CHAPTER 2 : Prom Announcement

1 0 0
                                    


J's POV:

Mga 10 minutes lang siguro mula nung pagkagising ko at tumakbo na kaagad ako papuntang New Building.. 'Shet, kung kailan talaga bumisita yung admin, dun pa talaga hindi nagring yung alarm ko.'

Hindi ko pa nga nachecheck yung phone ko nang agad ko nalang ito ihinagis sa bag ko, dahil sobrang gahol na ako sa oras.

C: "JOY!"

Nagmamadali akong pumunta sa New Building nang marinig ko ang pasigaw na bati ni Cy. Sasagutin ko sana yung bati sakin ni Cy nang bigla namang sumulpot si Irwin.. Kasama pala siya ni Cy, di ko siya napansin eh. Tulog pa yata ang diwa ko. Anyways, inaalok niyang buhatin itong bag ko, and I don't see a reason why not, so pinabitbit ko.

*nasa New Building na*

F: "Hoy hoy hoy, ano yan? Irwin, bakit mo bitbit yang bag ni Joy? Ang bilis mo naman.."

M: "Naunahan mo pa si ano eh"

J: "HOY! Ano yang mga pinagsasabi nyo ha?"

I: "Inalok ko lang bitbitin yung bag nya kasi mukhang nabibigatan siya eh"

Habang tinutukso kami ni Irwin ng mga co-teachers namin ay lumabas si Tchr Lena sa Guidance Office kasama ang bagong administrator.

L: "Ay, ma'am. Heto po pala si Tchr. Joy. Adviser ng Grade 9, ABM 12 and SSG.

J: "Ay! Good morning po ma'am. Pasensya na po kayo, nalate ako.. Hindi po nagring yung alarm clock ko eh.. Hindi na po mauulit ma'am."

Admin: "Ayos lang naman yun. Anyhow, magkakaroon tayo ng meeting after school sa faculty room. Tungkol ito sa prom ng mga bata at yung mga preparations. Available ba kayong lahat?"

L: "Yes po ma'am."

Admin: "Oh sige, mauna na ako sa inyo, at may kailangan pa akong tapusin ha."

'Ang bait naman pala ng bagong admin, di tulad nung dati.. Lord, sorry ulit' banggit ko sa sarili ko..

L: "Oh siya nga pala, asan si Cy?"

I: "Bumili ho ng pandesal dun sa bakery."

L: "Oh sya, sabihin nyo nalang na may pa-meeting si admin mamaya after school. Magkita tayo sa faculty room."

*natapos na ang 7am classes at tapos na din lunch break na nila*

Bakit hindi ko nakita si Cy buong umaga? Hindi ko din siya nakita nung lunch, nag-lunch ba siya? Asan ba kase sya?? Tuwing nakikita ko siya, bigla naman siyang papasok sa ibang room. Para siyang tutang nagtatampo.. Baket??

C's POV:

'Bakit naman siya nagpasama kay Irwin? I mean, baka naman mabigat talaga yung bag nya, pero bakit hindi nalang ako ung pinagbuhat nya?? Anuyon? May meaning ba yon?' walang katapusan kong tinanong ang sarili ko..

"BAKET BA KASE ANG HIRAP MAG-CONFESS!!!" sigaw ko sa dorm room ko

M: "Mhmm, akala ko ba wala kang gusto sa kanya?"

C: "Nakakagulat ka naman, bigla-bigla ka nalang nasulpot diyan.."

M: "Eh iniwan mong bukas tong dorm door mo eh"

C: "Akala ko kasi walang tao eh"

M: "At akala ko kasi, wala kang feelings sa kanya.."

C: "Wala nga"

M: "Sinong pinaguusapan naten, Cy?"

C: "..."

