Chapter 1- The Story of My Life

60 0 0
                                    

Leen's POV 
Mom: Leen! 'Nak! Gising na!
Leen: Opo Ma!! Pababa na 'ho!

Bumangon ako sa napakaganda kong kama. Parang ayaw ko na siyang iwan kaso kailangan ko. Pumunta na ako sa C.R. at naligo. Nagbihis na ako ng Black Shirt at Short-Shorts, sa bahay lang naman ako at walang gagawin. Bumaba na ako at sinalubong ang Nanay kong nagluluto ng masarap na agahan.

Leen: Good Morning sa Nanay kong nagluluto ng bacon and eggs.
Mom: Good Morning din sa anak kong napakatagal bumaba.
Leen: Bakit? Si kuya Jon at Jerry di pa naman gising. Si Dad, of course umalis na!
Mom: Yes, maaga umalis ang daddy mo dahil may meeting siya sa mga iba pang hotel owners.
Leen: Why would you wake me up at this time? It's like, 7:30?!
Mom: I've got to talk to you about your work and belongings.
Leen: What about them?
Mom: How's work?
Leen: Fine. I got my salary early. And, Mom, I want to buy a car.

Muntik nang mabulunan si Mama. Nung  nakarecover na siya....

Mom: Ano?! Sure ka? Walang may marunong magdrive dito sa bahay at napakamahal ng kotse. More than 1 million!
Leen: Woah woah. Magd-driving lessons ako at may sapat na naman akong pera para dun. Maliit lang naman na kotse ang balak kong bilhin.
Mom: Okay. Kung yan ang gusto mo, okay. Bibigyan na lang kita ng extra money para kung nagkulang--
Leen: Ma, okay lang yung sa pera. May pera pa naman ako sa bank.
Mom: Pero bibigyan parin kita. Support namin ng daddy mo.
Leen: Well, kung yan din ang gusto mo. Okay.

Nagbreakfast na kami ni Mama ng sabay at hinintay ang mga kapatid ko. Balak ko na kasi talaga bumili ng kotse nung highschool pa. Kaso baka makulangan ng pera sila mommy para sa financial things. Bumalik na ako sa kwarto ko at umiglip ng kabilis-bilis. Dahil wala naman akong gagawin, tinawagan ko ang best friend ko na si Andrea Manimtim. Isa siya sa limang best friends ko. At siya ang pinakaclose ko.

Leen: Hello Andrea! Kamusta na?
Andrea: Ayos naman. Bakit parang ang saya mo?
Leen: Pinayagan na kasi ako ni Mama bumili ng kotse. Tutal, may 1 year na ako sa work at may pera pa ako sa bank.
Andrea: Astig! Marunong ka magdrive?
Leen: Hindi nga eh. Pero magpapadriving lessons ako. Meron naman dun sa Quezon Ave.!
Andrea: Bibili na din ako ng bagong kotse ko kapag nagkamoney.
Leen: Sige na! Aalis na ako. Bye!
Andrea: Sige! Bye!

Sabay naming pinutol yung linya. This car is going to be simple but fabulous! Biglang may narinig akong nagaaway sa taas. Malamang yung dalawang lalaki nanaman yun. Umakyat ako para makita ang nangyayari. At...

Leen: Jon Kristoff at Jerry Kingston. Anong nangyayari dito?
Jon: Eh kasi naman nangungulit tong kapatid natin habang natutulog ako.
Jerry: Hindi ako nangungulit kukunin ko lang yung phone ko dun sa may shelves na nakatabi kay kuya. Eh biglang naapakan ko yung kamay niya. Di ko naman sadiya eh!
Jon: Pwede naman kasing magdahan dahan!
Jerry: At least hindi ko sadiya!
Jon: Pwede naman kunin mam--
Leen: Magsalita pa ang isa paguuntugin ko kayo ng malakas! Jerry, bakit mo naman naapakan ang kuya mo sa kamay?
Jerry: Kukunin ko lang yung phone ko. Eh nandun siya nakaharang sa may shelves kaya natapakan ko yung kamay niya.
Jon: Sana nag--
Leen: Kuya! Tahimik nga! Palibhasa pikon! Pwede din naman kasi hindi mainis alam namang hindi sinasadiya! Kaya magsorry kayo. Hay nako, para kayong mga bata! Paghihiwalayin ko kayo ng kwarto. Kuya, dun ka na sa guest room number 1. Jerry, diyan ka na.
Jon: Ano?! Hindi pwedeng mas malaki sakaniya! Mas matanda ako!
Leen: At ako ang nagiisang babae. Sabi ni mama, ako ang sunod na masusunod sakanila ni papa.
Jerry: Sige na, dito ka na Kuya. Kay ate na kwarto na lang ako.
Jon: Ay hindi. Dun na ako sa Guest Room 1.
Leen: Hay nako. Bait baitan palusot. 1 month ka diyan sa guest room para hindi madumihan at baka meron nanamang bisita.
Jon: Sige. Pero, nasabi ko na ba na ikaw ang pinakamabait, maalagain at magandang kapatid?
Jerry: At ikaw din ang pinakamatalino at astig na ate?
Leen: Sige, pacute pa more. Hindi effective. Pumunta ka na nga dun!

Si Kuya Jon, 24 years old. Nagtatanong kayo kung bakit nandito pa siya? Wala siyang girlfriend at walang sariling bahay. Si Jerry naman, 14 years old pero napakasweet na teenager. Parang 8 years old na bata. Pero itong dalawang to parang mga batang nagaaway para sa wala. Pero sweet din sila, magso-sorry sakin after nila magaway. Ate na nga din minsan ang tawag sakin ni Kuya eh. Si Dad naman minsan lang dito sa bahay. Napakaaga umalis at napakalate na umuwi. Kaya, every Saturday, 10:30-3:00 p.m. ang bonding time naming pamilya. At least may bonding time. Kami din ang may ari ng Metro East Hotels. Kaya nagkaroon kami ng madaming pera. Si Mama, katulong siya ni Dad sa Hotels at dito sa bahay. Kahit madaming katulong, tumutulong siya. Ako naman, graduate ako sa University of Hearst. Nagtatrabaho ako sa Hotel kasama ni Dad. Maayos ang sweldo ko. Fair lang. At, yun nga, gusto ko bumili ng kotse. NBSB din. Nagkamanliligaw nung highschool at college dahil ang beauty ko pang dyosa. Kinabog ko si Aphrodite kahit walang make-up! Bimusted ko lang naman sila dahil ayaw ko pa ng love love na yan. Pagaaral muna ang inatupag ko. Buti nakatapos ako. Bumalik na ako dun sa kwarto ko at nagayos ng mga papeles.
I'm so excited for my car!

Driving Lessons.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon