SIMULA

90 12 0
                                    

SIMULA

     HINDI MASAWATA ni Adrion ang sariling hindi sulyapan ang kahapon nang malapatan ng paningin niya ang lumang arko ng Hacienda Velaya. He feels like he was transported back to the Spanish era, with its arches and fences that seem preserved by time. Yari ito sa ladrilyo na mahahalatang matagal nang naipatayo dahil sa kalumaan nito.

     Mahigit apat na taon man ang nakalipas nang huli siyang makatapak sa asyenda ay naroroon pa rin ang hindi mabilang na bulaklak ng cadena de amor na gumapang paakyat ng arko at nagmistulan nang palamuti rito. Magical. That was his first thought as he looked at it.

     Nang makalapit ay tila niyayakag siya ng asyenda na pumasok dito. He pondered for a moment; he couldn’t fully comprehend, dito naman siya lumaki at nagkaisip, pero pakiramdam niya ay parang unang beses pa lang niyang makapasok dahil sa kahiwagaan ng pagsalubong ng asyenda sa kaniya. Even the gentle breeze seemed to greet him as it him from the open window of his car; the hacienda seemed elated with his return.

     A certain person entered his thoughts, prompting him to sigh heavily. As he paused, a cascade of their memories from times gone by echoed and occupied his thoughts.

     Over the past four years, Adrion put so much effort into burying those memories, but he didn’t make any progress. Lagi pa rin niya iyong naaalala, dahilan para mas lalo siyang mangulila.

     Namalisbis ang mga luha niya, katulad ng laging nangyayari sa kaniya sa tuwing aatakehin siya ng kaniyang kahapon. He turned off the car’s engine after pulling it off the road.

     Hindi na niya mapigilan ang emosyon, humagulgol siya sa iyak. Nanginginig ang katawan niyang binitawan ang manibela. Iniyukyok ang mukha rito kasabay ng pagyugyog ng magkabilang balikat niya.

     Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay Adrion---gusto na niyang ang nararamdanan para kay Inna, ang childhood bestfriend niya, ang babaeng lihim niyang minahal nang isang dekada, pero bakit hindi niya magawa? Matagal na panahon na rin siyang nakakulong sa hawla. Kailan ba siya makakalaya?

     It’s been four years since he confessed, pero hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin ang isip at puso niya hinggil sa nakuhang sagot mula sa babae. Kaibigan lang ang tingin ni Inna sa kaniya, nakatatak na iyon sa isip niya, pero hindi maintindihan ng puso niya.

    If he could only have the ability to dictate his heart, matagal na sana niyang nilusaw ang pagtingin sa dalaga. Pero para naman itong may sariling mga mata; mga matang walang ibang nakikita kundi ang babaeng mahal niya. Hanggang kailan ba siya ikukulong ng pagmamahal niya para kay Innamorata?

     Adrion’s pistachio-green eyes darted down to the lunchbox on the passenger seat. Ibinigay raw ni Inna kay Eva, ang lunchbox na iyon nang malamang siya ang nagbabantay kay Luan na nasa hospital.

     “Bakit hindi mo subukan ulit? Why don't you give a chance to the love in the past, Adrion?”

     Iwinaksi niya ang ibang kahulugang payo ng mga kaibigan niya nang iniabot ng mga ito sa kaniya ang lunch na gawa raw ni Inna para sa kaniya.

     “Bakit nga ba hindi, Adrion? Apat na taon na ang nakalipas, marami na ang nagbago sa mga buhay natin, pero siya pa rin ang laman ng puso mo kahit hindi niya ito tinugunan noon. Bakit hindi mo uli bigyan ng pagkakataon ang pagtingin mo sa kaniya?”

     Hindi puwede. Kaibigan lang ang turing ng dalaga sa kaniya. Ayaw na niyang gatungan pa ang hanggang ngayong lihim na paghihirap ng puso niya. He tightened his grip onto the steering wheel. Para siyang pinana ng libo-libong palaso dahil sa katotohanan.

     “Love is magical, Adrion. It takes us to things we never expect. Maybe this time, aayon na ang tadhana; magtutugma na ang puso ninyong dalawa.”

     Hindi maaari. Hindi maaaring maranasan muli niya ang sakit na iyon. Natatakot siya. Natatakot siyang muling makita ang sarili niya sa ganoong kadilim na sitwasyon. Kailangan niyang maging matatag at isara ang puso sa kahit kanino.

     “Take the leap of faith, Adrion. Conquer your fear and face its repercussion. Walang ibang makakapagpalaya sa iyo kundi ang sarili mo lang din.”

     Itutuon na lang niya ang sarili sa karera niya sa Entertainment Industry. Nariyan naman ang pamilya niya na nagbibigay ng pagmamahal at kasiyahan sa kaniya. Hindi na niya kailangan pa ang pagmamahal ng iba.

     Bumuntong hininga na lang siya at inayos ang sarili. Mahirap. Sobrang hirap para sa kaniya, pero sapat na rin siguro ang apat na taong pag-aalangan niya sa sarili na kalimutan ang lahat.

     Kailangan na niyang mas lalong protektahan ang puso niya. He no longer wants to stay in the dark and remain locked in a cage of this love. Gusto na niyang makatakas doon, gusto na niyang makalaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HACIENDA VELAYA 2: ECHOES OF AFFECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon