Chapter 3: Hi

9 0 0
                                    

Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Mammeet ko na ang partner ko. Maaga akong nagising at maaga din ako pumasok sa school. Kinantyawan pa ako ng mga kaklase ko na excited daw ako. Tumanggi ako pero deep inside excited talaga ako. Pabebe ako eh. Haha.

"Announcement. To all cotillion dancers, please proceed to San Lorenzo Gymnasium now."

Yes! Ayan na oh! Narinig ko na. Dumiretso na ako sa gym para hintayin ang mga kasama ko.
Pumwesto ako sa may bleachers sa harap para mabilis makita. Nagbasa muna ako pamatay oras lang..

"Uy Angela andito ka na pala." Sabi ni Joshua

"Yes. Obviously."

"Sungit mo naman. Meron ka ba?"

"Wala. Pake mo?"

Tuluyan ko na siyang hindi pinansin. Dumating na si Sir Mathew. PE teacher siya and siya hahawak sa aming mga kasama sa cotillion.

"Guys! Form na kayo dito sa gitna"

Nagform kami by year at inayos by height. Sinabi na magpair by partner kaso si ko kilala partner ko. Biglang may lumapit sa akin and siya daw partner ko.

Mahiyain siya. Nagh-hi ako sa kanya para naman mawala yung ilang. Ang cute niya :") kinikilig ako. Umaandar harot hormones ko eh.

"Hi" bati ko. Pero ang saklap. Smile zoned ako. Nginitian lang ako mga tol. </3 pero okay lang.

"Hold your partner"

Yes! Hahawakan niya kamay ko. Naks naman. Medyo magaspang ang kamay niya pero binalewala ko na iyon. Tinuro sa amin ang mga proper hold and ang first 3 steps. Inisa-isa rin kami. Ang galing nilang lahat. Mga pro kasi. Samantalang ako, after 5 years ngayon na lang ulit sasayaw. Turn na namin..

Naexecute namin ng tama pero kulang pa rin. "Ate, bumaba ka pa ng konti" ginawa ko naman ang sinabi ng D.I. Kinakabahan kasi ako. Back to the top kami pagkatalikod ko nawala ang partner ko.. Iniwan ako. :( </3 okay lang. Sanay naman ako maiwan ng mga tao. PEOPLE COME AND GO ika nga. NO MATTER HOW LONG WE WANT THEM TO STAY, WHEN THEY CHOSE TO LEAVE US, THERE'S NO OTHER CHOICE BUT TO LET THEM LEAVE. Chos ang drama ko na.

Cotillion de HonorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon