Third Person's POV
"Omg! Late na ako!" Tarantang saad ni Caya habang lakad takbo papunta sa kaniya eskwelahan. May inayos kasing daanan sa di kalayuan ng bahay nila at halos hindi na umuusad ang mga sasakyan. Sa kasamaang palad, hindi niya alam ito at medyo late na rin noong nagising siya.
"Good morning po ma'am," bati sa kaniya ng guard na kilala na siya bilang laging nangunguna sa pagpasok pero nagtataka dahil first time mangyari itong late siyang dumating. "Late po yata kayo,"
Nginitian niya na lang si kuya guard dahil baka mapachismis pa siya kapag sumagot siya. Dali-dali siyang nagpunta sa locker niya at nag-ayos ng gamit saka tumakbo na ulit papunta sa classroom niya.
"Lagot, may long quiz pa naman kami don!" Alalang sambit niya sa sarili na halos hindi na maipinta ang mukha niya.
Halos pabalibag niya nang binuksan ang pintuan ng classroom at halos lawit ang dila dahil sa pagod.
"Sorry I'm late!" Buong puso niyang sigaw na umalingawngaw sa buong room. Nagtinginan sa kaniya ang lahat, maya-maya pa ay sabay sabay na nagtawanan.
Halos gusto niya nalang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyang ginawa niya. Alam niyang pulang pula siya at halos hindi na maibuka ang bibig.
"Excuse me," Napapitlag siya ng biglang may pagsalita sa likuran niya.
"Naliligaw ka yata miss," sabi ng boses ng lalaki saka dumaan sa harap niya. Halos hindi pa rin magproseso ang lahat sa kaniya. Parang nawala siya sa ulirat dahil sa nangyari.
"I guess you're from class 3-B?" Para naman siyang natauhan ng magsalita ang prof sa harapan na nakatingin din sa kaniya kanina pa. Mabilis siyang tumango.
"Oh, you didn't know? Class 3-A1 and your class exchange their schedules and facilities late minute today due to capacity limits of students. I thought it was already posted in the forum," paliwanag sa kaniya ng prof. Mabilis niyang kinuha ang phone niya at nanlaki ang mga mata nang makita na meron ngang pin message na posted sa forums nila about sa announcement.
Halos gusto niya nalang sampalin ang sarili niya dahil sa katangahan niyang ginawa. Halos hindi niya na kasi tinignan ang phone niya dahil nga nabusy siyang maghabol ng oras dahil rin sa traffic.
"S-sorry po, sige po aalis na po ako," madaling sambit niya na nauutal pa at awkward na ngumiti. Ramdam niyang pinagbubulungan pa rin siya sa room na iyon kaya umalis na siya roon. Kaso bigla naman siyang napahinto at bumalik.
"Uh..." Muli na namang nagtinginan ang lahat sa kaniya. Napahiya naman na din siya eh susulitin niya na.
"Saan po ang room na sinasabi niyo?" Tinignan siya saglit ng prof at saka tumingin sa mga estudyante niya. Nakitingin din tuloy siya sa mga mukha ng mga tao don.
"Rai? Will you?" Sabi nito sa isang estudyante na sinipat niya din kung sino. Tinignan din siya saglit ng lalaki kaya medyo nailang siya at umiwas ng tingin. Kita niyang ngumiti ito sa peripheral vision niya saka sumagot sa prof.
"Sure," sabay tayo nito at lumakad papunta sa pwesto niya.
"Shall we?" Tanong nito na iginaya ang kamay sa daanan nila nang makalapit na ito sa kaniya.
Parang automatic na tumango ang ulo niya at sumunod sa lalaki.
"Shet lakas ni ate si Rai pa maghahatid sa kaniya," rinig niya pang bulong ng babae malapit sa pintuan na hindi niya nalang pinansin.
Sinundan niya nalang ang lalaking sinasabi nilang Rai. Di niya maiwasang pagmasdan ang likod nito.
"He has broad shoulder. I think he's 5'8 or so compared to my 5'1. And he has jaw line too, noticed that earlier and chinito eyes and he has that faded hair cut that compliments his jaw. Dang I also realise he has cute smile!"
"Oops," bigkas niya na halos mapamura ng mauntog siya sa likuran nito. Hindi niya naman na huminto na pala sila sa isang room.
"Done checking on me?" Tila nangaasar na saad nito sa kaniya. Napaiwas siya ng tingin at halos hindi alam ang sasabihin.
Omg! Kahihiyan na naman!
"Uhm... Medyo... Hehe," pagamin niya naman. Napataas ang kilay nito at mas lalong napangiti na tila natutuwa sa sagot niya.
"And you're not denying it?"
"Bakit naman magdedeny eh totoo naman eh. But don't get me wrong ha?! I'm not drooling over you!" Pagtatanggol niya sa sarili niya. Napailing ito sa kaniya.
"Sure. Well then, see you around..." She's too stunned to speak after what he did before he left.
Halos maluwa na sa panlalaki ang mga mata niya at naiwang nakaawang ang labi niya dahil sa pagkabigla lalo na at muling pumasok sa isip niya ang ginawa ng lalaki.
Did he just almost kiss me?!!
YOU ARE READING
That Jerk From Class 3-1A
RomanceNothing in this world makes him breathless, not until Calaya came and starts making his heart throb to the edge he can't breath anymore. (Breathless Series)