SUMAPIT ang gabi na hindi mapaghiwalay ni Ivan si Vannah at Rhianne na mukhang close na close na.
"Kuya, anong ulam natin ngayon?" tanong ng kapatid niyang nakaupo sa 'di kalayuang upuan na gawa sa kahoy na nasa pinakasala ng kubo nila. Katabi nito si Vannah pero ang tingin ng dalaga ay nasa labas.
Napatingin siya sa sinaing niya nang kumulo na iyon saka sinagot ang kapatid niya, "Noodles at itlog ang ulam natin ngayon."
Iyon lang ang nabili niya dahil sa pagtitipid kasi may ibang gastusin pa sila lalo na ang kapatid niyang nag-aaral pa.
"Ate, kumakain ka ba ng noodles na may itlog?"
Napalingon siya dahil sa sinabing 'yon ng kapatid at nakitang nakatingin ito kay Vannah na mukhang malalim ang iniisip dahil nakatingin pa rin siya sa labas.
"Ate?" muling tawag ng kapatid niya sa dalaga na hindi man lang natinag at nasa labas pa rin ang tingin.
Lumapit sa kaniya ang kapatid saka nagtanong, "Kuya, bakit tulala si Ate Vannah?"
Ginulo niya naman ang buhok nito. "Hindi ko rin alam, eh," sagot niya habang pasulyap-sulyap sa dalaga.
Matapos maluto ang kanin ay isinunod niya na ang noodles na hinaluan ng itlog nang kumulo iyon. Pero natapos niya nang maluto ang kanin at noodles ay wala pa rin sa sarili ang dalaga.
Nang magtagal at gano'n pa rin ang dalaga ay lumapit na siya saka marahang tinapik ang pisngi nito.
"Vannah," tawag niya habang marahang tinatapik ang pisngi ng dalaga, "Ayos ka lang?"
Napalingon naman sa kanya ang dalaga. "Ayos lang ako. Iniisip ko lang kung paano ko napunta rito?"
Natahimik naman siya sa sinabi ng dalaga. Ayaw niya ba rito? Siguro nga galing siya sa mayamang pamilya dahil kahit wala siyang maalala ay naninibago pa rin siya sa ganitong klase ng buhay.
Matapos ang ilang segundong katahimikan ay nagsalita siya, "Halika na, kakain na." Saka niya iniwan ang dalaga.
Inabutan niya ang kapatid sa kusina na nakaupo na at nakahain na ang pagkain sa mesa. Kinuha niya ang malinis na tupperware saka sumandok ng kanin at noodles.
"Kuya, hindi po ba natin hihintayin si Ate Vannah?" tanong ng kapatid niya nang makita siyang sumandok ng pagkain.
Hindi niya sinagot ang tanong ng kapatid at tinuloy ang pagkain niya. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin ang dalaga.
"Bakit hindi ka pa kumakain, Rhianne?" tanong nito nang makita ang kapatid niya na hindi pa sumasandok ng pagkain habang siya ay patapos na.
"Hinihintay kita, Ate," nakangiting saad ng kapatid niya at sumandok na ng pagkain. Sabay na kumain ang dalawa habang siya ay lumabas muna at naglakad-lakad hanggang sa nakarating siya sa pamilihang bayan.
Gusto niyang ipagtanong-tanong kung may naghahanap o may nakakakilala sa dalaga ngunit ayaw niya namang gulatin ang dalaga kung sakaling may naghahanap nga at bigla niya na lang itong paalisin.
Habang naglalakad-lakad ay isang larawan na nakadikit sa poste ang nakakuha ng atensyon niya.
'Missing: Savannah Marley Madrigal.'
At sa itaas niyon ay ang larawan ng dalagang nasa kubo nila. May nakasulat pang halaga ng magiging pabuya sa kung sino ang makapagtuturo kung nasaan ang dalaga.
Kampante siya na walang makakaalam na nasa bahay niya ang dalaga dahil ang tanging nakakaalam ng tungkol sa dalaga ay si Aling Merlie na siyang kasama niya ang araw na makita niya ang dalaga sa tabing-dagat.
BINABASA MO ANG
Back in his Arms
RomansaSavannah Marley Madrigal also known as SM is the badass princess of 6M. Her life is a mess not until na-ambush siya that caused her to forget her memories at napunta sa isang baryo sa probinsya ng Pangasinan. With her lost memories, she met Red Iva...