Tita kaya sure na sure po ako hindi magugutom ang bubuuhin naming pamilya in the future." Pabiro kong sabi, syempre dapat medyo paparinggan din natin si Tita Amara ng gano'n para maisip niya na ako lang talaga ang bagay sa anak niya at soon mommy na din ang itatawag ko sa kanya.

"Ay naku ibang-iba talaga kayo ng Mommy mo, kung si Isla tahimik at napaka-pino kumilos ikaw naman ay ibang-iba talaga."



"Kay Daddy po kase ako nagmana." Pangangatwiran ko pa.



Rinig na rinig naman 'yon ni Luis lalo na ng sabihin ni Calista tungkol sa bubuuhin na pamilya. Tsk, bubuuhin na pamilya my ass..



Naglibot-libot sila sa loob ng mall at kung saan-saang boutique pumasok. Amara bought for Calista some dresses and shoes, dalawang lalake kase ang anak nila ni Marcus at kahit gustuhin pa nilang magkaroon ng anak na babae ay wala talaga kaya naman natutuwa siya kapag nakakasama ang mga anak na babae ng mga kaibigan niya katulad nitong si Calista. She really want to have a daughter though.




    "Hello po Tito Marcus, wala pa din po talagang pinagbago no? Ang pogi niyo pa din po talaga." Dito na lang sumunod si Tito Marcus sa mall para sunduin si Tita Amara at kasalukuyan nga kaming nagta-tanghalian na apat.



"Bolera ka talagang bata ka." Sabi ni Marcus na hindi mo mababakas sa itsura nito ang totoong edad. Naupo siya sa tabi ng asawa at kahit nandoon pa si Calista at anak niya ay hinalikan niya pa din ang asawang si Amara.




Luis shook his head, hindi naman siya nahihiya dahil sa pagiging malambing ng tatay niya sa mommy niya pero kapag magkasama na ang mga 'to ay parang laging nakakalimot sa paligid.




"Ikaw ng bahala kay Calista Luis, may lakad kami ng Mommy mo pagkatapos nating mag-lunch." Sabi ni Marcus habang kumakain sila.




"Dad babalik pa ako sa office, hindi ko na nga nagawa 'yong gagawin ko dahil nagpa-drive sila sa akin papunta dito kahit puwede namang sa driver na lang eh." Parang nagrereklamo na sabi Luis. He have already plan today but because Calista came on his office his schedule was messed up.



"You can do that on Monday anak, saka wag kang nagrereklamo kapag ang Mommy mo ang nagpapasama sa 'yo." Sabi ni Marcus.



"Pero Dad kaya naman umuwi niyang si Calista eh, saka nagpahatid 'yan panigurado sa piloto ni Ninong Gael." Inis na sabi ng binata.




"Ay do'n ka wrong Pogi, kase sa piloto ako ni Tito Marcus nagpasundo. Diba Tito?"




"Yes, kagabi pa sa akin nagsabi 'yang si Calista na luluwas nga daw dito kaso papagalitan daw siya ng Ninong mo kaya pinasundo ko na lang kanina." Pagtatama ni Marcus, inaanak din niya itong si Calista pero nakasanayan na nito na Tito ang tawag sa kanya kaya hinayaan na lang din niya.



"Tsk, abala talaga eh." Bubulong-bulong na sabi ni Luis na kahit anong pagsagot pa ang gawin niya ngayon ay siguradong wala siyang panalo.

   Matapos mag-tanghalian ay naghiwa-hiwalay na silang apat, sina Marcus at Amara ay pupunta sa Pampanga para personal na tingnan ang pina-costumized na sasakyan sa kaibigang si Hugo Montero samantalang si Calista at Luis naman ay magkasama.



"A-ano na naman?" Tanong ko kay Luis ng tingnan niya ako matapos kong sumakay sa passenger seat ng kotse niya. His car is a color gray Roll-royce phantom that reallg suit to him, heavy tinted. As in heavy dahil hindi ka talaga makikita dito sa loob kahit pa may tumingin o sumilip na tao mula sa labas.




"Anong feeling mo sa akin Calista? Driver mo? Dito ka maupo sa tabi ko." Asik ni Luis, hindi niya na mabilang kung ilang buntong hininga na ba ang nagawa niya simula kanina pero nauubos na talaga ang pasensiya niya dito sa babaeng ito.



"Ayoko nga, dito na lang ako tutal nandito naman na ako nakaupo eh."




"Eh di hindi din tayo aalis dito hanggang hindi ka din lumilipat." Matigas din na sabi ni Luis, tutal sira naman na ang schedule niya ngayon ay kayang-kaya niya makipag-matigasan dito kay Calista.



Tinitigan ko siya, at alam kong seryoso talaga siya! Kaya naman sinecure ko muna ang mga pinamili sa akin ni Tita Amara dito sa upuan bago ako lumipat sa unahan. Kinawayan ko pa nga 'yong bodyguards ni Luis na nasa kasunod naming sasakyan bago ako tumabi sa kanya.



"Lilipat ka din pala ang dami mo pang arte."



"Aba nag-aalala lang ako dahil  sa puwede kong gawin sa 'yo no." Like hello para sa ikakabuti ni Pogi ang ginagawa ko no!


"At ano naman 'yon ha?" Tanong ng binata matapos paandarin ang sasakyan. Ihahatid niya na ito sa airport tutal doon naman daw ito ibinaba ng helicopter na sinakyan nito bago siya bumalik sa kompanya nila.



"Gusto mo talagang malaman ha?"


"Ano nga kase? Ang dami mo talagang pasikot-sikot no?" Iritable na sabi pa ni Luis, kung siya lang nunca na ihatid niya ito or what if ibaba niya na lang kaya sa sakayan?



"Alam mo kase matagal na akong curious kung gaano ba talaga kahaba at kataba 'to." Puno ng kapilyahan na sabi ni Calista na para bang kumikinang-kinang pa ang mata dahil sa iniisip. At tsaka niya biglang dinakma ang pagkalalaki ni Luis.



"Shit, CALISTAAAA!" Nabigla at literal na nagulat na sigaw ni Luis.


This is already completed on vip group and Patreon apps. To join dm me on my fb page!

#maribelatentastories

M.A series 2nd gen Luis DelgadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon