Chapter Five

554 5 0
                                    

Bago pa naitago ni Krizelda ang larawang hawak ay nakita na ng lalaki. Ngumiti ito nang nang uuyam nang magtama ang kanilang mga mata.
"Gabriel, gusto kong ipakilala ang taking pinsan, si Krizelda Fortalejo," ani Bernard na bumasag sa ilang sandaling katahimikang pumagitan. Kung napuna nito ang tensyong mababakas sa mukha ng dalaga"y walang sinabing anuman.
So, Gabriel pala ang pangalan ng aroganteng lalaking ito!
   ani Krizelda sa isip niya.
  Hindi niya inaasahan nang yumuko ang lalaki at kunin ang kamay niya, hinagkan ang likod ng paladin.
   "Me alegro de haberte conocido, senorita, Krizelda," ani Gabriel na tila nanunuksong pinisil ang paladin niya.
I'm glad to have met you, ibig sabihin nito.
Naramdaman ng dalagang nag init ang magkabila niyang pisngi.
  Nagtawa si Bernard matapos marinig ang sinabi ng kasama." Hindi ko alam na natatandaan mo pa ang mga Spanish greetings na natutunan natin noon sa kolehiyo,
Eng'r. Redoblado!"
  Nang sa wakas ay pakawalan ni Gabriel ang kamay niya'y nakahinga siya nang maluwag. Nanginginig ang mga kamay na ibinalik niya sa envelope ang mga larawan.
" Namimili ng oras ang aking dila Bernard. Palagay ko'y natuto akong mag espanyol kapag kaharap ay Isang napakagandang senorita." anitong kay Krizelda nakatingin.
  "C'mon, Gabriel! Paglaruan mo na ang ibang mga babae ngunit huwag ang pinsan ko!"
  "Women treat me like I'm some kind of gift from god, masisisi mo ba ako kung pinagbibigyan ko ang mga paanyaya nila?"
  Sinabi iyon ni Gabriel sa tonong nagbibiro ngunit may kirot siyang naramdaman na hindi niya kayang ipaliwanag. Ano sa kanya kung maraming babae ang may kaugnayan sa lalaking ito, at ano kung tingin nito sa sarili'y biyaya ng diyos sa mga babae?
  Ayaw niya sa lalaking arogante na'y ubod pa pala ng hambog!
  "Hihintayin ko ang araw na makikita mo ang babaeng
katapat mo, Gabriel. Tinitiyak ko sa iyong tatalikuran mo ang lahat Para sa kanya," sabi ni Bernard.
  "You're talking from experience, Bernard, pero Tinitiyak ko sa iyong hindi darating ang araw na iyon sa akin," at ang sinabi'y binuntutan ng tawa.
  Sasagot pa sana si Bernard sa tinuran ng huli ngunit hindi naituloy nang magsalita si Krizelda.
  "Sit down, please. Mangangawit ang leeg ko sa inyong dalawa," reklamo niya.
  "Si Gabriel na lamang siguro. May usapan kami ni Jewel na magsu swimming. Want to join us?" tanong nito at pinaglipat lipat ang tingin sa dalawa.
  Umiling siya at nakasabay pa si Gabriel.
  "I have to go. Here's a picture of advice, Krizelda. Beware! Ang playboy ng Paso de Blas ang kaharap mo."
  "Shut up, Bernard!" nagtatawang sabi ni Gabriel sa papalayong kaibigan.
   Nang makalabas ng cafe si Bernard ay pumormal si Krizelda. Wala siyang balak na makipagkuwentuhan o makipag usap man lamang sa Isang hambog kaya umakma siyang tatayo para iwan ito. Ngunit mabilis na nahawakan ni Gabriel ang braso niya.
   "Not so fast, lady," anito.
  "I do not have business with you, Senior"
Tinitigan niya ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. "At wala kang karapatang hawak an ako."
   "You forgot to thank me, remember?" nanunudyong sabi nito na ipinaaalala ang unang pagkikita nila.
  Tumaas ang isang kilay niya at salat sa damdaming
sinabi:"Then, thank you".
   "You live up to my expectations, Krizelda. Na ang mga lahing kastila ay suplada," anang lalaki na hindi pa rin binibitiwan ang braso ng dalaga.
"But you amused me more."
  "Bitiwan mo ako!" mahinahon ngunit nag uutos na
  sabi niya rito.
  "I think,you have one of mine in your possession."
     "And what is it?"
Binitiwan nito ang braso niya at itinuro ang envelope na nakalapag sa ibabaw ng bilog na mesa.
  "Wala kang pag aari  na nasa possession ko, senior. Nagkakamali ka." aniya at hinila ang envelope.
   Amusement pa rin ang nasa mga mata ni Gabriel nang tiitgan siya. Nawala ang pokus nito sa envelope at maski papano'y nakahinga siya.
   "Sabihin mo sa akin, naniniwala ka ba na biyaya ng diyos ang isang katulad ko sa mga babae?" seryosong tanong nito makaraan ang ilang sandali.
  Napataas ang mga kilay niya at hinagod ito ng tingin.
Walang babaeng maitatanggi ang kakisigan at kagandahang lalaki ni Gabriel ngunit kung Sasagot siya ng " oo" ay lalo lamang itong magmamalaki.
   "Gusto mo bang malaman kung ano ang tingin ko sa iyo, Eng'r. Gabriel Redoblado?" kaswal na tanong niya.
  Ngumiti ito at mara hang tumango. Marahil ay inaakalang magagandang katangian ang sasabihin niya, ngunit nagkakamali ito.
  Pinakatitigan niya si Gabriel. Lumalambot ang expression nito kapag ngumingiti. And Lord! Tila may magneto ang mga labi nito at ang mga mata'y hindi niya mabawi.
  Pero pinilit niyang magpakahinahon at huwag maapektuhan ng animal appeal nito.
  "You're an arrogant brute! And your telling me that women treat you like you're some kind of gift from God makes me sick! Nakita mo ang mga lalaking Fortalejo at de Silva ngunit kailangan ay hindi ko narinig sa kanila ang narinig ko sa iyo!"
  Nang marinig ang kanyang sinabi'y unti unting naglaho ang ngiti sa mga labi ni Gabriel. Namula ang mukha nito at nagtagis ang mga bagang.
" Oh, don't get furious, senior! " nanunuyang sabi niya matapos makita ang reaksiyon nito." I am entitled to my opinion, right? Besides, tinanong mo ako at sinagot lamang kita".
  Tingin niya'y nagbabaga ang mga mata ni Gabriel na nakatitig sa kanya. Na kung maaaring tuna win siya sa titig lamang ay ginawa na nito kanina pa.
  Hindi niya matagalan ang paghaharap na iyon kaya mabilis siyang tumayo.
  Hindi kumilos ang lalaki para pigilan siya.
"Con su permiso. May mas mahalagang bagay pa akong dapat pag aksayahan ng panahon."
  Iyon lamang at tumalikod na siya. Malalaki ang mga hakbang na lumabas ng café.
  Tinanong niya sa nakasalubong na empleyado kung saan ang opisina ni Nathaniel at magalang na itinuro naman ito.
Nagtaka ang mga nadatnan niya roon nang makitang namumutla siya at humahangos.
  "Krizelda, bakit? May nangyari ba?buong pag aalalang tanong ni Margarita na inalalayan siya paupo sa isang silya.
" Wala,Margarita. Marahil ay napagod lamang ako sa paglalakad hanggang dito".
  "Ganoon na ba kalaki ang hotel para mapagod ka, Krizelda?" nagbibirong tanong ni Nathaniel.
  "Dumaan dito kani kanina si Bernard at ang sabi'y iniwan ka niya sa café kasama si Gabriel."
  Ngumiti nang makahulugan si Nathaniel kay Jasmin. Hindi iyon nalingid sa kaalaman niya.
  "Are you teasing me, Nat? Kung sa kaibigan din lang na iyon ni Bernard ay hindi na! An arrogant brute!" dahil sa sinabi'y nagbalik ang kulay sa mukha niya. Pinamulahan siya ng mga pisngi.
  "An arrogant brute! The definition fits Gabriel definitely. But don't be blinded by his bad traits, Krizelda. Kalasag lang niya iyon to ward himself from women. Pero kaming mga nakakakilala sa kanya'y hindi ganoon ang impresyon."
  "Why I thought si Bernard lamang ang kaibigan ng lalaking iyon!" bulalas niya.
  Tinawanan ni Nathaniel ang reaksiyon niya.
"Noong un kong makilala si Nathaniel ay ganoon din ang impresyon ko sa kanya, Krizelda. Pero napatunayan kong mali pala ako," ani Jasmin at pinukol ng pagkatamis tamis na ngiti ang asawa.
  "Kilala ko rin si Gabriel," Saad ni Margarita na kanina pa nakikinig. "At kung ako ang tatanungin ay sasang ayon ako sa sinabi ni Nathaniel, Krizelda. Gabriel es un amigo excelente. El es una persona muy interesante."
  "Me niego a career!"
  "I don't blame you if you refused to believe. Pero Krizelda, El es asi."
   "Tiene usted razon, Margarita. Buweno, mabuti pa'y huwag na nation siyang pag usapan."

Kina hapunan ay nagbalik sina Margarita at Krizelda sa Villa Kristine.
Nakatanggap ng tawag ang una kay Emerald na nagsasabing matatagalan pa sa Quezon City.
  "Well, ngayong nasa hotel sina Nathaniel at Jasmin, ikaw at sina Bernard at Jewel lamang ang maiiwan dito sa Villa Kristine," ani Margarita makaraang patayin ang CP.
  "Nauunawaan ko. Ang bawat isa rito'y may kani kanyang  trabahong dapat asikasuhin."
  "Sana'y huwag kang maiinip, Krizelda."
  "Sanay na ako, Margarita. Sa Villa Aurora ay mandalas na ako lamang at ang mga kawaksi ang naiiwan."
  Tumango ito at iginiya siya sa silid na pinagburulan
Kay Leon.
  "Halika, sumali tayo sa mga nagdarasal."
Nadatnan nila ang ilang matatandang babae na napag alaman niyang taga simbahan, boluntaryong nagtungo
roon para sa padasal.
  Tahimik silang pumasok ni Margarita sa silid at naupo sa likuran ng mga ito. Ilang sandali pa at kasali na ang tinig nila sa mga nagdarasal.
  Kinagabihan, pagkatapos ng hapunan ay maaga siyang nagpaalam na magpapahinga.
  Gayunman, malalim na ang gabi'y hindi pa rin siya dalawin ng antok.
  Ang isip an niya'y ginugulo ng lalake sa larawan. At ang alaaala ng naging pag uusap nila sa café, kung paano niya itong ininsulto, ay nagdudulot ng uneasiness sa pakiramdam niya.
  Pinalipas pa niya ang mga sandali, at nang hindi pa rin makatulog ay bumangon sa higaan.
  Sasakit ang ulo niya kapag nanatiling nakahiga.
  Suot ang manipis na pantulog na inibabawan ng robe na lumabas ng silid si Krizelda at nanaog.
Bukas ang mga pang gabing ilaw at tahimik na tahimik
  na ang paligid.
  Pasado ala una na ng madaling araw at tiyak na mahimbing nang natutulog ang lahat sa kani kanilang silid.
Patungo siya sa kusina nang makitang bahagyang nakaawang ang pinto ng library at may naglalagos na liwanag.
  Inisip niyang baka gising pa si Margarita kaya humakbang patungo roon.
  "Margarita...?" kasabay sa marahang pagbukas niya ng pinto ang pagtawag sa pangalan nito.
  Ngunit hindi si Margarita ang nakita niya sa library.
  Napahawak siya sa dibdib, nanlaki ang mga mata na parang nakakita ng multo!

Kristine Series 5: Ang lalake sa larawan(By: Amanda of PHR) Where stories live. Discover now