KYLINE's POV
Andaming nangyayare sakin ngayon! Wala akong classes kaya na kasama sila Chasie at Andrea! Si Dafney nagaaral sa La Salle. Nakakainis talaga yung mga nangyayari sakin eh!
[Flashback:]
"Nomination for class president is now open!" sabi ni ma'am
"I nominate Kyline!" sabi ng isang girl na lagi akong.. sinusupport parang ganun. Parang friend ko na din siya. Siya si Kesha. May isa din akong friend na parang si Kesha eh. Si Kate. Magkapatid sila. We are known as The 3Ks
"I nominate Nadette!" sabi ni Alexandra. Frenemy ko sila. Pati si Raquel isa dun. Pero may pagkabait naman si Raquel. Kinakaibigan nila ako pero bad friend naman sila. Hindi dapat maging president si Nadette!
"Okay. Is that it?" tanong ni ma'am
"Yes ma'am!" sagot ko. Baka may magnominate kasi kay Alexa at Rocky eh. Yun yung nicknames nila Alexandra at Raquel.
"Ano naman ang gagawin niyo if president na kayo?" think Kyline, think! Di ko dapat hahayaang maging president si Nadette!
"Mas lalo ko pong papagandahin yung classroom, dadagdagan ng designs, aayos ang classroom, at papatigilin ko po ang mga istudyanteng nagaaway!" sabi ko.
"Ma'am hindi po niya yan itutupad! Kilala ko si Kyline! Hindi yan matutupad!" sabi ni Nadette. Parang siya naman matutupad yung gagawin niya
"Eh ano ba ang magagawa mo sa klase natin if president ka?" tanong ni ma'am.
"Magpapalagay po ako ng free wifi, iaallow ko po ang junk foods and soft drinks, pwede pong kumain habang naglelesson..." aba! Hindi na ganyan ang president! "...at pwede pong magdala ng gadgets"
"Ma'am! Diba hindi po dapat ganun ang president??!" reklamo ko.
"Oo nga Nadette. Tama si Kyline. I'm sure na magkakaroon kayo ng low grades kapag ganyan" sabi ni ma'am
"Pero ma'am, itututor ko po lahat ng mga bumaba ang grades with the help of the vice president!" weh dinga!
"Hmm.. let me think" sana no. Hindi yan matutupad I'm sure!
"Okay!" anak ng tokwa! Ayoko mag VP! Sakin niya iuutos lahat! Delikado!
"Kung sino sainyo gustong maging President si Ms. Alcantara raise your hand" di ko alam if sino yung mga nagraise ng hand nila kasi pinapunta kami sa harap at pinatalikod
"Okay. Two votes for Kyline," TWO VOTES?!?! "so it means si Nadette ang President natin!" Bad influence naman -,-
[Flashback end]
Hanggang ngayon, dipa niya tinutupad lahat. Dapat nga ako naging President! Alam niyo? Araw araw niya ako inuutusan na gawin lahat ng projects niya sa pagiging president. Edi parang ako na president! Hay nako kabwisit bwisitang Nadette. Pero naging student council VP ako. Oh mas mataas yun kesa class president ha? Meron pa ngang nangyari nung Girl Scout Overnight Camping namin eh. Buti may CCTV
[Flashback:]
Nasa kanya kanyang tent na kami. Dalawang tao daw dapat per tent so share kami ni Kate. Si Chasie at Blythe magkasama. Si Nadette at si Alexa. Tapos si Kesha at si Rocky.
"K, matulog na tayo" sabi ni Kate. K kasi yung tawagan naming tatlo.
"Wait lang K, konting suklay na lang. Mauna ka na kaya?" sabi ko.
"Sige K, yun ang gusto mo eh!" so nauna na siyang natulog.
~~5 minutes later~~
Kanina pa ako nagsusuklay tapos sabi ko konti nalang lol. Sinilip ko muna yung labas ng tent kung tulog na lahat. Nung sinilip ko, ala na ngang tao kundi si Raquel at Kesha. Baka kasi may makapasok eh. Pero ang init init dito sa loob! Binaba ko ng konti yung zipper ng tent. At nahiga na ako at nakatulog

BINABASA MO ANG
You're My Best Partner
FanfictionKyline, Chasie at Andrea. Tatlong magkakaibigan. Lagi silang magkakasama sa school. Ayaw na ayaw nilang umabsent dahil masipag silang mag aral! Joke! Dahil sa isang reasonable reason. Never kasing umaabsent ang mga crush nila!! Yung tatlo ang mapang...