Dan

11 0 0
                                    

"Hello good evening, this is Visa Mastercard, my name's Dandelion Greg Pinto, but you may just call me Dan. What is your name please?"

"My name's Jane Smith."

"Oh Miss Jane, how may I help you?"

"I wanted to check my account for this Month."

"This might take a minute Miss Jane. Please give me a moment."

"Alright."

Binilisan ko ang pagtipa sa keyboard para maging mabilis at mabisa ang kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon.

"Your current balance as of June 1st, 2015 at 11:47 PM is $5,880.40. Is there anything else that I can do for you Ma'am?"

"No. That would be all."

"Okay Ma'am, thank you for calling!"

Isang gabi nanaman ang natapos! Kamusta na kaya siya? Ayos lang kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Naiisip niya rin kaya ako?

"Kow! Tulala ka nanama kuys! I-stalk mo na nang di ka natutulala kakaisip kung kamusta na yung ex mo!"

"Nanto! Ampake mo pre? Di naman ako tinamaan dun oy!" Yan tayong mga lalake eh. Bro codes, pride nalang kesa pagtawanan. Kaya kahit sakit na ng heart natin, itatawa at idedeny natin yung mga nararamdaman natin. Na para bang ipinagkakait sa atin ang makaramdam ng sakit at pagkabigo.

"Sabi mo e! Tara, kape tayo nila Mama Shen!"

"Lul! Kape ka dyan, didiskartehan mo nanaman yung matanda, wag mo na akong idamay utang na loob!"

"Pffffthahahaha! Namo Kuys! Selos ka na nyan? Alam mo namang ikaw lang ang baby ko!"

"Kadiri ka pare! Sinasabi ko na nga bang may pagnanasa ka sa'kin! Hahahah! Ge na, samahan mo na si Mama Shen at baka mainip yun, ipagpalit ka kay Totoy Brown!"

"Pfffftttthahahahaha lul!"

Rantado talaga yun. Haaaaaay Xaryl. Sinayang mo pagmamahal ko. Hindi kita iyi-stalk. Hindi kita iyi-stalk. Hindi kita iyi-stalk. Pucha, oras-oras ko na yata tong mantra. Pero wala eh. Uuwi at uuwi sa puntong iyi-stalk ko pa rin FB mo.

Xaryl II added a new photo 15 hours ago

O ano tong 'this is how I woke up' mong pityur? Nanto, malantod! Trashtalker na babae! May kakagising ba namang kapula pula ng labi? Kalokohan mo!

Xaryl II is feeling excited with Cameron xD 11 hours ago

Off to SM North ka nanaman kasama yang patpatin mong jowa! Abaaa aba. Itong gagong to? Sabi mo sa'kin dati, pagod ka na, papahinga ka lang sa relasyon natin tapos malalaman kong kasama mo tong hinayupak na to sa pagpapahinga mo?

Pakshet lang. Sabi ko naman sa'yo non na kapit ka lang di'ba? Hindi lang naman ako puro humor, kumapit ka pa sana ng konti. Dahil sa pagmamadali mo, sinayang mo yung mga plano ko para sa ating dalawa. Akala ng ermats ko tayo pa rin.

Pero dahil malandi ka naman at sinaktan mo lang ako, hindi kita iiyakan....in Public. Kaso wala eh. Pag ako nalang mag-isa, ikaw pa rin talaga, ikaw lang.

Pucha tong babaeng to. Unfriend ko na nga.

Oh ayan. Unfriended na tayo pero pa'no ka ba ma-unlove? Inlove lang ang option ko pagdating sa'yo kahit ang gusto ko'y unlove.

Hay buhay. Parang life. This is Dandelion Greg Pinto a.k.a. Dan, signing off...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not A Typical StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon