Mr. Sungit [Yaoi] [BoyxBoy]

1K 20 4
                                    


                   *Prologue*

"Ba-bye Japan..." pabulong kong sabi.

Nasa taxi ngayon ako papuntang airport dahil ngayon na ang flight ko papuntang Pilipinas. Hindi ko mapigilang isipin kung sino nga ba ang mga mag-aampon sa akin, ang pagkakaalam ko lang kasi ay matalik daw na kaibigan ni Mama ang mag-aampon saakin at may pamilya na daw ito at may anak na itong lalaki.  Edi may step brother na ko, sana mas bata pa sya kesa saakin kasi dream ko talagang magka-little brother. Hihihi.

Huminto na kami sa tapat nung airport.

"Heto po Kuya. And keep the change na lang po." sambit ko syempre in japanese.

Pumasok na ko sa airport. Kakaunti lang ang tao dahil siguro sa alas kwatro pa lang ng umaga. Hinila ko na ang mamahalin kong puting maleta na padala saakin ng mag-aampon saakin kasi may tatak itong chanelle at sabi nila mamahalin daw ang mga ganito. Siguro mayayaman ang mag-aampon saakin. Ang swerte ko naman pala.

Nilagay ko na ang maleta ko doon sa luggage area ba yun at pumasok na sa eruplano. Infairness, walang nagbago sa mga eruplano, its all the same. Lol. Hinanap ko na ang seat ko at nakita ko naman agad. Nasa pinakadulo at pandalawahan lang ang seat. May nakaupo na pala sa may bintana at mukhang tulog si Kuya, sana ako na lang dun. Umupo na ko at inobserbahan yung lalaking katabi ko. Aba! Parang kaedadan ko lang to at hapon sya. Siguro genius to kasi may eyeglasses. Ano naman kaya ang gagawin niya sa Pilipinas? Paki ko ba.

"Pwede ba, wag mo kong tignan! Hindi ba sinabi ng mga magulang mo na masamang tumitig sa di mo kilala?!?" galit niyang sabi. At nakakapagtagalog sya.

"Ang sungit!" yun lang ang nasabi ko. Tinitigan naman niya ako ng masama. " Hindi ba sinabi ng mga magulang mo na masamang tumitig sa di mo kilala?!?" pag-uulit ko sa sinabi nya at tinaas ko pa ang kanang kilay ko.

"Ginagago mo ba ko?!?" tanong niya. Nakakabwisit na tong lalaking to ah! May itsura sana kaso ang pangit ng ugali. Patulan ko na kaya to?!?

May tumapik sa kanang balikat ko at nilingon ko naman ito.

"Pwede po bang pakihinaan ang boses niyong dalawa? Nakakaabala na po kasi kayo sa ibang passenger." sabi nung babae na sa tingin ko ay steewardes at pilit pa itong ngumingiti na halata namang kinikimkim lang niya ang galit niya. Napansin ko ring saamin nakatingin ang mga pasahero. Hindi ko alam na nakakaabala na paka kami.

"Ay sorry po Maam. Di na po mauulit." sabi ko sabay kamot sa ulo ko at nagbow pa. Umalis na yung babae at nilingon ko ulit si Mr. Sungit.

"Hoy Sungit! Kasalanan mo to!" pabulong kong sabi sa kanya. Tinignan niya lang ako ng nakakatakot. Umalis agad ako sa pagkakatingin sa kanya dahil nakakatakot talaga ang tingin niya at napakatalas ng kanyang mga mata. Hindi ko na lang sya pinansin at nagdesisyung matulog na lang.

Yumugyog ang aking paligid. Nakatulog pala ako, tinignan ko ang bintana at pa-landing na pala kami. After 10 minutes ay pwede na kaming bumaba. Pumunta na ko sa luggage area at nakita ko naman agad ang maleta ko. Kukunin ko na sana yung maleta ko nung may humablot nito. Tinignan ko naman kung sino ang kumuha at si Mr. Sungit lang pala.

"Hoy Sungit! Akin yang maletang kinuha mo!" sabi ko. Nilingon naman niya ko.

"FYI! Akin to." sabi niya at sumenyas na aalis na. Tumakbo naman akong papunta sa kanya at hinablot ang maleta.

"Akin nga to!" pang-aagaw ko sa maleta ko sakanya.

"Magnanakaw kaba?!? Gaurd! May magnanakaw!" sigaw pa niya. Aba! Ako pa ang magnanakaw?!? Center of attraction tuloy kami sa airport.

Pumunta nga ang mga gaurd saamin.

"Boss may problema ba?" tanong niya.

"Eh kasi ang batang to.." tinuro niya ako "..kinukuha itong maleta ko." Ang lakas pa ng loob nitong tawagin akong bata.

"Sir, bakit po ba ninyo kinukuha ang maleta niyo?" tanong nung isang gaurd.

"Eh akin naman talaga yan! Tignan niyo pa ang laman." sabi ko. Binuksan ni Mr. Sungit ang maleta at nadismaya ako nung makita ko ang laman ng maleta. Hindi saakin ang mga gamit na yan. May kinuha si Sungit sa maleta at kinuha yung parang ID.

"Eto po ang ID ko." bigay niya sa Gaurd.

"P-pero." sabi ko. Napaupo ako sa sahig at nakita ko nang sinarado na ni Mr. Sungit yung maleta niya na dapat saakin. Umalis na ito at nilingon ako at ngumisi pa ito. Nakakabwisit sya at inasar pa talaga ako!

"Sir, tumayo na po kayo." sabi nung isang gaurd. "Baka po magkapareho lang kayo ng maleta. Hanapin nyo na lang po ulet or kung hindi nyo po mahanap magpalista na lang po kayo mamaya." sabi niya.

Tumayo na ako at pumunta ulit sa may luggage area. Tinignan ko ulit ang mga maleta since kakaunti na lang natira.

"Teka! Yun ang maleta ko!" sabi ko. Natatakpan lang pala nung malaking maleta yung maleta ko. Urrrghhhhh! Grabe. Makikipagdigmaan na sana ako kanina sa maling maleta at andito lang pala nagtatago ang maleta ko. Agad ko namang kinuha ang maleta ko at binuksan ito. Nakita ko naman ang mga gamit ko. Pagkatapos kong inspeksyunin ang mga gamit ko ay pumunta na ko ng exit at nag-abang ng Taxi.

          Main Character's Profile

KIYOSHI meaning "purity" (淳)

Full Name: Kiyoshi Takumaru

Nickname: Liit

Age: 14 years of age

Birthday: October 7

Info: Makulit, mabait, masayahin, pasaway, mahilig sa anime.

Body Mode: Blue eyes, white skin, slim body, 5'4 inch ang height at may brown hair.

Nationality: Half Filipino, Half Japanese

SATOSHI meaning "wise, fast learner" (聡)

Full Name: Satoshi Kahura

Nickname: Mr. Sungit/Sungit

Age: 15 years of age

Birthday: December 25

Info: Suplado, mayabang,  mapagmataas, matalino, mahilig magbasa, mayaman, ayaw sa horror at multo at higit sa lahat MASUNGIT!

Body Mode: Green eyes, white skin, may matipunong katawan, 5'8 inch ang height, may itim na buhok at may eyeglasses.

Nationality: Japanese

------------------------------------------------------------------------

Guys~ Please take time to read this. Alam ko pong magugustuhan niyo po itong tagalog yaoi story ko. Salamat.

~IC

2:48PM May 28, 2015

Mr. Sungit  [Yaoi] [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon