KABANATA II

42 10 4
                                    

Listen to "Palagi" by TJ Monterde (Wedding Version)


"Dulcinea, please come back. Please come back to me, baby. Ayusin natin ito ayaw kong mawala ka sa akin ng tuluyan, bumalik ka na dahil miss na miss na kita ng sobra."


Still Dulcinea Arabelle's POV

Kausap ko sa chat sina Syrinx habang inaantay kong matapos si Kaizen magluto, hindi ako makapag-isip ng maayos na para bang nalulutang ako na hindi ko maintindihan. Ayaw kong paniwalain yung nasaksihan ko ngunit iyon ang katotohanan, masakit man pero kailangan kong tanggapin.

Humiga ako sa couch at pinagmasdan ang kisame na parang nakatulala sa kawalan, sinubukan kong huminga ng malalim para pigilan ang pag-iyak. Pagod na ako, hindi ko na alam kung saan kukuha ng lakas.

"Dulci? Hey, halika na. Kumain na tayo ng hapunan, baka sumakit ang tiyan mo kung malilipasan ka ng gutom." Saad niya

"Okay po, tara na. Can we grab ice cream, mamaya pagkatapos maghapunan?" Saad ko

"Oo naman, I know that ice cream will comfort you when you're sad. Kakain tayo mamaya bago matulog, let me get you up." Saad niya

Tinulungan niya ako bumangon at inalalayan tumayo para hindi ako matumba, sabay kaming nagtungo sa hapagkainan saka kumain ng hapunan.

Habang kumakain, pinag-usapan lamang namin ang mga nangyari sa araw namin kanina sa trabaho. Hindi na isinama ang tungkol sa nangyaring hiwalayan dahil magagalit na naman itong si Kaizen.

"Kumusta naman ang trabaho, Dulci?" Tanong niya

"Maayos naman, kaso nitong pag-uwi hindi ko namalayan na uulan pala. Ang ending wala akong dalang payong at naiwanan ko sa sasakyan na ipinaayos ko sa vulcanizing shop kasi nasira yung engine starter, tinawagan kita para magpasundo sana ngunit naalaala kong nasa meeting ka pa pala kaya sumakay na lang ako ng taxi." Saad ko

I watched him smile as he looked at me while eating, and I smiled back. Iba talaga kapag si Kaizen Zagreus Bonavich ang nagmahal, sobrang maalaga at ituturing kang prinsesa.

"Ganun ba, pasensya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo, Dulci. Medyo mahigpit kasi sa kumpanya kapag nay meeting." Saad niya

"Ayos lang, Zen, naiintindihan ko. Ikaw ba, kumusta ang trabaho?" Tanong ko

"Hindi ko masasabing maayos dahil nagkagulo, at nagalit ang boss ko sa ginawa ng katrabaho ko. May isa pa kasi akong proyekto na tinitignan on-site, tapos itong katrabaho ko sinabi niya sa boss namin na pinabayaan ko raw yung isa pang proyekto na siya naman talaga yung may hawak. Kaya nagkagulo roon tapos yung mga materyales na ginamit ay hindi kasing tibay katulad noong sa proyekto na hawak ko, ako tuloy yung napagbuntungan ng galit ng boss ko." Saad niya

"Teka, parang hindi naman yata tama. Ano sabi ngayon ng boss mo?" Saad ko

Kahit mukha akong lutang ngayon, may naisasagot pa rin pala ako na matino. Pero hindi ko alam kung kailan ako aamin kina Mommy sa nangyari.

"Hindi talaga tama, Dulci. Sabi sa akin "Ikaw Bonavich, ang dali-dali lang naman ng pinagagawa ko sa iyo. Bakit hindi mo pa nakuha ng tama, ha!?" Tapos sumagot ako ng "Sir, hindi po ako ang may hawak ng proyekto na ipinagbubuntungan ninyo ng galit sa akin. Itinuro ko yung katrabaho ko na nagsumbong "Siya po ang may hawak niyon, Sir. Sa kanya po kayo magalit, dahil ni minsan na naging palpak ako sa trabaho, inaayos ko agad para wala kayong masabing hindi maganda sa akin." Saad niya

Temporary Happiness (Trial Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon