Episode 4: Rogue Elites

81 5 1
                                    

Ang purpose ng organization na ginawa ni Logan ay huntingin ang lahat ng mga natitirang mga sindikatong mga connected pa kela Lily Cortes, Arturo Padua and Renato Hipolito. Pati na rin ang mga rebeldeng mga natitirang hukbo ni Lucio na nanggahasa kay Major Roxanne Opelia na member din ng Task Force Agila. Tapos pumatay kay Major Victor Basco. Tulad ng ginawa nila Cabrera, Renato, Lily at Arturo na alisin ang lahat ng mga kapulisang tapat sa batas, siraan sila Cardo, General Borja at lahat ng mga taong sangayon kay Cardo, ang mga Ghost and Shadow Agents ay lilinisin at either papaslangin ang mga natitirang mga masasamang taong nakaligtas mula sa mga kamay nila Cardo o maglabas ng mga evidence laban sa kanila. At kapag sila ay nakalusot, doon sila iaassassinate ng mga Ghosts and Shadows. Tatapusin ang mga hindi natapos nila Cardo. 

Wala ding kaalam-alam ang President Hidalgo na meron organization na patuloy na pumapaslang sa mga masasamang tao.

Gabing-gabi na nun sa airport sa Manila, may isang flight attendant na dalaga na pauwi na galing sa isang flight, matapos nitong nagpaalam sa mga katrabaho, ito ay nagaabang ng taxi papunta sa terminal. Noong ito ay nakakita ng nasabing taxi saka ito sumakay at agad sinabi ang destination. Habang on the way sila, masayang tinetext ng dalaga ang isa sa kanyang mga kaibigan. 

Halos mga isang oras na ang nakalipas pero wala pa din sila sa terminal ng Trinoma/SM North, kaya takang-taka ang babae kung saan sila pupunta.

Flight Attendant: Kuya. Saan po tayo pupunta?

Pero hindi sumagot ang lalaki, dahilan na nakaramdam ng kilabot ang dalaga. Ang mas dumagdag pa sa kanyang kaba ay nagstop ang taxi driver, at sumakay sa passenger seat ang isa pang lalaki. 

Flight Attendant: Kuya, dito na lang po ako bababa.

Pero sa halip na sumagot, ganun-ganun na lang ang pagkagimbal ng babae nang ito ay tutukan ng kutsilyo. Dito na napagtanto ng babae na baka plano siyang gahasain ng dalawang demonyo. At hindi nga ito nagkamali. Tumungo ang taxi sa isang lugar kung saan walang masyadong tao. Tumigil sila at hinatak ang babae palabas ng sasakyan. Nagmakaawa ang dalaga sa dalawang hinayupak, habang ito ay pinagtatawanan at pinagsasabihan ng mga bastos na salita.

Taxi Driver: Maghubad ka, kung ayaw mong masaktan.

Armed Rapist: Hahahahaha! HUBAD!

Wala nang ibang nagawa ang flight attendant kundi magtanggal ng lahat ng kanyang suot. Pero bago pa niya nagawa yun, may biglang bala ng sniper rifle ang tumama sa ulo ng lalaking may baril. Tapos sumunod ay ang taxi driver. Saka sila humandusay. Takang-taka ang dalaga kung sino ang bumaril. Pero hindi ito makagalaw dahil sa nakitang pira-piraso ang mga pugot na ulo ng dalawang rapist. Ang bala ng sniper ay nagmula sa top floor ng isang kataasang apartment hindi kalayuan sa kalsada. Ito ay nakasuot ng black ninja mask at black assassin outfit na kaseksihan. Isang babae din. Matapos niyang binaril ang dalawang rapist. Saka ito tumawag sa police station. Sinabi niya ang location ng kinatatayuan ng flight attendant. Sinabi din ang buong detail sa police saka na ito naghang-up. Then ito ay tumawag sa ibang private number.

Doon naman sa isang headquarters, may lalaking nakatayo malapit sa malaking glass window habang pinagmamasdan ang malaking view ng Metro Manila. Nang nagring ang kanyang phone at sinagot.

Man: Report, Ghost.

Ghost Agent Sniper: Targets down.

Man: Good job, Agent. Now let the other Shadow take down the second targets. Stay out of sight. Await further orders.

Ghost Agent: Will do, Sir.

Saka na naghang-up. Back in Manila, tinanggal ng babaeng Agent ang kanyang mask. At ang Agent na yun ay walang iba kundi si Capt. Vicky Cruz. Na isa sa mga kaibigan ni Lia na hanggang sa huli ay tapat pa din sa batas. Ito ay isa sa mga Black Ops na pinagtangkaang ligpitin nila Albert saka ng dalawang kasamahan.

The Unexpected Destiny; Denise and LiaWhere stories live. Discover now