*Kiyoshi's POV*
"IKAW NANAMAN!" sabay naming pagkasabi.
Nakakabwisit na ha! Una sa eruplano, pangalawa sa airport ngayon naman DITO! Ano ito destiny lang ang peg! Eeeeeeeew! Hindi ako bading!
"Magkakilala kayo Kiyoshi ng anak ko?" tanong ni Tita sakin.
"A-ah eh.. Hindi po, nakita ko lang po sya sa airport." sabi ko.
"Sya po yung magnanakaw Ma sa airport." sabi ni Sungit.
"Hoy! Hindi ako magnanakaw! Sadya lang talagang magkapareho tayo ng maleta!" sabi ko.
"Eh kung pareho tayo ng maleta, asan ang maleta mo?"
"Nasa sala!"
"Patingin nga?!"
"Ikaw ang nakaisip! Ikaw ang kumuha!"
Pumalakpak si Tita at tumingin naman kami sa kanya.
"Mabuti naman pala at magkakilala na pala ang dalawa kong anak. Satoshi umupo kana sa tabi ni Kiyoshi at kumain kana." sabi ni Tita sabay ngiti ng napakatamis.
"Nawalan na ko ng ganang kumain." sabi ni Sungit.
"Eh hindi kapa kumakain simula nung pagkadating mo ah?" ani Tita.
"Busog ako Ma." ani Sungit.
"Kahit na. Kung ayaw mong kumain sumabay kapa rin dito samin kasi may pag-uusapan tayo." sabi ni Tita.
"Mamaya na lang Ma. Inaantok pa ko." ani Sungit.
"Hindi ka aalis! Dito ka lang at may pag-uusapan pa tayo." sabi ni Tita.
"Fine! But make it fast!" pagdadabog ni Sungit at naupo nga sa tabi ko pero umusog naman palayo saakin.
"Kiyoshi welcome to our family. You can call me Mama and you can call him Papa. Right Hun?" sabi ni Tita este Mama.
"Ofcourse." sabi ni Tito este Papa.
Grabe. Parang mahihirapan ako nito maka-adjust.
"Pffffft." (= ̄__ ̄=) <---Sungit
Ano nanaman kaya ang problema nito ni Sungit?!?
"Anong gusto mong dessert Kiyoshi? Cake? Ice cream? Ano?" sabi ni Tit-- Mama Tita.
'Ako yung totoong anak pero ang mas inaasikaso pa yung ampon.' narinig kong bulong ni Sungit.
╮(╯▽╰)╭ <------ Ako.
"May Leche flan po ba?" sabi ko. Yun kasi ang madalas na lutuin ni Mama kaya naging paborito ko na rin.
"Naku! Pareho pala kayo ni Satoshi ng paborito! Wait lang. Kukunin ko lang sa ref." sabi niya.
Tinignan ko naman si Sungit. Weh? Paborito rin niya ang leche flan?!? Hindi sa kanya bagay. Dapat sa kanya ay maaalat na pagkain katulad ng maalat niyang ugali. Hahahaha.
Natawa naman ako sa inisip ko.
"Baliw kana ba?!? Bakit ka tumatawa ng mag-isa?!?" sabi ni Sungit pero hindi ko na lang siya pinansin. Bumalik na si Mama Tita sa hapagkainan dala-dala ang maliit na container na may leche flan.
"Heto na boys. Ako niyan ang nagluto." sabi ni Mama Tita at nakangiti pa ito.
Nilasahan ko ang leche flan at napakasarap nito. Ang tamis. Naalala ko tuloy si Mama at si Papa. Hindi ko napansing tumulo na pala ang mga luha ko.
"Okay ka lang ba anak? Hindi ba masarap ang leche flan?" sabi ni Mama Tita. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko.
"Hindi po. Naalala ko lang po sila Mama at Papa na laging nagluluto nito." sabi ko at tumulo nanaman ang mga luha ko. Pumunta saakin si Mama Tita at niyakap naman niya ako habang hinahaplos niya ang aking likod.
"We're always here for you Kiyoshi. Tandaan mo yan. Kaya wag kang matatakot o mahihiyang sabihin saamin kung may bumabagabag man sayo o kung may problema ka man kasi kami na ngayon ang bago mong pamilya. We are always here to support you no matter what." Na-touched naman ako sa sinabi niya. Niyakap ko rin sya pabalik at pagkatapos ng ginawa kong kadramahan ay bumalik na kami sa hapagkainan.
Tinignan ko si Sungit at wala naman itong reaksyon at kumakain lang ito. Sabi niya hindi sya gutom?!? Pero punong-puno ng pagkain ang plato niya. Si Papa Tito naman ay kumakain lang rin.
"Kiyoshi sa kwarto ka pala ni Satoshi matutulog." sabi ni Mama Tita.
"WHAT?!?" sabi ni Sungit. Kahit ako nagulat. Bakit naman sa kwarto pa ng MASUNGIT na ito?!? Bakit?!? Pero hindi ako nagpahalatang nagulat at nagalit. Syempre, wala naman akong karapatang magreklamo kasi nakikitira lang naman ako.
"Eh kasi yung guest room ang dudumi na at ang dameng sira tapos ang ibang kwarto naman ay ginawa nang stock room kaya kung okey sayo Kiyoshi, pwede bang makipagshare ka muna kay Satoshi?" tanong ni Mama Tita.
"Naku. Walang problema po. Hindi naman po ako maarte sa mga bagay bagay." sabi ko lang pero deep inside ayokong makasama ang sungit na ito.
"BUT----" sabi ni Sungit pero pinigilan ito ni Mama Tita sa pagsasalita.
"No buts. Satoshi, show your room na kay Kiyoshi. NOW!" sabi ni Tita. Nagdabog naman si Satoshi at lumabas na ng dining room. Tumakbo naman agad ako upang habulin si Sungit. Nakita ko ang maleta ko at agad ko naman itong hinila. Nasa taas na ng hagdanan si Sungit at paliko na ito habang ako naman ay nagpapakahirap bitbitin ang napakabigat kong maleta.
"Hoy! Hintayin mo naman ako!" sigaw ko kay Sungit. Huminto sya sa paglalakad ko at tinignan niya lang ako. Binilisan ko naman ang paglakad ko at inalintana ang bigat ng maleta, baka maligaw pa kasi ako sa mansyong ito kung hindi ko sundan si Satoshi. Nung nasa likod na niya ako ay naglakad na ulit sya.
Kanan. Kaliwa. Diretso. Kaliwa. Kaliwa.
Grabe! Ang layo naman ng kwarto niya. Feeling ko nag 40 meter sprint kami. Binuksan niya ang kanyang kwarto at napa-wow ako sa ganda at laki nito. Sky Blue ang kulay ng mga dingding, may mahabang sofa, may maliit na chandelier, may napakalaking kama, at ang size ng kwarto niya ay parang size ng parking lot nila. May flat screen tv na nakadikit sa dingding, may dalawang aparador na malaki at maliit tapos may music area at may parang mini library at may mini Refrigirator. My Gosh! Big time si Sungit.
"Hindi kaba papasok o dyan kana lang matutulog sa labas?" sabi niya. Sungit talaga! Hmmmmmm!
------------------------------------------------------------------------
Ang sungit-sungit mo talaga Mr. Sungit! Hmmmmmmm! >______<
Guys nagsisimula pa lang po ang kasungitan ni Satoshi! Kahit ako ay naiinis na sa kanya. XD Don't forget to click Vote at magcomment kayo guys. Please!
~IC