AD : Chapter 1

638 8 0
                                    

H A Z E L

"Buhatin mo yan pauwi sa inyo at siguraduhin mong hindi mawawala yan kundi malilintikan ka sa akin " Hinagis nya sa lapag lahat ng Folders na naglalaman ng report ng School kada taon

"Andy naman ! Mapupuno na yung bahay namin ng Folders eh ! Nagagalit na si Mommy " aniko sa kanya . Napapagalitan na kasi ako eh . Sobrang bigat pa ng pinapauwi nya

"I Dont Care thats your problem ! Your my P.A right ? Diskarte mo na kung paano mo mauuwi yan ! " katwiran niya . Siya pang may ganang magalit ? Kanino bang trabaho ito ?

"SSG President ka dba ? Trabaho mo yan ! Bat sa akin mo ba laging pinapagawa yan ? " Lagi nalang ganito nakakasawa na

"For your Information hindi lang ako SSG President . Im the Queen Bee of this school for almost 4 years . And what do you want me to do ? Carry those freaking Folders ? Seriously Zel ? "

"Kasi naman mabigat-"

"Natural kaya sayo ko pinapauwi dahil mabigat diba ? Zel naman Tatanga-tanga ka naman eh ! Your wasting my time . Gawin mo nalang i have to attend party pa So Ciao " Tuloy -tuloy na siya lumabas mula sa SSG CENTER Room habang naiwan akong nakaupo sa sahig . Rinig na Rinig mo pa ang tako nyang 8 inches hanggang sa makarating siya sa Hallway .

"BWISIT ! " nagmakasiguro ko nang nakababa na siya sa lobby saka ko lang nilabas ang gusto ko nang sabihin kanina pa

"Tanggap ng Tanggap ng Trabaho tapos sa iba naman ipapagawa ! Irresponsible Kala mo naman kinaganda nya yun ! " Talak ko habang pinupulot ang folders sa sahig na hinagis nya imbis na iabot nalang

"Zel Puso mo ! " napalingon ako kay Ram na ngayong nakasandal sa pintuan ng kwarto kala mo kinamacho nya yun palibhasa d siya kasya kaya sumandal nalang Tabachoy kasi .

"Badtrip ako Montecarlos ha ! Badtrip ako ilelechon kita pagnainis ako sayo ! " pagkatapos kong maipon lahat ng folders nilagay ko na agad sa Loob ng plastic na dala ko . Hindi na kasi kasya sa Jansport na bagpack ko dahil puro libro na . Pinatay ko na agad ang aircon pagkatapos ko maayos lahat ng papel sa table doon . Pagod na pagod na ako gusto ko na umuwi .

"Laki mong harang dyan Montecarlos ! Alis nang masara ko na itong pinto ! " Ayaw parin matinag ng mokong kaya tinulak ko siya paalis pero dahil Tabachoy siya at pat-patin ako hindi siya natinag

"ANO BA ! " pangisi-ngisi pa ang gago kala mo naman kinagwapo nya yun

"Pikon ka na naman .Akin na ako na magdadala nyan . Ewan ko ba sayo kung bakit nagtitiyaga sa kaibigan kuno mo ! " paglilintana nya sa akin . Itong Baboy na ito ang daming alam

"Kaibigan ko yun ! Sadyang mabait lang ako sa kanya alam mo naman na malaki utang na loob ko sa kanya diba ? " Totoo naman Dahil kay Andy hindi na ako nabubully katulad ngayon nagkus ginagalang pa ako ngayon

"Siya naman nambubully sayo ngayon ! " katwiran nya . Kinuha na ni Ram ang plastic na dala ko at sinara ang pinto ng kwarto .Thankful talaga ako dahil nandyam siya . Nandyan yung boy-bestfriend ko .

Hanggang sa makauwi kami sa Village namin panay ang asar sa akin ni Ram pwera ang panget ko raw, alila lang daw ako at kung ano-anu pa . Atleast hindi ako Baboy katulad nya .

"May bagong lipat ?" tanong ko Kay Ram nang makita ko ang ilang kahon sa tabing bahay nila . Mas nauna kasing madadaanam yung kanila kesa sa amin .

"Oo naalala mo ba yung kinekwento ko sayo ? Yung kababata ko ? Si Vince Claude Gomez? " tanong nya sa akin

"Yung nawala dati ?" paninigurado ko

"Oo nahanap na siya nila Tita . Naiingit nga ako eh dati kasing katawan ko lang yun noon pero ngayon mas maganda na ang hubog ng katawan nya " paliwanang nya

 Antagonist DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon