CHAPTER 1 : Overthinking

1 0 0
                                    


J's POV:

'Eto nanaman tayo, gigising nanaman ng pagod.' sabi ko sa sarili ko habang bumabangon. Nakalam na agad yung sikmura ko, usually mga 6am pa ako nagugutom eh..

'Teka, 6am?' biglang nawala ang antok ko at dali dali kong kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras.

"SHET! LOWBAT!" bigla kong sigaw "Ay.. sorry po Lord" sinunod kong sabi nang diko namalayang nakapagmura pala ako

Agad kong binuksan ang bintana ko at chineck ang orasan. At tama nga ang hinala ko.. 6 NA NG UMAGA!!

Tiningnan ko ulit ung cellphone ko, alam ko kaseng chinarge ko un bago ako matulog eh...

"PUTCHA! KAYA PALA DI NAGRING ALARM KO EH!!" galit kong sigaw nang napansin kong hindi pala maayos ang pagkakasaksak ng charger ko sa outlet.

Agad agad kong inayos ang pagkakasaksak ng cellphone ko at tumakbo na agad sa banyo para maligo sabay toothbrush.

'Patay tayo dito, hindi ako nakasama sa morning mass(?).. Bahala na, punyeta'

C's POV:

4:30 am na, wala pa din si Joy.. Dapat kaninang 4am pa siya nandito..

'Asan na ba yun? Sunduin ko na kaya? May sakit ba siya? Aabsent ba siya?'

"Stop it, Cy!" bulong ko sa sarili ko nang napansin kong naprapraning nanaman ako..

'Asan na ba kase si Joy?' tanong ko sa sarili nang may konting galet.. Panong hindi ako magagalet? Eh ang awkward kaya para saken pag hindi ko siya kasama

Natapos ung (misa) by 5:30am, mukhang minadali nila this time.. Kinuha ko ung cellphone ko, para makita kung nagrespond ba siya sa mga messages at text ko sa kanya. Nagalala ako nung nakita kong offline sya..

'Hala, what if may nangyari sa kanya? What if na-snatch cellphone nya? What if na-kidna-' bigla kong nabagsak ung mga librong ililipat ko sana sa advisory room ko, lahat tuloy sila nagtinginan sakin. Agad naman akong nag-sorry sa kanila.

'PERO NAMAN KASE! PANONG DI MO MABABAGSAK UN EH KUNG ANO ANO NANG PUMAPASOK SA ISIP KO!!!' sigaw ng inner monologue ko.

F: "Huy, Cy, umayos ka dyan. Wala lang si Joy nagkaka sabog-sabog ka na agad."

C: "Tchr naman eh.. Nagaalala lang. What if napaano siya?"

M: "What if- mag confess ka nalang?"

C: "Wag kang sabat ng sabat ah. Atsaka, anong ico-confess ko sa kanya? May gusto ba ako sa kanya?"

M: "Meron ba?"

C: "Ewan ko sa inyo"

Napansin kong iba na yung tingin nila sa akin kaya dali-dali na akong umalis sa usapan.. Lagi nalang nila akong tinutukso kay Joy porke lagi kaming magkasama..

Chineck ko ulit ung phone ko, 6:13 na.. 'Asan na ba si Joy??'

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na sa gate ng school para sunduin siya..

I: "Uy Cy.."

C: "Ha?" sagot ko sa bagong co-teacher ko

I: "Saan ka pupunta?"

C: "Bibili lang ng pandesal, hindi pa kasi ako nagaagahan eh"

I: "Sama ako, di pa din kasi ako nagaagahan eh"

'FUCK SHIT NAMAN OH! Sumama pa talaga tong si Irwin..' inis kong sabi sa sarili ko 'Hindi ko tuloy masundo si Joy!'

Habang papunta sa bakery nakita ko si Joy, naka black loose tshirt sya at maong jeans. At basa pa din ung buhok niya.. 'Ahhh.. Nalate lang ng gising, akala ko napaano.'

"JOY!" pasigaw kong bati kay Joy..

"Joy, bat ka nalate-"

"Hi Joy.."biglang putol sakin ni Irwin

"Mukhang mabigat bitbit mo ah, tulungan na kita?" alok ni Irwin kay Joy

"Eh teka, akala ko ba bibili ka ng pandesal?" sabat ko kay Irwin

"Ahh.." kinuha nya yung wallet niya sa bag at naglabas ng benta na siyang ibinigay niya sa akin.. "Oh ayan, bente.. Pwedeng pakisama nalang ako sa pagbili mo?"

At dahil wala naman akong maisip na dahilan kung bakit ako hihinde sinabi ko "Ah, o sige."

At ayun.. Heto ako, papuntang bakery at bibili ng pandesal, habang si Irwin ay inalalayan si Joy! 

The Way He Looks at HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon