CHAPTER 01

3.5K 100 12
                                    


This story is now on completed and pay to read on Patreon and vip group. To join on vip group dm me on my fb page!






"Good morning, good morning po!" Masayang bati ng bente dos anyos na si Calista sa mga nakitang security guards matapos makababa sa taxi na sinakyan niya. Nahihirapan man ay nagawa niya pa din maibaba ang isang kaing ng prutas, agad din siyang nilapitan ng isang guwardiya para tulungan siyang buhatin 'yon.

"Kayo ho po pala Ma'am Calista, magandang umaga po!" Masiglang bati ng may edad ng guwardiya sa dalaga na kinuha na ang bitbit nito.

"Good morning Manong guard, nandiyan na po si Pogi?" Napahawak ako sa beywang ko dahil mabigat din talaga 'yong isang kaing ng gulay. Napatingala pa nga ako sa mataas na building na nasa harap ko, ayoko man dito sa siyudad pero kase may isang tao na talaga namang pinupuntahan ko.



"Yes po Ma'am nandiyan na po si Sir, alas otso pa lang po nandito na siya kasama ang mommy niya."




"Ay talaga po Manong? Wow sige po papasok na po ako!" Masaya kong sabi, pero bago 'yon lumapit pa ako sa kaing na nasa harap namin at kinuha ang naka-hiwalay ng plastic doon sa ibabaw. "Para sa inyo po pala, bagong ani lang po 'yan kahapon at ako po mismo ang nag-tanim at nag-ani niyan!"




"Naku Ma'am maraming salamat ho, hindi niyo ho talaga ako nakakalimutan bigyan ng ganito." Natutuwa na sabi ng guwardiya habang tinitingnan ang binigay sa kanya ni Calista. At sa tingin niya ay nasa limang kilo 'yon ng iba't-ibang klase ng gulay.





"Tara na ho Manong patulong na lang po magbuhat niyan para makapunta na po tayo kay Pogi." Sabi ko ulit matapos magpunas sa paldang suot ko. 




"Sige po Ma'am ako na pong bahala." Hindi na pinagbuhat pa ng guwardiya ang dalaga at siya na lang mismo ang nagbuhat no'n, hindi na nga din niya idinaan pa 'yon sa inspection machine dahil lagi namang nagpupunta si Calista doon na may bitbit na mga prutas at gulay.





     Naglakad na papasok sa isang malaki at very modern na gusali si Calista. Magiliw niyang binati ang mga namumukhaan niyang empleyado doon. Paano ba naman na hindi siya makikilala? Eh Linggo-Linggo siyang narito. Kasunod ang guwardiya na may bitbit ng kaing na dala niya ay sumakay na din siya elevator, hanggang 30th floor ang building na ito at nasa 10th floor naman ang pupuntahan niya.




"Thank you Manong guard, ako na pong bahala dito kaya ko na po 'to." Magalang kong sabi ng makarating kami sa ika-sampung palapag na gusali, may mga kasabay din kaming empleyado sa elevator na siguro ay ngayon lang ako nakita at nagtataka kung bakit may dala akong mga gulay. 




"Sigurado po kayo Ma'am? O ako na pong magdadala sa office ni Sir?"




"Ako na pong bahala diyan Manong, kayang-kaya ko na po 'yan." Pinakita ko pa sa kanya ang braso ko at nagkunwaring pinapakita ang muscle ko kahit wala naman.





Natawa naman ang matanda pero nagpaalam na din ito kay Calista at sumakay na ulit sa elevator. Samantalang hinila-hila naman ng dalaga ang bitbit niyang isang kaing na halos bente singko kilos siguro ang laman. At ilang minuto lang ang lumipas ay agad naman siyang nakita ng tatlong lalake na pawang mga naka-itim at dali-daling tinulungan. At ng nasa tapat na siya ng pinto ng opisina ng tinatawag niyang Pogi ay huminga muna siya ng malalim bago kumatok sa pintuan.




"Pogi!"



"Pogi!"



"Magandang umaga Pogi!" Malakas ang boses na sabi ko pagkakita ko sa poging lalake na nakaupo sa maganda niyang upuan.




"Oh my God ikaw pala Calista.." Sabi naman ni Amara ng makita ang dalaga. Tumayo siya mula sa kinakaupuan at saka nilapitan ito.





"Good morning po Tita." I kissed her on her cheeks and embraced her too. "Wait lang Tita ibibigay ko po muna ito kay Pogi." Turo ko sa kaing na nasa gilid ko.





Amara shook her head while looking on Calista, hinila-hila nito ang isang kaing na naman ng gulay at prutas palapit sa anak niyang si Luis.





"Magandang umaga Pogi, bagong ani 'to, at alam mo ba ako din ang nag-ani niyan kahapon, para sa 'yo 'yan." Kulang na lang ay lumagpas ang ngiti ko sa tenga ko ng makita ko si Pogi, oo Pogi ang tawag ko kay Luis na anak nila Tito Marcus at Tita Amara dahil pogi naman talaga siya. 




"Tsk, nandito ka na naman. Ayoko niyan okay?" Hindi man lang tinapunan ng tingin ng bente singko anyos na si Luis si Calista at patuloy pa din sa ginagawang pag-pirma sa mga papel na nasa harapan nito. 




"Grabe ka naman Pogi, ako na nga nagtanim, nag-ani saka nagdala niyan dito para sa 'yo tapos ayaw mo pa?" 



Doon naman nilapitan ni Amara ang anak at mabilis pinadapo ang hawak na pamaypay sa braso ng anak niya. 



"Ma!" 



"Itigil mo muna 'yang ginagawa mo diyan Luis at nandito itong si Calista." Sabi ni Amara sa anak, akmang sasagot pa nga sana ito pero inambahan niya ulit ng hawak na pamaypay. "Sige na.." Pinang-lakihan niya pa nga ito ng mata dahil alam niyang ayaw nito sa presensiya ng dalaga. 





"Okay lang po Tita sanay naman na po ako sa anak niyong 'yan." Nginitian ko pa si Tita Amara, sanay na sanay na din kase talaga ako sa kasungitang taglay nitong si Luis sa akin noon pa man. 





"Ano ba 'yang mga dala mo iha? Alam ba ng Daddy mo at ni Isla na lumuwas ka dito? O tumakas ka na naman." Tanong ni Amara.





"Nagpaalam naman po ako sa kanila pero hindi po ako pinayagan." Mahina kong sagot, wala na hindi na naman naalis ang tingin ko kay Pogi, bagong gupit nga kase siya ngayon at bagong ahit kaya naman ang pogi talaga. 





Tiningnan ni Luis ang dala ni Calista na nasa loob ng kaing, iba't-ibang klaseng gulay 'yon at may prutas pa nga. "Hindi ka na sana nagdala niyan, hindi ko naman kakainin 'yan." Masungit na sabi niya. 




"Grabe ka talaga sa akin Pogi, baka gusto mo ikuwento ko ngayon kay Tita Amara kung ano 'yong kabahalaghan na nakita ko noon." 




"Calista!" 





Tinaasan ko nga siya ng kilay, isusumbong ko talaga siya sa mama niya tutal nandito naman si Tita Amara ngayon eh. "Alam mo kase Tita nakita ko si Luis na inaano 'yong---" 







Pero hindi na natuloy ng dalaga ang sasabihin ng takpan ni Luis ang bibig niya. 






"Lalabas po muna kami Mommy, bibili lang kami sa cafeteria." Paalam ng binata na hinila na si Calista palabas ng opisina niya, he knew what she will say to his mother. And that's the time she saw him fucking the papaya. 



#Maribelatentastories

M.A series 2nd gen Luis DelgadoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon