eto na nga ba yung tinatawag nilang one sided love?
ikaw nga kasama niya , sa iba naman nakatingin .
ikaw nga kasama niya , iba naman ang iniisip .
ikaw nga kasama niya , iba naman laman ng puso't isipan niya .
mahal mo nga siya . pero ang tanong ?
Mahal ka ba niya?
~~~~
Kasama mo ko , magkahawak kamay natin , nakangiti ka ngunit di ka saken nakatingin . Tinawag kita , "mahal , pst hoy" di mo ko napansin dahil sakanya nakatuon lahat ng atensyon mo.
"a-ah . sorry" yan ang sagot mo . Lagi nalang sorry .Sorry di kita narinig . Sorry , sorry , sorry . nakakasawa na . Pero alam mo kung ano yung nakakatawa? yun yung sabihin kong " de , ayos lang" tapos ngingiti ako na para bang wala lang saken. na para bang hindi ako nasasaktan . Na para bang nagbubulagbulagan.
Lagi kitang pinapaalala na tawagin mo kong MAHAL , ngunit lagi mong nakakalimutan , dahil siya yung nasa isip mo. Nakakainis na , nakakapagod pero alam mo kung ano ang ginawa ko? niyakap kita at itinago ko ang mukha ko sa dibdib mo sabay sabay na tumulo ang mga luha ko sabay sabing " de ayos lang" Nawawala ang atensyon mo saaken pagandyan siya . pasulyap sulyap ka .
Excited ka laging pumasok , di dahil sa magkikita tayo , kundi dahil makikita mo siya . Ang hirap tanggapin , ngunit yun yung katotohanan . Di mo sinasabi ngunit nararamdaman ko. Di mo man lang ako mabati ng magandang umaga , dahil ang unang ginagawa mo sa oras na sumikat ang araw ay isipin siya , imbis na ako , na girlfriend mo.
Nagsisimula na ang klase , ako nakatingin sayo . Ikaw nakatingin sakanya .
"okey class ! we will have our activity today , by partner . ang gagawin nyo is kakanta kayo , duet with your partner . LIVE . u need to use atleast one instruments used to play music . okey? instruments yung gagamitin . bukas niyo iprepresent so here are your partners .. "
umaasa akong sana ikaw ang makakapares ko at alam kong umaasa kang maging kapares mo SIYA.
SIYA na mahal mo.
SIYA na laging iniisip mo.
SIYA na pinapangarap mo .
At dahil sa di nga umaayon ang tadhana sa atin ay siya ang nakapares mo. At ako ay kay Tristan .
Nagkagulo na yung room dahil nagsippuntahan sila sa kanikanilang mga kapakner. At ako? Andito sa gilid , malungkot na pinagmamasdan ang iyong mga ngiti kasama ang tong mahal mo . Di ko kinaya kaya inubob ko ang mukha ko sa mesa ko at sinubukang tanggalin ang sakit na nararamdaman ko.
Lumapit si Tristan at inaya akong magpractice . Nilingon ko siya at ningitian ng may halong lungkot , tinanong ako ni Tristan kung ayos lang ba ako . Sa tingin mo? ayos pa ba para saken ang makitang masaya siya sa piling ng iba? ang makita yung taong mahal mo na may mahal na iba? ngunit alam mo kung ano ang nakakatawa ? e yung sinagot ko si Tristan na AYOS LANG AKO . ayos lang ako kahit ang sakit sakit na .
Ngunit mas ikinagulat ko nung sinagot ako ni Tristan :
“ everything will be alright" everything will be alright . tinignan kita at damang dama ko ang iyong pagmamahal sa kanya . The way na tumingin ka sa kanyang mga mata . mangyayari pa kaya yun? Ningitian ko ulit siya ng pilit at nagsimula na kaming mag practice
Natapos ang buong araw . gumagabi na umuwi na si Tristan . HININTAY kita ng 2 ORAS . Tinawag mo ang pangalan ko kaya ako'y napangiti . hinarap kita ngunit nawala ang aking mga ngiti sa labi dahil sa nakita ko . Masaya kang nakaharap sakin kasama SIYA. at alam mo kung ano yung masakit? e yung sinabi mong mauuna ka na dahil ihahatid mo SIYA dahil delekado na sa daan at baka kung mapano SIya. tapos tinanong mo kong ayos lang ba?