Jaydean's POV: (July 2010)
Kakarating lang namin ng Canada galing Pinas. Actually nauna dito sa Canada si Mama kaya sumunod na lang kami ng kapatid kong si Glayne.
Like I said, kakarating lang namin nung isang araw pero gumala agad kami. Pumunta kami sa bahay kung san nagwowork si Mama, grabe! parang zoo yung bahay nila kasi may collection sila ng preserved na animals like deers saka bears. Pumunta din kami sa park, and kung san san pa. Tapos mamaya naman, pupunta daw kami sa birthday party nung kaibigan ni Mama.
Dami nyo ng nalaman tungkol sakin pero di nyo man lang alam pangalan ko. Haha! Ako nga pala si Jaydean Marcos. 2nd year highschool kung sa Pinas pero dito kasi grades yung tawag kahit highschool na. Kaya dito, grade 9 ako.
"Jaydean! Glayne! bilisan nyo na. Aalis na tayo in 5 minutes ha?"
Nako ayan na! nagmamadali na naman si Mama.
Tapos ayun pumunta na kami dun sa party.
"Kuya gising na. Andito na tayo."
Ay nakatulog pala ako. Antok pa ko ano ba 'yan?
"Andito na agad tayo?" tanong ko sakanila.
"Oo. Ito bahay ng Tita Vivian nyo."
Pagpasok namin sa bahay kung saan yung party, sumalubong saming ang isang medyo chubby na babae pero medyo maliit lang sya.
"Hi Mare! Ito ba mga anak mo? Ang lalaki na pala." Bati nya kay Mama.
"Oo Mare," Sagot ni Mama, "si Jaydean nga pala saka si Glayne." Sabay turo ni Mama saamin, "Mga anak, si Tita Vivian nyo nga pala."
"Hello po Tita." Tapos kumaway kami sakanya.
"Nga pala Mare, happy birthday." bati ni Mama kay Tita Vivian sabay abot ng regalo namin para sakanya.
"Nako salamat ah! Tara! Dito muna tayo sa labas tumambay habang di pa ganun kalamig."
So ayun nga, doon kami sa backyard nila tumambay. Nandoon din ang ibang bisita niya na di naman namin kilala, si Mama lang may kilala sakanila.
Nagkwentuhan sila doon, and nag picture taking din habang kumakain ng watermelon.
Pero bored na ko, kasi puro naman sila kaedad ni Mama. Wala man lang bata. Hays!
"Glayne manuod na lang tayo ng tv sa loob!" Alok ko sakanya.
"Tara Kuya, bored na ako eh." sagot nya sakin sabay bigay ng sad face.
"Haha! akala ko ako lang pero pati pala ikaw bored na din."
Tapos ayun, pumasok na kami at nanuod ng tv.
Maya-maya, tinawag ako ni Tita Viv. Sabi may ipapakilala daw since wala pa kaming masyadong kakilala dito sa Canada.
Akala ko naman lalaki yung papakilala nya na pwede kong maging kaibigan dito, pero paglabas ko dun sa pinto ng backyard nila, nakita kong nakatayo ang isang cute na babaeng tingin ko kaedad ko lang, may salamin, nakatali ang buhok and naka-white jacket.
Sya pala ang ipapakilala sakin ni Tita.
"Oh Jaydean, sya si Deanne, Deanne si Jaydean pamangkin ko."
"Hi!"
"Hi din." sabay nagwave kami sa isa't-isa.
Ang cute naman nya, lalo pa at nakasalamin. Haha!
Nagagandahan ako sa mga nakasalamin eh.
"Kunin mo na ang number o kaya iadd mo na sa facebook."
Tita naman eh, kailangan ba talagang sa harap niya pa mismo sabihin yun? Kahiya kaya.
Pero seryoso, kung may phone lang ako eh, kukunin ko number nito.
BINABASA MO ANG
The Girl with the White Jacket
RomanceBased on a TRUE STORY. Happened around July 2010-Present.