LRT

6 0 0
                                    

Tulog lang ako buong araw at hapon na nang magising ako. Ganun talaga ako matulog, sobrang takaw. Bumaba na ako sa higaan at kumain ng breakfast sa dining room. Pagkatapos kong kumain nakita ko si Baby Jim gumagapang sa carpet sa sala habang si mommy nanonood ng paborito niyang palabas sa t.v., Marimar. Tsk! Yan na naman ang pinapanood niya tagal tagal na niyan. May dvd copy kasi siya kaya lagi niyang pinapanood iyon. Kinuha ko si Baby Jim at sinubuan ng orange, matamis na iyon di katulad ng binigay ni mommy kahapon, kawawa naman kasi si Baby Jim pinagtitripan ni mommy, haha.


"Napasarap ata ang tulog mo ah" biglang sabi ni mommy.


"Oo nga mommy, nakakapagod kasi sa work kahapon, buti na lang walang pasok ngayon" sagot ko naman.


"Anong oras nga ulit iyong party ng boyfriend ni Belle?" Tanong ni mommy sabay kumuha din ng orange at kumain.


"9:00 pm po mama" sagot ko ulit


"Nakaready na ba iyong mga susuotin at gagamitin mo, gusto mo tulungan kitang mag ayos? Alam ko naman na di ka masyadong nag aayos" suggestion ni mama. Sumimangot lang ako. Totoo naman kasi.


"Hwag na mama, kakain lang naman ako don, at saka di ko na kailangang mag ayos, di naman ako pumunta don para magpapansin" nakasimangot na sagot ko.


"Wala naman akong sinasabing ganun, hahaha, ang sa akin lang syempre party iyon eh, dapat bongga ang pagdating mo"


"Mommy, hindi ako ang may birthday, okay? Hayaan niyo na lang ako, please" tumingin ako kay mama ng sincere.


"Sabi ko nga di ako mananalo sa'yo eh," ngiting sabi ni mama. Ganyan naman palagi kami ni mommy, lagi siyang talo. Mahilig siyang magsuggest pero di ko naman laging sinusunod.


Inalagaan ko lang si Baby Jim, lagi naman akong ganun pag walang pasok or pag nasa bahay lang, Si Baby Jim lang ang kasama ko. Maaga pa naman para sa party kaya naisipan kong igala muna si Baby Jim sa Manila Zoo. Sa kasamaang palad, coding ko na naman so kailangan kong magcommute. Okay naman kay mommy kasi sanay na akong magcommute bago ako bilhan ng sasakyan ni Daddy. Kinuha ko iyong Baby Carrier ni Baby Jim, iyon iyong sinasabit sa magkabilaang balikat tapos don nilalagay iyong baby, nasa harap ko si baby Jim at tinatawanan ako. Minsan weird ng mga babies, bigla na lang natawa. Pero I find it cute, cute naman kasi talaga si Baby Jim, pareho kaming mataba ang cheeks.


Ayokong magbus dahil sobrang mausok, so I decided na sumakay sa LRT since Quirino Avenue Station naman iyong Manila Zoo. Pagkaakyat ko sa taas ng hintayan ng station, magsasara na iyong pinto ng LRT, after kong bumili ng ticket, dali dali akong tumakbo papasok. Unfortunately, sa part ng both boys ang girls ako nakapasok. Hay, eto na naman iyong kakaibang atmosphere. Nakatingin sa akin iyong mga ibang tao, yan na naman iyong mga nag-iisip na anak ko si Baby Jim. Bahala sila mag-isip, I don't care, they don't know anything. Pumasok ako sa gitna ng mga nakatayong tao at pumwesto sa bandang gitna ng LRT. Todo ang kapit ko sa handrail dahil may kasama akong bata at baka maout balance pa ako. Wala naman pakealam iyong mga tao kahit may hawak akong bata. Di na uso ngayon ang gentle man or woman. Napatapat ako sa lalaking busy-ing busy sa paglalaro ng pokemon sa psp. Napangiti ako kasi, mahilig din akong maglaro niyan at sobrang paborito ko. Di ko namalayan biglang tumigil iyong LRT sa sunod na station at naout balance ako.

Changes in my lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon