Kabanata - 02

1 0 0
                                    

Ang kabalyerong nakatitigan n'ya kaninang umaga lamang.

Agad yumuko si Midget at naramdaman ang sariling takot. Bakit kailangang magkita silang dalawa? Paano kung nakilala s'ya ng kabalyero?

Paano kung ngayon s'ya bawian ng lalaki dahil sa kabastusang pagtitig na ginawa n'ya noong umaga?

“Binibini...”

Midget suddenly stopped breathing.

No one has ever called her a binibini.

Ang pag tawag ng binibini sa isang babae ay para lamang sa mga may matataas na posisyon sa lugar nila.

At isa lang naman s'yang hamak na katulong at magsasaka. That's why she is really baffled from the word she had heard from this boy's mouth.

“P'wede ka bang makausap na tayo lamang dalawa?”

Kakaibang kaba na naman ang umusbong kay Midget. Wala s'yang tiwala sa mga taong matibay na kumakampi sa pamilyang Dasleria.

Even though Midget doesn't know the man who is in front of him, he is still familiar to her. Because she can always see him beside Alastor.

“Totoo, kakausapin lang kita. Mahirap kung dito dahil tayo'y pinagtitinginan.”
Saad pa nang lalaki dahil napansin na hindi mapakali si Midget.

Midget looked around and saw that the guy was right.

Maraming mga mata ang nakatingin sakanila ngayon.

“Pero a-ako'y maraming ginagawa, Ginoo. Pagpasensyahan mo ngunit-”

“I will borrow this lady here, tell it to the head maid."
Midget's sentence were cut off because the guy abruptly took a soldier and spoke a language that she can't understand.

Mukang may inutos dahil sumaludo ang lalaking hinigit nito at dali-dali ring umalis.

Isang baitang lang ata ang natapos ni Midget dahil nung dumating na ang pamilya ni Alastor sa bayan nila ay pinagbawalan nang makapagaral ang mga mamamayan ng Dasleria lalo kung ikaw ay mahirap.

Kaya wala siyang kaalam-alam sa lengguwaheng Ingles.

“Ayos na. Pinagpaalam na kita. Baka maaari mo na akong kausapin?”
At isang matamis na ngiti ang binigay ng lalaki na hindi na magawang tanggihan ng dalaga.

Nagtungo ang dalawa sa lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.

Ang balkonahe.

“Ipagpaumanhin mo ang hindi ko agad pagpapakilala. Ako si Fabian, binibini.”

“H-hindi...”
The first word Midget uttered. She stared at Fabian and it's the only time she noticed that this man in front of him was like a heaven made figure.

Wala kang makita na ano mang kamalian.

“Hindi po ako nararapat na tawaging binibini. Nakita n'yo naman ang aking kasuotan. Ako'y isang hamak na katulong lamang na nagaabot ng mga basi sa bisita.”

Hindi naman maintindihan ni Midget kung bakit mas ngumiti pa ang binata sa sinabi n'ya.

“Everyone is equal,”
Fabian said that made Midget become even more confused.
“Tatandaan mo iyon. Kung hindi kita dapat tawaging binibini, ikaw ba'y nararapat na tawaging ginoo?”

Biglang natawa si Midget na mabilis n'yang pinigilan. Magaling si Fabian sa kan'yang mga salita at maling matuwa agad s'ya sa binata.

“Ikaw ay babae na nararapat tawaging binibini. Kaya p'wede ko bang malaman ang iyong ’ngalan?”

Napaisip si Midget kung tinawag lamang ba s'ya ni Fabian dito sa labas upang itanong at malaman ang kaniyang pangalan.

Parang ang imposible pero yun ang nangyayari.

“Ako po si M-midget...”
Nagaalinlangang pakilala ni Midget.

“Oh? An English name?”
Mangha ni Fabian.

That's the reason she's afraid to tell her name.

It's because her name is English. At pinagbabawal yon sa Dasleria. Ito'y nagpapakita nang kabastusan sa mga matatalinong tao lalo at ikaw ay mahirap na tao lamang

Pero si Midget ay nakaligtas dahil wala paman noon sila Alastor ay una na n'ya itong naging pangalan kaya naman wala s'yang nilalabag na batas.

People who were already named just like hers even before Dasleria had been seized were let off the hook.

“Hindi ko alam ang dapat sabihin,”
Ngiti ni Fabian.
“Alam mo ba ang ibig sabihin ng iyong pangalan?”

Tumango si Midget.

Oo alam ko kaya manahimik kana. Ang sinabi ni Midget sa kaniyang utak. Wala s'yang lakas ng loob na barahin ang lalaking kabalyero.

Dahil baka siya'y mahampas nito ng kaniyang suot na gloves sa muka. Kaya marapat na sa utak na lang niya ito susupladahan.

She's not really proud of her name. Kung p'wede nga lang magpapalit ay ginawa na ni Midget. Maganda na sana dahil Ingles ang pangalan niya.

Pero tunay na nakakainsulto ang pangalan niya hindi lamang para sa mga taong may pinagaralan ngunit pati narin para sakan'ya mismo.

Hindi niya maintindihan ang utak ng kaniyang mga magulang.

Kung tunay ba siyang minahal oh pinagtripan lamang.

Since midget in English is unano in Tagalog. A very small person.

Imaginine mo 'yon, buong buhay mo tatawagin kang unano. Sinong matutuwa.

“Mawalang galang na ngunit gusto ko na pong malaman kung bakit ako'y inyong ipinatawag para kausapin?”
Pagbabalik na ni Midget sa usapan.

Kung babanggitin man ng lalaking 'to ang nangyari kaninang umaga ay handang-handa na si Midget sa sorry speech n'ya.

Sanay s'yang humingi ng tawad dahil palagi naman s'yang binababa ng ibang mga tao lalo na kapag ang madalas n'yang nakakasalamuha ay mga matatapobre.

Si Midget na ata ang taong maraming alam na sorry speech sa mundo.

Meron yan sa nabuggo.

Sa napatingin.

Sa tumabi.

Sa pagiging mabaho.

Lalong-lalo sa pagiging tao.

“Alam kong ito ay magiging nakakatawa pakinggan. Pero binibini, gusto kitang maging-”

Gustong maging!?!

Nataranta na si Midget at sakanyang isip ay nadugtungan na agad niya ang dapat sasabihin ni Fabian.

Kung tama nga ang kaniyang hinala sa sasabihin nito ay.... Hindi maari!

Kaya agad umisip si Midget nang sasabihin.

“Gusto ko po si prinsipeng Alastor!”
Pikit matang sigaw ni Midget.

“...Kaibigan.”
Ang mahinang tuloy naman ni Fabian sa kan'yang talagang sasabihin.

Pareho silang dalawa na naging sabog sa parehong narinig.

'di makapanilawa si Midget na ginawa n'ya pa talagang dahilan ang halimaw na 'yon.

Ang dami-daming p'wedeng maging palusot pero si Alastor pa talaga ang kaniyang naisip na idahilan.

Tapos pakikipagkaibigan lang pala talaga ang iaalok sakan'ya ni Fabian.

Grabeng kahihiyan ang nararamdaman ni Midget ngayon. Pati na rin ako. The second hand embarrassment duh. Gusto na lang niyang maging uod at gumapang pailalim sa lupa at wag na wag nang magpapakita sa mundo.

Akala niya kasi ay aalukin siya ni ginoong Fabian na maging kasintahan siya.

Hindi naman pala.

Mr. Warrior, Do You Know Love?Where stories live. Discover now