Umalis na ako sa dorm room ko at dumiretso na sa New Building.. Nakita kong nakikipagkwentuhan si Joy sa mga grade 12 students nya sa entrance, kaya dumaan ako sa may fire exit. Ayoko lang talaga kasi siyang makita kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko.. Sigurado naman akong walang meaning sa kanya yung pagbitbit ni Irwin ng bag nya- diba? Paano kung kinillig siya? May gusto din ba si Irwin kay Joy? First move na ba yun ni Irwin? Hayy, makapagturo na nga lang..

*recess*

Wala akong ganang kumain kaya nagstay nalang ako sa room ko. Havang nagchecheck ng mga test papers ng mga students ko, bumisita si Joy sa room..

J: "Huy C! Iniiwasan mo ba ako??" tanong niya

C: "Hindi naman! Ano kaba?" ilag ko sa tanong niya

J: "Dimo kasi ako kinakausap simulakaninang umaga eh.."

C: "Busy lang" 'Totoo lang, gusto kong sabihin na ang sama ng loob ko..'

J: "Sure ka ah.. Btw, nag-lunch ka na ba?"

Natuwa naman ako nang tinanong niya kung nag-lunch na ba ako.. Nagaalala din kaya si Joy para sakin?

C: "Ah.. oo" sagot ko

Hindi ako yung tipo ng taong nagsisinungaling pero mas lalo lang magaalala si Joy kapag nalaman niyang hindi pa ako kumakain ng lunch

J: "Ay, siya nga pala.. May meeting tayo after school kasama ung admin tungkol sa prom ng mga bata."

C: "Ay ganon.. Sige, pupunta ako.."

J: "Sige maiwan na kita, may klase pa man din ako sa senior high.."

Parang naganahan ulit ako nung bumisita si Joy, siguro naman wala talagang meaning yung pagkuha ni Irwin ng bag ni Joy kanina.. Baka nagmamagandang loob lang naman talaga yung tao at binaliw ko lang ang sarili ko sa kaka overthink..

*meeting after school*

Natapos na ung klase ng high school at nagsiuwian na din sila. At andito naman kaming lahat ng mga teachers ngayon sa faculty room na nagmemeeting tungkol sa prom... Pero pagod na talaga kaya lumalabas nalang sa kabilang tenga ko yung mga sinasabai ng admin, tutal di naman kasali ung advisory class ko sa prom eh..

Admin: So sayaw ng prom, may part dun na kasama yung mga teachers..

Nagising bigla yung diwa ko nung sinabing sasayaw din daw yung mga teachers.. Paano kung alukin ko si Joy? Maganda siguro yun noh? Ano kayang kulay yung susuotin nya? Para matching naman kami.. Tumingin ako kay Joy ng nakangiti sa ilalim ng mask ko, pero parang nakatingin siya sa iba?

Pagkatapos ng meeting ay hinanap ko kaagad si Joy para alukin siya bilang partner ko sa sayaw.. Nakita ko siya sa entrance kausap si Irwin, pero mamaya-maya pa ay umalis na si Irwin.

'Ano naman kayang pinagusapan ng dalawa?' tanong ko sa sarili

Pagkatapos kong makitang umalis si Irwin, saka ko naman nilapitan si Joy.

C: "Uy Joy.. Anu yon?" pabiro kong tanong kay Joy

J: "Ah ano, wala yun"

C: "Anong wala? Eh ang laki nga ng ngiti mo jan eh"

J: "Ano kase.. Inalok ako ni Irwin na maging partner niya sa prom.."

C: "Anong sabi mo??"

J: " Sabi ko 'oo'.. Wala naman akong makitang dahilan para tanggihan siya eh"

C:"..." feeling ko gumuho yung mundo ko pagkatapos marinig yung mga salitang yon

J: "Cy? Huy Cy, ano? Baket? Ayaw mo ba kay Irwin?"

C: "H-hindi naman.."

J: "Oh, eh bakit parang dismayado ka jan?"

C: "Alam mo, itulog mo nalang yan HAHAHA" pinilit ko nalang tumawa ang sarili ko kahit feeling ko na dinudurog ung puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way He Looks at HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon