Don't forget to stream "Temporary" by Alexa Cappelli on YouTube, I don't know why pero swak na swak yung kanta na ito para sa story lalo na sa prologue. Happy reading!
"I wished that I'd never met you, I have loved you but I was just your temporary happiness."
Naramdaman mo na bang maging panandaliang saya?
Yung para bang masaya lang siya kasi nariyan ka.
Hindi niya iniisip kung anong mayroon sa inyong dalawa, ang alam niya lang sa kanyang sarili ay masaya siyang ikaw ang kasama niya.
Ikaw ang nagpapangiti sa kanya, may kayo pero parang hindi mo ramdam na masaya siya sa iyo.
Kapag nagmahal ka, huwag sobra ang ibigay dahil sa huli sarili mo ang mauubos at hindi ang taong minahal mo.
Kararating lang ng binata galing sa trabaho, nadatnan nito ang kanyang nobya na masama ang loob sa kanya.
Nagtataka ang binata kung bakit ito galit sa kanya, gayong wala naman siyang ginawa na magiging sanhi ng galit nito.
"Sabihin mo sa akin, ano ba talagang mayroon sa atin? Panandaliang saya mo lang ba ako, ha Klien?" Saad ng dalaga
"Just stop, Dulcinea. Wala ng patutunguhan 'tong away natin, stop overthinking, okay?" Sagot ng binata
"You're telling me to stop, really Klien? Wala ng patutunguhan 'tong away? Tell me why do I have to f*cking stop overthinking?! TELL ME!" Galit na saad ng dalaga
"KASI WALA AKONG TINATAGO SA'YO, DULCINEA ARABELLE! D*mn it! Ano pa ba ang gusto mong malaman?" Napapagod na saad ng binata
"Walang tinatago, really? I saw your conversation with your ex. You want to get back with her, am I right? Ano pa ba yung gusto kong malaman!? Ano ba 'ko sa'yo, Klien? Laruan?" Umiiyak na saad ng dalaga
Sinubukan siyang hawakan ng binata ngunit siya'y lumalayo na para bang ito'y nandidiri, hindi matigil ang luhang umaagos sa kanyang pisngi na nagmumula sa kanyang mga mata.
"Now, I get it. I was just your f*cking temporary happiness, hindi pala sapat lahat ng ginawa ko para lang makalimutan mo siya." Muling saad ng dalaga
Mahal kita, ngunit hindi pa rin pala sapat iyon para tuluyan mo siyang kalimutan.
Upang ako naman yung mahalin mo pabalik gaya ng pagmamahal ko sa iyo.
Sana hindi na lang kita minahal kung alam ko lang na ito yung mararamdaman ko.
"I'm tired fighting for this relationship. I'm setting you free, Klien. Ito na ang huling pagkikita nating dalawa, hinihiling kong hindi na muling magtagpo ang ating mga landas. Paalam." Huling saad ng dalaga
Tumalikod ang dalaga at iniwang nakatulala ang binata sa kanyang pag-alis, sa pagsakay sa loob ng sasakyan siya'y luhaan habang hindi na maisip kung ano ang maaaring gawin upang makalimutan ang binata.
Sinubukan ng binata na habulin ang sinasakyan ng dalaga ngunit hindi na niya ito naabutan, dahil sa bilis ng paglisan nito sa kanyang harapan.
Minahal niya rin naman ang dalaga ngunit hindi niya maisaisip kung ano nga ba ang kulang, at bakit hinahanap niya pa rin sa iba ang tunay na saya na hindi niya matamasa.
Author's Note:
Prologue pa lang nakakaiyak na, what more kung sa mga chapters na haha. Sorry sa nakakaiyak na bungad. Don't forget to listen on the song provided, happy reading.
![](https://img.wattpad.com/cover/313186529-288-k342810.jpg)
BINABASA MO ANG
Temporary Happiness (Trial Series #1)
RandomHeartaches, hatred, trauma, anxiety, and depression changed her. It changed her a lot, she became cold and heartless. Far from her old personality, even her friends doesn't know her anymore. She is Dra. Dulcinea Arabelle Lacoursiere, the cold and he...