KABANATA 01: BAGONG SIMULA

149 12 0
                                    

Tumunog na ang bell nang school.
Tapos na naman ang isang normal na araw sa buhay ni Al bilang isang studyante

Kasalukuyan syang nag aaral nang sekondarya sa isang paaralan sa maynila

Isang normal na mag aaral malayo sa anumang klase nang kababalaghan o anumang uri nang mga nilalang isang normal na buhay na pinangarap ni Alex at Anna mula sa kanyang anak

Naglalakad si Al sa hapong iyon uwian na galing sa eskwela nakayuko lamang ito tila napagod sa maghapong pag aaral natanaw nya ang isang bote nang incan na softdrinks sinipa nya ito

Lumipad ang softdrinks at tumama sa pader nang isang bakanteng lote nadurog at bumaon ang lata sa loob nang pader

Napangiti lamang ito naalala ang mga lumipas na panahon kung san kasama sya nang kanyang ama na lumaban sa mga ibat ibang nilalang

Pero para sa modernong panahon di na uso ang mga ganitong bagay mas mabuting maging normal na lamang magkaroon nang normal na trabaho tulad nang pagiging guro o isang pulis

Di tulad nang pagiging isang Albularyo na nagpapagaling nang mga karamdaman at tumutulong na mawala ang anumang klase nang nilalang na nakakapinsala sa tao

Nangungupahan si Al sa isang maliit na kwarto malapit sa kanilang paaralan naghahati sila nang isa pang mag aaral ang kanyang kaklase na si Bob

Tulad ni Al si Bob ay isa ding mag aaral galing sa probinsya

Magkasama sila sa isang double deck na higaan sa ibaba si bob dahil may katabaan ito samantalang si Al naman ang nasa itaas

Magkasundo sila nito halos tinuro ni bob ang lahat nang dapat nito malaman sa maynila mas una kasi nang halos isang taon dumating si bob sa kanya di tulad nya na mag iisang buwan pa lamang dito

Sya din ang nag asikaso nang mga gamit nito sa school upang sya ay makapasok

BOB gising ka paba?
Tanong ni Al habang nakahiga at nakatingin sa kisame nang bahay

Bob?
tanong ulit nito

Walang sagot kaya sinilip nya nalang ito

Natanaw nya si bob habang walang suot na pang itaas na damit marahil naiinitan ito dahil iisang bentilador lamang ang gumagana sa loob nang kanilang kwarto

Tulo laway pa ito habang hawak nang isang kamay ang kanyang tiyan

Napatingin ulit si Al sa itaas na kisame di ito makatulog maraming bagay ang nasa isip nito

Napagdesisyonan nya na lumabas na lamang upang bumili nang makakain sa labas nang kanilang inuupahang kwarto ay may isang malapit na convenient store at ito ay 24 hours na bukas

Halos mag 11 na nang gabi iilan na lamang ang tao sa paligid ang tanging liwanag lamang sa poste ang nagsisilbing gabay sa kanyang nilalakaran

Isang kakaibang tunog ang kanyang narinig mula sa kalangitan napatingala ito at dumapo ang kanyang tingin sa ibabaw nang isang poste

Madilim man alam nyang may kung anong nilalang ang naroon

Kumaripas sya nang takbo may kakaibang pakiramdam syang naramdaman mabilis ang tibok nang kanyang puso

Tumakbo syang mabilis pabalik sa kanyang tinitirhan pagtanaw nya sa likuran nya isang maitim na nilalang ang humahabol sa kanyang

Ang tanging maaninag lamang dito ang mapulang at nanlilisik nitong mata

Dahil sa kakaibang lakas nang katawan ni Al tuluyang nyang naiwan ang nilalang at bumalik sa loob nang kanilang kwarto

Hingal na hingal ito halos tumulo ang pawis sa sahig basang basa din ang katawan nito

Nagising si Bob sa pagpasok ni Al halos bigla nya kaseng sinara ang pinto na nagdulot nang isang malakas na kalabog

Anong nangyare sayo?
Takang tanong nito

Napa iling na lamang ito habang hinahabol paden ang hininga nito

Akala nito sa pagpunta nya sa maynila ay wala na syang maabutan na ganitong klase nang mga pangyayare

Gustuhin nya man nang normal na buhay ay tila sinusundan sya nang mga responsibilidad

Bilang isang albularyo ako si Al at di ko hahayaang makapaminsala ang nilalang na iyon...
Sambit nya sa kanyang sarili na may halong saya takot at pananabik sa gantong klase nang mga pangyayare.

ALBULARYO 2Where stories live. Discover now