Chapter 13

2K 55 5
                                    

5 years later.....

Napakamot nalang ako sa ulo ko habang tinitignan ang anak kong umiiyak, "Bakit mo kasi ginawa iyon?"

"Mama, huwag kana po magalit sa akin kasal anan naman ni Boyet iyon dahil bad siya" humihikbing dahilan nito, kahit kailan talaga lumaki Siyang makulit at maldita,

Hinaplos ko ang mukha nito "Anak bad kasi iyon eh, sinaksak mo ng lapis si Boyet–"

"–Bad nga po Siya Mama, gumiling po Siya sa harapan ko tapos ang laswa po ng kanta niya sabi niya po oh binibini, just tats my body", nagmamaktol na sumbong nito, napangiwi nalang ako "Saka po Mama, hindi naman po matulis ang lapis na iyon eh"

Kinurot ko nalang ang pesnge nito, "Huwag na Ikaw iyak, mahal ka ni Mama" lumapit ito sa akin at niyakap ako. Ang tagal ng taon, five na si Edraela,

"Edraela, may pasalubong ako!" Sabay kaming napabaling sa pintuan, kakarating lang ni Amora galing sa trabaho nito. Wala na si Nanay Lina, tatlong taon na ang nakakalipas namatay ito dahil sa kanyang sakit kaya kaming tatlo nalang ang naiwan sa kubo.

Umalis sa pagkakayakap ko si Edraela at patakbong lumapit kay Amora "Tita Amor, souvenir po?" Tumanggo si Amora, kaagad binuksan ng anak ko ang plastic at nagtatalon na pinakita sa akin ang tatlong matching souvenir bracelet,

"Match po tayong three Mama!" Magiliw nitong sigaw, napangiti nalang ako sa kanya saka ginulo ang buhok nito,

"Siya sgey bibili lang ako ng uulamin natin, Amora pakibantayan naman si Edraela".

Maraming chismosa kaming kapitbahay na binaliwala ko nalang, dumiritso ako sa tindahan at kaagad na bumili ng ulam pagkabalik ko sa Bahay si Amora lang ang nadatnan kong nagbibilang ng kita nito sa bar, "Si Edraela?"

Nag angat Siya ng tingin sa akin at ngumiti "Nasa labas nakikipag laro kila kyla" iniwan ko muna sa mesa ang ulam namin at pinuntahan sa likod Bahay si Edraela, doon kasi sila madalas na naglalaro Kasama ang kaibigan niya,

Napangiti akong pinagmasdan silang naka upo sa wooden chair habang nag uusap na animo'y malalaking tao na, habang palaki ng palaki si Edraela mas lalong naging klaro na magka mukha sila ng Ama niya, "Anong ulam niyo Kyla?" Tanong ng anak ko sa kanyang kalaro,

May kamalditahan rin itong si Kyla ngunit mas maldita lang talaga itong anak ko, "Dilis parin, sa inyo ba?"

May gumuhit na naglolokong ngiti sa anak ko, "Fish with tomato sauce" may pagmamalaking sagot nito, napa iling nalang ako sa kanyang sinabi,

"Tama na yan kakain na ang dungis mo na" sulpot ko't mabilis siyang nilapitan saka ko tinuyo ang pawis nito sa likuran

Nakasimangot na si Kyla "Ano yun Edraela?",

Bumungisngis naman itong anak ko "Sardinas" sagot nito sabay takbo, natawa na lamang akong bumaling sa dalawang kalaro ni Edraela na nakatingin sa isa't-isa.

"Aba aba maghugas ka muna ng kamay!" Sigaw ko ng asta nitong kamayin ang hinandang pagkain ni Amora,

Edraela pout before she ran inside the mini kitchen, lumabas doon si Amora na may dalang pitcher "Ang dungis ng anak mo, nakalimutan seguro niyang nasa tabing dagat tayo naka tira pwedeng pwede siya maligo" pagbibiro nito, natawa na lamang ako

Lumabas doon si Edraela at kaagad na umupo sa paborito nitong pwesto, sinimulan na naming Kumain "Mama, paulit ulit nalang po ang ulam natin. Sasama po ako kay Mang Tiyong po mamaya ah mangangalakal po kami mama",

Kahit limang taong gulang palang itong anak ko ay mulat na ito sa realidad ng buhay namin, "Pasensya kana Anak ha" ngumiti Siya sa akin.

"Ano kaba Mama okay lang po, gusto ko lang po tumulong sa inyo ni Tita Amora" kahit maldita siya, may maganda naman siyang kaluuban,

Noong humapon ay sumama nga si Edraela kay Mang Tiyong, ama ni Kyla para mangalakal habang si Amora naman ay bumalik na sa trabaho naiwan nalang ako sa Bahay dahil gumagawa ako ng bracelet souvenir gawa sa maliliit na clams at shells

Maaga kasi namin itong ibenta bukas ni Edraela, pagkatapos kong gumawa ay nilagay ko na sa bubungan namin ang Dilis  "Mama! Mama!" Tumatakbong lumapit sa akin ang madungis kong anak,

Puno na ng uling ang mukha nito, "Naku ang dungis mo ng bata ka!"

Pinakita niya sa akin ang singkwentang kita nito "Tignan mo mama may pera na tayo, bili po tayong Noodles at itlog mama" inabot nito ang palad ko't nilagay doon ang pera, niligo ko Siya ng mga halik ko, "Mama stop na po, madumi po ako" kinikiliting aniya, tumawa lang ako habang pinagpatuloy ang paghalik sa kanya,

"Pahinga ka muna, maligo mamaya ah. Bibili lang si Mama huwag umalis okay?"

"Okie dokie mama miyah".

Muli na naman akong pinagtitinginan ng mga chismosa, at nagbubulungan ito. "Anong tinitingin tingin niyo diyan ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosang kagaya ko? Che!" Inis na sigaw ko sa kanila, umirap lang sila sa akin bago nagsi alisan sa pwesto nila,

Dumiritso ako sa tindahan ni Aling Sonya "Ayoo!" Sigaw ko't malakas na kinatok ang dingding nito "Papalita ko!"

"Ano ba bwesit kung maka katok parang tanga!" Sigaw nito,

Highblood kaagad "Isang Noodles at itlog nga" ani ko, mabilis naman niya binigay iyon maging ang sukli "Che! Isirado mo ha tung tindahan mo highblood!" Narinig ko pa ang sigaw nito bago ko siya talikuran.

Tangging si Amora lamang ang kasundo ko sa Isla na ito, dahil lahat sila ay ayaw at may galit sa akin dahil masama raw ang ugali ko eh mas masama sila "Nakasimangot na si Mama, inaway po ba kayo ng pokpok na si Sonya?" Naka pandekwatrong napa upo ang madam habang nakatingin sa akin,

"Ito na ang utos ng madam", nilapag ko sa mesa ang noodles at itlog pumasok ako ng kusina para magluto "Edraela–"

"HOY SONYANG POKPOK TIGILAN MO MAMA KO, KAPITBAHAY MGA MABABAHONG HININGA–"

"–Edraela!" Mabilis na sinarado ng anak ko ang pintuan at bintana, saka ito nakangising lumingon sa akin "Bad yang ginawa mo"

Nagpapa cute na lumapit siya sa akin, "Mama naman eh, pinagtatanggol lang naman po kita eh" aniya, nagpapa cute pang kumurap kurap kinusot ko nalang ang pesnge nito at bumalik sa kusina sumunod Siya sa akin para daw tulungan ako.

We're in the middle of cooking ng pumasok sa loob si Amora, "Anyare sa mga kapitbahay pinag-uusapan kayo ng anak mo?" Nagtatakang tanong nito,

Tumawa si Edraela "Sikat lang po talaga kami ni Mama".

Hanep ka ring anak ka, sa bagay gumaya ka kay Amora jusko.

"Na impluwensyahan mo yan" natatawang sabi ko sa kanya, umirap ito't pinaglabang maldita lang talaga ang anak ko,

"Bukas ng madaling Araw samahan mo si Mama, Anak ha. Magbebenta tayo ng Souvenir sa kabilang baryo" aniya ko sa kanya habang kumakain kami, tumanggo siya sa akin bago ubusin nito ang pagkain.

"Mama, sa dalampasigan lang po ako" sumisigaw na paalam nito dahil nasa kusina ako naghuhugas ng pinggan

"Umuwi ng maaga malapit na mag six!"

"Opo, Ma!".

Alam ni Edraela ang ginawa sa akin ni Edrael dahil sinabi at kwenento ko sa kanya, para kahit papa ano kapag nag cross ang landas naming tatlo maiintindihan kaagad ni Edraela ang sitwasyon namin.

Inaayos ko na ang higaan namin ng anak ko dahil sa tuwing 7 kasi kami natutulog, lalo na't maaga pa ang gising namin bukas "Mama!, May nakita po akong gwapo kanina hinahanap po si Tita Amora pero syempre po hindi ko sinabi kong asan si Tita" daldal ng kakauwi ko lang na Anak,

Wala na si Amora dahil bumalik na ito sa bar na kanyang pagmamay ari na regalo lang rin ng kanyang Titang nag abroad na

Hinalikan ko sa pesnge ang anak ko, "Don't talk to strangers, Edraela".

Humiga na ito sa nilatag kong banig, "Pero parang Kilala niya po ako Mama eh, parang nagulat nga po siya pero... Ang gwapo mama what if landiin mo iyon?" Anito, mabilis na mahina ko siyang sinapak

"Yang bibig mong bata ka" humagikhik lang siya sa akin at humalik sa pesnge ko,

"Good night Mama, Gihigugma tika".

LUST AND OBSESSION (Ruthless Mafia#1)Where stories live. Discover now