Simula

2 0 0
                                    

“Itungo niyo ang inyong mga ulo at huwag na huwag kayong sisilip!"
Someone warned them and even if Midget doesn't want to follow it her life is still more important.

So she did bow her head.

“Tsk.”
Inis na singhal n'ya at pasimple paring sumilip.

Medyo tinungo n'ya ang ulo n'ya at tiningnan ang mga kabayong nagdadaanan sakay ang mga kabalyero na bumalik galing sa ekspedisyon.

And there he is.

Ang nangunguna-nguna sa parada.

The person she hates the most. Siya at ang pamilya nito.

Alastor Dasleria.

Galit s'ya sa taong 'to pero hindi sa DASLERIA. Dasleria is the name of their land. Kinailangan nga lamang nilang gawing kanilang apilyedo dahil ganon ang patakaran noon.

Kung saan ka nakatira at kung saan ka namumuno, yoon ang 'yong magiging huling pangalan.

Para sa mga may dugong bughaw.

“Alastor! Alastor! Alastor!”
Sigaw ng mga tao na nakapagbalik kay Midget sa katinuan.

Hindi n'ya napansin na ang mga mata pala n'ya ay kanina pang nakatitig sa isang kabalyero habang s'ya ay nakatulala. At ang nakakabahala rito ay nakita s'ya nito.

Agad napayuko si Midget sa takot.

Sakan'yang kaginhawaan ay hindi naman s'ya binigyan ng atensyon ng kabalyero na nakatitigan n'ya at gumawa ng eksena.

Bakit kasi kailangan pang may matitigan ako habang nakatulala. Aniya sa sarili.

In this era, the quote, "It's rude to stare" is already alive and greatly established.

Lalo na kung ikaw ay isang hampaslupang slapsoil, bawal kang makipagtitigan sa mga mas nakakataas ang estado sa'yo sa buhay.

Sa kabilang banda ay napadura naman si Midget sa inis. 'di niya maatim ang pagbati ng mga kababayan n'ya kay Alastor.

Pumapakla ang kaniyang panlasa.

It's true that he.. THEY. Saved Dasleria from being attacked again. Pero ang totoo, kaya lang naman nila pinoprotektahan ang Dasleria ay dahil ayaw nilang mapunta ang lahat ng nanakaw nila sa lugar na 'to sa wala.

Before they came to Dasleria and invaded them. Dasleria is a happy and bountiful land full of minerals and protein. Rich in vitamin C, A, Z, and B. Charot. All thanks to their pinaniniwalaang bathala.

Masagana ang buhay sa Dasleria at masaya.

Ngunit, simula nang dumating ang pamilya nila Alastor at sila'y sakupin nagsimula nang mangaghirap ang mga tao sa Dasleria.

Nagkaroon nang tag gutom at hindi pantay na mga patakaran.

Kaya ganon na nga lamang ang galit ni Midget. Nawala ang dating bayan ng Dasleria na kaniyang iniingat-ingatan.

“Mamaya, magkakaroon ng masayang katuwaan sa palasyo ng Dasleria upang ipagdiwang ang pagkapanalo at muling pagbabalik ni Alastor at nang iba pang mga kabalyero!”
Midget's friend said in excitement.

“Ano namang masaya don? Eh hindi naman tayo kasali sa pagsasaya dahil tayo pa ang magaasikaso sa kanila.”
Saad ni Midget habang nagaayos ng sarili para nga mamaya.

Sila kasi ang mga katulong na magiikot-ikot habang may dalang mga inuming mamahaling basi oh super expensive mega ultra wine glass.

Paniguradong mangangalay na naman ng sobra ang mga kamay ni Midget. I just knew it. Eme pero true.

Mas maganda sana kasi kung sa loob s'ya ng kusina nadestinong tumulong. Bakit doon pa talaga sa labas.

Makakasalamuha n'ya tuloy ang mga plastik na burikat na kabilang sa alta sociedad.

“Mamaya rin Midget,”
Lumapit ang kaibigan ni Midget na si Jona sakan'ya at may inilabas na maliit na botelya mula sa kan'yang bulsa.
“Ilalagay ko 'to sa inumin ni Alastor.”

“Saan galing yan??”

“Binili ko sa matanda na nakasalubong ko. Ito raw ay isang likido na p'wede mong mapaibig ang kung sino mang iyong naisin, basta papainumin mo s'ya nito.”

Midget's face grossed out. It's because the potion is green colored. Mukang lumot oh mga halamang gamot na dinikdik at pinagsama-sama lang.
“Sigurado ka bang hindi mamamatay ang iinom n'yan? Mukang lason, Jona.”

“Totoo ito, pangako! Nung bumibili ako nito sa matanda ay may mga nagtetestimonya pa nga sa karanasan nila nang gamitin nila ang likido.”

Napailing na lamang si Midget sakan'yang kaibigan. Talaga namang may mga nagtetestimonya pa. Halatang binayaran palihim upang mapaniwala ang mga bibili.

Yung mga bigla mo na lang makakasalubong sa daan ang masasabi mong talagang mga manggagantso ng taon.

Hindi n'ya maintindihan kung bakit gustong-gusto ni Jona si Alastor Dasleria.

Just from his name, imbes na tuwa ang maramdaman mo ay takot agad. He is not named like that with no reason.

His name means, a demon regarded as the executioner. Ang mga tao ang nagpangalan sakan'ya noon.

At totoo na bagay sakan'ya ang pangalan n'ya.

Bata pa lang ay ipinadala na s'ya ng kan'yang mga magulang sa labanan at iginitna sa mga g'yera.

At hindi naman s'ya umuuwing talunan.

Palagi itong nananalo.

S'ya palagi ang umuuwing maraming napapatay na mga kalaban. Maraming takot sakan'ya at marami rin namang humahanga.

Pero alam ni Midget na para masabi ng mga Dasleria na wala silang kinikilingan ay itinakwil nila ang sarili nilang anak sa g'yera sa murang edad pa lamang.

Tunay na napakasama at sakim nila.

Para mapanatili ang pamumuno ay ginawa nila iyon.

Pero nung una sana'y makakaramdam ng awa si Midget para kay Alastor. Ngunit alam nga pala n'yang mahilig talagang pumatay ang taong yon.

Everyone knows in their kingdom that Alastor would kill anyone, even the one's who took care of him, whenever he feels or likes it.

Wala s'yang pinipiling patayin para lang sa kasiyahan.

Isa s'yang halimaw.

“Sinong hindi mahuhulog kay Alastor, Midget!? Napakaguwapo n'ya! Makakapal na kilay, itim na itim na mata at matangos na ilong!”
Paglalarawan ng kaniyang kaibigan dito.

“Kung gayo'y gusto mo lamang s'ya sa kan'yang panlabas na itsura. Ako na ang nagsasabi sa'yo Jona,”
Tinapik ni Midget ang balikat ng kaibigan.
“Na sa manipis na kilay, kulay lupang mata at pangong ilong ang tunay na pagibig.”

“Heh!”

Dumating din ang gabi at lahat ng tao ay okyupado na sa kanilang mga ginagawa.

Malakas na rin ang ingay sa loob ng bulwagan. Rinig na rinig ang tawanan at sigawan ng mga tao. Nagsisimula na kasi ang kasiyahan.

At eto si Midget na kanina pang paikot-ikot para mamigay ng inuming wine sa mga bisita.

Nang may lalaking tumambad sa harapan n'ya.

Mr. Warrior, Do You Know Love?Where stories live. Discover now