Chapter 1

532 20 2
                                    


Kiyoshi's Point of View

"Kuya dito po." sabi ko at ipinakita sa kanya yung papel na may address na ibinigay sakin nung mag-aampon saakin.

"Wow naman Sir! Siguro ang yaman niyo kasi dito po kayo sa subdivision na ito nakatira." sabi ni Manong Driver.

"Naku, hindi naman po." sabi ko. Kahit ako walang ideya sa sinasabi niyang subdivision pero mayaman talaga ang mag-aampon saakin. I can't wait na makita ko ang bago kong pamilya at ang magiging little brother ko. Hehehe.

Huminto ang taxi sa napakalaking bahay. 'OMG! Hindi to bahay. Mansyon to!' sabi ko sa sarili ko. Nagbayad na ko kay Manong driver at bumaba na ng taxi. May nakita naman agad akong doorbell at pinindot ito.

May lumabas na isang lalaking matanda sa mansyon na nakasuot ng parang tuxedo na kulay itim at papunta ito sa kinaroroonan ko. Wow! Ang sosyal naman.

"Sino po sila?" sabi nung matandang lalaki.

"Ako po si Kiyoshi Takumaru. Ako po yung aampunin nila Mr. & Mrs. Kahura." sabi ko. Lumaki ang kanyang mga mata at pinapasok naman niya agad ako.

"Ipagpaumanhin niyo po ako kung hindi ko po kayo agad nakilala." sabi nung matanda at nagbow pa ito saakin.

"Naku, okay lang po. Itaas niyo na po ang ulo niyo tsaka ngayon nyo lang naman po ako nakita." sabi ko. Grabe! Napakapormal naman niya. Parang hindi ko kakayanin.

Iniangat naman agad niya ang kanyang ulo. "Ako na po ang magdadala niyang maleta niyo. At sundan niyo po ako. Naku! Matutuwa nito si Sir at si Maam. Kasi kagabi kapa nila pinag-uusapan na gusto ka na raw nila makita." sabi niya. Wow! Excited na pala silang makita ako. Kinakabahan tuloy ako.

"Ahmmm kuya.." sabi ko sa matandang lalaki.

"Tiyo Bern na lang ang itawag mo saakin." sabi niya. Ngayon ay naglalakad kami sa kay haba-habang ruta papunta sa mansyon. Grabe, ang laki pala ng lupa nila, parang golf course.

"Ah Tiyo Bern, maayos po ba ang itsura ko? Gusto ko po kasing magmukha akong kaaya-aya since ito po ang unang pagkikita namin ng bago kong pamilya." sabi ko.

Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon niya ko.

"Naku! Napakagwapo nyo nga po." sabi niya at nagsimula ulit kaming maglakad. Totoo namang gwapo ako kasi nga maganda naman ang Mama ko at gwapo naman ang Papa ko pero let's not talk about my family kasi nalulungkot lang ako.

"May problema po ba?" tanong ni Tiyo Bern. Siguro napansin niyang nakasimangot ako.

"Wala po." sabi ko at ngumiti naman agad ako. Napansin kong nasa pintuan na pala kami ng mansyon.

Binuksan niya ang napakalaking pintuan at pumasok na kami. Napako ako sa aking kinatatayuan nung bumungad sa akin ang kay garang loob ng mansyon. Ang lapag ay tinatakpan ng pulang karpet, ang mga dingding ay pinintahan ng dilaw na kulay, mga muwebles na nakadisplay na mas nagpamalas pa ng ganda sa silid, sofa na may pula't gintong kulay, at yung chandelier na ang laki-laki yung parang sa mga napapanuod mo sa fairytale na puro yellow at gold ang kulay. Wow talaga. Nakakabighani talaga ang mansyong ito.

"Halina po kayo." sabi ni Tiyo Bern. Nasa loob na kami ng mansyon at nakita kong may mga paintings pa pala na nakasabit sa mga dingding. Tinignan ko ito at nakita ko ang larawan ng isang anghel, sa pangalawang painting ay isang babaeng nananalangin at marami pang iba.

"Sir Takumaru, umupo muna po kayo at tatawagin ko lang si Sir at si Maam." sabi ni Tiyo Bern.

Umupo ako doon sa mahabang sofa at pinagmasdan pa ang bahay. Nakita kong may mga frame sa lamesa na katabi ng sofa kaya tumungo ako doon. Nakita ko ang isang babae at isang lalaki na magkahawak kamay. Pareho silang may itsura, siguro kinunan ito nung mga dalaga at binata pa sila. Sa isang picture frame ay isang bata na sa tingin ko ay nasa edad sampu, baka ito ang magiging step brother ko. Pero parang pamilyar talaga ang itsura nitong bata, parang nakita ko na ito kung saan.

May narinig ako yabag ng sapatos at takong. Nilingon ko naman at nakita ko ang isang babae at isang lalaki na pababa ng hagdanan. Sila yung nasa frame! Napakaganda ng babae, nakasuot sya na pulang silk dress at pulang high heels, may itim na buhok na wavy na hanggang balikat lang at napakaganda ng kanyang mukha at ang batang-bata pa niyang tignan. Sa kanan niya ay yung lalaki, pero mukhang nagmature ang itsura nito pero matipuno ang katawan at napakaputi katulad nung babae, simple lang ang suot niya, nakasuot lang ng black and white polo shirt at nakapantalon lang at nakaitim na leather shoes.

Nung nakita nila ako ay napakapit sa bibig yung babae na parang nagulat at yung lalaki naman ay wala lang. Tumakbo papunta saakin ang babae.

"OMG! Ikaw ba si Kiyoshi?" sabi nung babae. Hindi ako nakasagot dahil sa niyakap niya ako agad.

"O-opo." sabi ko nung kumawala siya sa pagkakayakap sa akin.

"Grabe, kamukhang-kamukha mo talaga si Mae! Tapos nakuha mo pa yung kagwapuhan ni Jiro." sabi niya habang hinahawakan niya ang mukha ko.

"S-salamat po." sabi ko na lang.

"Pagod kaba sa byahe? Gutom kaba? Tara duon tayo sa dining room. Tiyo Bern pakihanda po yung pagkain." sabi niya.

Pumunta kami sa dining room at napa-wow nanaman ako. Napakahaba ng dining table tapos napakaliwanag dahil napapalibutan ito ng sliding window tapos sa labas ng sliding window ay ang napakagandang view dahil sa mga bulaklak na nakapalibot dito. Napakaganda rin ng mga muwebles at may mga paintings rin na nakadisplay sa silid.

Umupo ako sa kanang bahagi ng lamesa at ang mag-asawa naman ay sa kaliwa ng dining table. Napakadameng pagkain ang hinanda nila tulad ng carbonara, may spaghetti pa, may dalawang klaseng cake, may fruit salad, may fried chicken, may fries, may ham, at iba pa. Grabe! Parang Christmas at New Year lang ang peg.

"Uhmmm.. napakadami naman po ng pinagluto niyo." sabi ko.

"Hindi kasi namin alam ang paborito mong pagkain kaya madami ang pinagluto namin, ano nga ba ang paborito mong pagkain para maipagluto naman kita?" tanong ni Mrs. Kahura.

"Kahit ano po. Hindi naman po ako mapili sa pagkain." sabi ko lang.

"O sige kumain muna tayo. Hunny pwede pakitawag si Satoshi. Baka gutom na rin yun." sabi ni Mrs. Kahura.

"Sige." sabi lang ni Mr. Kahura.

Tuluyan ng umalis si Mr. Kahura kaya kami na lang ang natira ni Mrs. Kahura. Kumuha ako ng spaghetti at isang pirasong fried chicken. Kumuha rin naman ng pagkain si Mrs. Kahura.

"Kamusta kana pala? Hindi kana ba nalulungkot na wala na ang ina at ama mo?" Hindi ko sya sinagot bagkus ay napatahimik na lang ako. Ayokong pinag-uusapan ang mga magulang ko kasi nasasaktan ako pagnaiisip ko ang mga nangyari. Kaya nga napagdesisyunan ko na lang na manirahan dito sa Pilipinas upang makalimutan na ang mga nangyari sa Japan.

"O sige, wag na lang natin pag-usapan ang mga magulang mo. By the way, anong year kana sa high school?" pagpapalit niya ng topic.

Iniangat ko naman agad ang ulo ko. "Third year na po ako sa pasukan." sabi ko.

"Magkasunuran lang pala kayo ng anak ko. Kasi si Satoshi 4th year na siya sa pasukan." sabi niya. Napanganga naman ako sa pagkagulat. Akala ko panaman magkakaroon na ko ng little brother yun pala ako ang magiging little brother. Urrrghh!

"May problema ba anak?" tanong niya. Lumingon naman ako sa kaliwa't kanan ko pero wala naman ang anak niya. O ako yung tinatawag niyang anak?

"Ako po?" turo ko sa sarili ko.

"Yes iho. From now on anak ka na namin." sabi niya lang. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumahimik na lang ako.

"Hun andito na ang binata mo." narinig ko ang boses ni Mr. Kahura pero hindi ako lumingon at patuloy ako sa pagkain. Nahihiya kasi ako kaya hindi na lang ako lilingon.

"Satoshi anak. Kain ka muna. By the way meet your step brother Kiyoshi." sabi ni Mrs. Kahura.

Tumigil ako sa pagkain at pinunasan ang bibig ko. Lumingon ako tapos..

"IKAW NANAMAN!" sabay naming pagkasabi.

------------------------------------------------------------------------

Natapos rin ang chapter 1. My ghad! Ang ineeeet! >_____< Ano guys ang reaction niyo sa unang kabanata? Comment and vote bago tumungo sa next chapter. Thank you! ^___^

~IC

Mr. Sungit  [Yaoi] [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon