PROLOGUE

2 0 0
                                    

NAKASIMANGOT si Vannah na nakaupo sa sofa habang walang tigil ang mommy niya sa panenermon sa kaniya tungkol sa trabaho niya.

"Balak mo ba talagang magpakamatay ha, Savannah Marley?!" Exaggerated na saad ng mommy niya habang nakapamaywang pa at palakad-lakad sa harap niya, "Pang-ilang beses ka na bang umuwi sa bahay na may tama sa kung saang parte ng katawan mo. Kung balak mo akong unahan ay sinasabi ko na sa 'yo, mauuna pa rin ako dahil aatakihin yata ako sa puso tuwing ibinabalita sa akin na may tama ka na naman!"

Napangiwi siya sa mga pinagsasabi ng ina. 'Patay agad? Hindi ba pwedeng nadaplisan lang ako?' Alanganin naman siyang bumaling sa daddy niyang na nakangiwi ring kagaya niya. Balak niya sanang humingi ng tulong para sa panenermon ng ina pero pag-iling lang ang itinugon nito.

Napabuntong-hininga na lang siya at pinilit na nilibang ng palihim ang sarili  habang ang ina niya ay hindi pa rin tapos sa panenermon.

"Vannah! Nakikinig ka ba?" salubong ang kilay na tanong ng mommy niya ng bumaling ito sa kaniya, "Pinalalabas mo na naman sa isang tainga mo ang sermon ko!" At naiinis na nag-walk-out.

Nakahinga naman siya nang maluwag nang umalis na ito sa harap niya habang ang daddy naman niya ay napapailing-iling na lang.

"Pagtyagaan mo na lang ang sermon ng Mommy mo. Ganyan din siya noon pa. Tuwing umuuwi akong may tama ay sermon din ang inaabot ko sa kaniya," natatawang kuwento nito.

Napakibit-balikat naman siya. "Do I have a choice, Dad? Pinili kong sumunod sa yapak niyo kaya kailangan ko ring masanay sa walang katapusang sermon ni Mom."

"You know? You should be happy na nanenermon ang Mommy mo dahil kapag wala ng sermon niya? Believe me, maninibago ka at hahanapin mo iyon...just like me," dagdag pa ng daddy niya at napatango-tango na lang siya.

Tinapik nito ang balikat niya saka nito sinundan ang mommy niya. Nang maiwan siya mag-isa ay naisapan niyang pumunta sa mall para naman makapamasyal after ng ilang araw na trabaho.

Agad siyang umakyat sa kwarto niya para makapagpalit ng damit. Nagsuot siya ng crop top bilang pantaas na pinarisan high waist trousers at pares ng heels. Nag-ayos din siya at naglagay ng light make up saka kinuha ang shoulder bag.

Lumabas na siya at dumiretso sa kotse niya. Agad niyang binuhay ang sasakyan at nagmaneho papunta sa mall. Habang nagmamaneho ay hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari sa mga nagdaang araw na ikinagagalit ng ina niya. 

'I understand her point but her reaction was too much. Hindi naman malala ang mga tamang inabot ko. Most of my wounds were on the legs or shoulders. Hindi naman nakakamatay iyon.'

She didn't notice na malapit na pala siya sa parking lot ng mall dahil sa iniisip. Agad siyang nag-park at bitbit ang shoulder bag ay pumasok na siya sa mall. 'Hmm, medyo marami ang tao sa mall ngayon, ah.'

Nag-ikot-ikot siya sa mga boutique na madalas niyang puntahan saka tumingin ng mga latest items nang mag-ring ang phone niya.

Kuya Grey calling...

Agad niya iyong sinagot, "Hello, Kuya."

"Where are you, Vannah?" tanong nito at rinig niya ang pagkataranta sa boses nito, "Tell me, where are you, Vannah?!"

Nagulat siya nang magtaas ito ng boses at halata na ang kaba base sa boses nito.

Napalunok naman siya dahil bihira siyang pagtaasan ng boses ng mga pinsan niya. "Nasa mall ako, why?"

"Leave," seryosong saad nito, "Umalis ka na sa mall na 'yan, Vannah."

Nagtaka naman siya pero nag-umpisa na ring maglakad habang hinahanap ang exit ng mall. "Ano bang nangyayari, kuya? Kakagaling lang natin sa isang gulo, may bago na naman?"

Back in his ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon