KABANATA 03: TIKTIK

67 9 0
                                    

*AL POV*

Sa isang lumang tindahan nang mga antigong kagamitan

Dito ko nakilala si mang pedro isa syang dating albularyo

Ginala ko ang paningin ko sa kanyang tindahan napansin kong luma at halos di na napunasan ang mga kagamitan dahil nangangapal na ang alikabok na nakadikit sa mga ito

Ano ba ang iyong hanap?
Tanong sakin ni mang pedro

Sa totoo lang di ko alam kung ano ba talaga ang aking hinahanap sa lakas at bilis nang aking katawan alam kong kaya ko naman talunin ang aking kalaban pero mas kampante kase ako kung may armas o kagamitan ako na panlaban dito

Di ako nakasagot sa kanya dahil di ko din naman alam kung ano ba ang nilalang na aking nakita nung gabing iyon

Babalik na lamang po ako..
Sabi ko dito tsaka nagpa alam at lumabas nang tindahan

Kinagabihan mga bandang 12am sinadya kong lumabas ulit nagbabaka sakaling matanaw o makita ko ang nilalang na aking nakita pero bigo ako makita sya nung gabing iyon

Dumaan pa ang ilang gabi pero walang nagpakita na kahit ano sa akin

Wala din akong nabalitaan na may inatake o nawala na mga bata sa nagdaang mga araw

Masaya naman ako kahit papano dahil payapa at tahimik ang mga nagdaang mga gabi

Dumating ang araw nang linggo bilog ang buwan maliwanag ang paligid sa sinag nito nag aya si Bob na kumain nang ihaw ihaw sa may kabilang kanto mga dalawang kanto mula sa amin

Sarap na sarap ito habang kinakain ang isaw nang manok na sinawsaw nito sa suka

Ako naman ay mas gusto ko ang inihaw na tenga nang baboy habang inihigop ang sukang na halos mangiwi ka sa asim

Pagkatapos namin kumain ay inaya ko na sya umuwi ayaw ko abutan kami nang gabi sa daanan lalo na at bilog ang buwan na syang aktibo ang mga ibat ibang nilalang

Alam mo ba tol sa probinsya namin pag bilog ang buwan may aswang daw...
Aniya nito sakin sabay gulat sakin na parang nananakot

Nakakita ka naba nang aswang..
Tanong ko sa kanya

Hindi pa kwento lang naman yun di ako naniniwala sa mga ganon lalo na at di ko nakikita sabi nga nila to see is to believe.
Sabi ni Bob na ngumingisi pa

Nginitian ko lamang ito

Halos mag aalas dyis na nang marating namin ang aming tirahan mga ilang hakbang na lamang mula sa gate nito ay lumabas ang isang maitim na nilalang na halos kulay uling ang pangangatawan

Ang tanging mapapansin lamang dito ay ang mapupula at nanlilisik nitong mga mata

Ngayon ko lang naalala na nakita ko na sa libro nang aking ama ang nilalang na iyon kung di ako nagkakamali isa syang tiktik

Ang TIKTIK ay mga nilalang na kilala na kayang mag iba nang anyo paborito nitong kumain nang mga sanggol at bata humahaba din ang dila nito na ginagamit sa mga buntis

Napansin kami nito at biglang nagbago nang anyo at naging isang aso na mabilis na tumakbo papalayo sa amin

Bob okay ka lang?
Pag aalala kong tanong dito

Pinagpapawisan ito nang malapot at namumutla rin ang kanyang mukha tila nabigla ito sa kanyang nakita

Mayamaya pa ay bigla na lamang itong nahimatay sa takot

"Bob? Ayan to see is to believe diba"
Nangiti ako habang buhat ko sya papasok sa loob nang aming inuupahan na kwarto.

ALBULARYO 2Where stories live. Discover now