Ako si Fuscia Athena Ybañez Ebreo a.k.a Faye. Nagmahal, nasaktan, nag-move on, gumanda!
Nagmahal... oo. Nagmahal ako. Ibinigay ko ang lahat ng kaya kong ibigay sa abot ng aking makakaya. Ibinigay ko yung mga bagay na ikatatatag ng relasyon namin na hindi ikakababa ng pagkatao ko.
Nasaktan... Nasaktan ako ng todo nang malaman kong tinatarantado ako ng jowa kong kinakana ang tropa kong malantod na minsang inakala kong tuod!
Nag-move on... Nag-move on ako dahil naniniwala akong ang relasyon ay parang high-way. Pag dead end na, wag mo ng pilitin pang diretsuhin at ipagpatuloy na pasukin dahil wala ka namang papasukan pa. Alam mo kung bakit? Magmumukha ka lang tanga. Dead end na nga, di'ba? Sabi nga nila, sa pag-ibig ay may tatlong rules. Una: Wag kang tanga! Aba kung hindi ka mapagmatyag, mamaya niyan iniiputan ka na, kinikilig kilig ka pa! Wala, tanga eh!
Pangalawa: Wag tatanga-tanga. Magkatunog lang sila nung una pero may pagkakaiba sila. Piliin mo yung totoo. Hindi porket gwapo, go nang go! Aba! Karamihan ng gwapo, gago! Pangatlo: Wag magtanga-tangahan. Malayong malayo ito sa mga nauna. May mga taong matalino naman at nakakaramdam pero pinipiling magtanga-tangahan. Wala, in lab eh! Tsk. Kababawan.
Gumanda... Ito ang paborito kong parte ng buhay ko mula sa mga nauunsyaming lovelife ko. Alam na ng buong mundo na maganda ako since birth! Mas naging dominant nga lang ang ganda ko mula nang mabigo ako. Gano'n daw yun, kung gumanda ka na nang matuto kang tumili at kiligin sa mga "i love you" ni Adan, tyak na mas gaganda ka pagkabangon mo mula sa pagkakadapa nang ika'y mabigo. Cheers!
Gano'n pa man. Umaasa pa rin ako sa Forever at Happy Ending. Babae pa rin naman ako. Naghahangad ng prinsipeng sasagip sa'kin mula sa madilim na paniniwala ko sa love...
"Miss Ebreoooooo!!! Kung tutulala at magsasalita ka lang mag-isa dyan sa desk mo, lumabas ka na! Hindi ka kelangan sa klase ko!!!"
For the record, araw-araw po akong nababato ng eraser at napagtatawan sa klase. This, made my day, a "day".
BINABASA MO ANG
Not A Typical Story
HumorNagmahal, nasaktan, bumangon, gumanda. Ito ay kwento para sa mga kababaihang minsan nag nagmahal, nasaktan, nabigo, at ngayon ay inirarampa ang kagandahan dahil nakausad na! :D