Set him free

477 19 12
                                    

Dedicated po sayo to' ate johanna mae. Haha! Hope ya like it! 

Yung pakiramdam mo na akala mo na siya na.

Na akala mo kayo na talaga.

Na akala mo magtatagal pa kayo

Na akala mo kasama mo pa siyang tatanda.

Na akala mo pang habang buhay na.

Yun pala puro Akala lang.

Kaya dun sa sobrang sweet na couple. Pustahan tayo magbebreak din kayo! Oo bitter pa din ako kahit hanggang ngayon. Ang sakit lang kasi eh. Lokohan ng harap-harapan?!

Wag niyong itanggi, lahat naman ng galing sa break-up nagiging bitter eh. Lalo na ung sobrang nasaktan. Sila kasi yung sobrang nagmahal.At sila rin ung masarap magmahal.

Ang love kasi parang kape pag nasobrahan ang timpla pumapait or in other words dont give too much love para sa huli hindi ka bitter.

"Hoy janna! Tulala ka na naman! Oh eto panyo, laway mo tutulo na." I rolled my eyes to him. Saka siya hinampas sa braso.

"Laway ka dyan! Che! Umalis ka nga sa harap ko." 

"Awts! Miss mo lang si Ian eh?!" </3 

Di ko nalang siya pinansin, kunwari busy ako sa pagsusulat. Bat ba kasi niya pinapaalala?! OA ba ko masyado? Eh kasi tama naman siya eh. Miss ko na ung lalaking un. Kahit gago un mahal ko pa rin un.

"Miss mo na ung mga yakap niya."

"Miss mo na ung halik niy----" 

"PWEDE BA TIGILAN MO KO?!" Nabigla naman siya sa sinabi ko. Kung hindi lang kita bestfriend eh! Kainis. Buti nalang di ko naitusok sa kanya ung hawak kong ballpen.

"To' naman,parang gusto ka lang patawanin eh." Nagfake smile lang ako sakanya. Alin banda dun ang nakakatawa?Wala naman diba?

"O ayan,nakangiti na ko!" 

"Tawa nga diba?" Pero maya-maya bigla nalang akong naiyak. Imbis na hindi ko na nga naririnig ung pangalan niya sa araw-araw eh ito namang mokong na to' pinaalala pa. At ito namang bestfriend ko kilalang-kilala talaga ko.

"Iyak lang! Kunwari ako ung tissue mo." Nahampas ko na naman siya sa balikat,sira ulo ka talaga matthew. Kaya mas lalo lang akong naiyak nung kinantahan niya ko at ung themesong pa namin nung Ex kong si Ian/Adrian. Pang-asar lang talaga.

"Wow! Pampa-Goodvibes ah!" Sarkastikong sabi ko sakanya.Ngumiti lang siya sakin saka ginulo ung buhok ko.

"Ganda ng boses ko noh?" 

"Ang hangin!" 

"Gwapo naman." Saka pa ko dinilaan. Gwapo nga, isip-bata naman. :3

Pareho kaming kagagaling lang sa break-up ni Matthew. Malas nga ata talaga kami sa pag-ibig eh kaya siguro kami naging magbestfriend haha. Swerte nung dating girlfriend niya na si Hailyn kasi loyal ung bestfriend ko sakanya at mahal na mahal siya. Tapos nung nagbreak sila iyak ng iyak tong bestfriend ko.

"Janna dun tayo oh!" Sabay turo niya sa isang boutique.

"Wag na baka mahal dyan." Ang totoo gusto ko lang talaga umuwi para kasing nawala ako sa mood simula nung narinig ko ung pangalan niya kanina. Oo ganun ang epekto niya sa akin.

"Mapera ka kaya! Ayaw mo,kasi uuwi ka na? Iiyak ka sa kwarto mo na parang tanga. Samantalang ung EX mo nagpapakasaya na sa iba." Bulls eye! Nakakainis bakit ba kasi naging bestfriend ko pa to at parang alam niya ang tumatakbo sa isip ko?!

Set him freeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon