Chapter 7- Meet the Parents

32 0 0
                                    

Pumili ako ng dress na color blue at flats. Naglipstick at mascara lang ako. At dumating na sila Mama at Dad.

Mom: Koleen! Nandito na kami!
Leen: Mama! Dad! Jerry at Kuya Jon! Kamusta? Anong nangyare?
Jerry: Ate! Bakit ka nakadress? Anong okasyon?
Dad: Oo nga. Lumabas ka ba na hindi nagpapaalam?
Leen: Nung isang araw kasama ko yung teacher ko sa driving lessons.
Mom: Nakita ko nga sila sa beach eh. Mukha namang mabait.
Dad: Mabuti naman. Kumain na tayo. May dala kaming food. Nandito na ba yung mga kasama natin?
Leen: Wala pa naman po. Matatagalan daw po sila ng uwi.
Dad: Sige. Kumain na tayo.

Habang kumakain, humanap ako ng tsempo para sabihin na may manliligaw ako kaso may sumisingit. After kumain, bumalik ako sa kwarto para maginternet. Nang may kumatok.

Dad: Anak, alam kong may gusto ka sabihin sa akin.
Leen: Opo. Pasok po muna kayo.
Dad: Oh, ano na nga yun?
Leen: Dad, may nanliligaw po sa akin. Dadating siya maya maya. Siya yung teacher ko sa driving lessons. Magkaage lang naman kami.
Dad: Sige. Kapag napatunayan ko na mabait, presentable at yung hindi ka paiiyakin.
Mom: Knock knock. Anong pinaguusapan niyo?
Dad: May manliligaw na itong anak natin. Yung teacher daw niya sa driving lessons.
Mom: Sabi ko na nga ba eh.
Leen: Pupunta siya ngayon.
Dad: Ito ang plano ko, magiinuman kami at doon ko siya tatanungin.
Leen: Dad! Kawawa naman yung tao! Umiinom lang daw siya kapag may mga special occasions.
Dad: Okay lang yun. Papatulugin ko sa guest room. Pero, ikaw ang magpapapalipat sa kaniya doon.
Mom: Jan! Ano ka ba naman!
Dad: Papalipatin lang naman eh! Kari, okay lang yun. Wag ka magalala. Nasa iisang bahay tayo, kapag may nagawa siyang kasalanan. Nandito ako.
Leen: Sure ako, hindi niya magagawa yun. Sige na po. Itetext ko na siya kung nasaan na siya.

Pagkatapos namin magusap, lumabas na sila ng kwarto ko. Tinext ko na din naman si Tim

To: Tim

Nasabi ko na. Naghihintay na sila. Kailangan ni Dad mapatunayan na mabait ka, presentable at hindi ako paiiyakin.

From: Tim

Nandito na ako sa kalye niyo. Sus, yun lang pala. Kaya ko yan. Wag ka na magreply, masasayang pa load mo. Kita kits.

Linagay ko na yung phone ko sa desk ko at nagretouch. Nang may marinig akong doorbell. Bumaba agad ako at nakita si Tim na may hawak na bouqe ng flowers at Kit Kats. Nakasuot siya ng coat na may peach na shirt. Nakaayos din ang buhok niya na parang umattend ng kasal. Nandoon na din sila Mama at Dad.

Tim: Good Evening po, Ma'am, Sir. Ako po si Tim Santos. Manliligaw ni Leen.
Mom: Tawagin mo na lang akong Tita Kari. Ito naman ang Daddy ni Leen.
Tim: Sir.

Linabas ni Tim ang kanang kamay niya para makipagkamay at ginawa naman ni Dad.

Dad: Ako ang Dad ni Leen. Tawagin mo na lang akong Tito.
Leen: Nakakaistorbo ba ako?
Dad: Of course not.
Bumulong sa akin si Dad.
Dad: Presentable at mabait, check.
Nagsmile na lang ako at tumabi kay Dad. Inakbayan naman niya ako.
Mom: Iho, kumain ka na ba?
Tim: Yes Tita. I'm here to court your only beautiful daughter na manang mana sa mother.
Mom: Nako. Pumasok ka.
Dad: So, Tim. Umiinom ka ba? May bote kasi ako ng beer diyan.
Tim: Every special occasion lang po eh. Pero, okay lang naman po.
Dad: Sige. Doon tayo sa may pool magusap. Leen, dito ka lang.

At lumabas na sila. Infairness! Naguusap na agad! Bumalik na kami ni Mama sa mga kwarto namin.

*****
Mga 12 na at hindi pa sila natatapos. Naka tingin lang ako sa ceiling, pinipilit ang sarili ko matulog. At mabuti at nakaiglip din ako.

Nagising ako sa katok ng kwarto ko. Nagulat ako na makita ko si Mama na nakaakbay kay Dad na lasing.

Dad: Ookkaay sa akin tooo!! Ito na!
Mom: Nasa baba si Tim. Paki alalayan na lang.

Nakita ko si Tim sa sofa nakahiga. Parang di naman wash out dahil pogi padin siya. Linapitan ko.

Leen: Ano? Pasok ka sa The Voice?
Tim: Hindiii!! Sa iyo!! Oo!!
Leen: Shh. Wag ka maingay. Akyat na tayo.

Sinubukan niya tumayo, kaso napaupo siya. Tinulungan ko naman siya makatayo at umakyat na kami. Dahil sa sobrang likot niya, muntikan na kami malaglag.

Leen: Ang gulo mo. Sige, di na magiging tayo!
Tim: Opo!! Di na po maguloo!
Leen: Ang ingay mo! Tahimik nga.

Sa kadami dami ng steps, sa wakas nakaakyat din. Pinasok ko siya sa Guest room. Bumalik ako sa baba para kunin ang mga damit niya. Sabi daw kasi, kailangan magpalit ng lalaki kapag lasing. Di ko alam kung bakit. Pagkabalik ko, nagtatanggal ng coat at shirt si Tim hanggang nakita niya ako.

Tim: Buti kinuha mo yang damit ko!
Leen: Parang okay ka na.
Tim: Parang. Ang sakit ng ulo ko. Gawa mo ko coffee at kuha mo ako tubig.

Ginawa ko naman yung sinabi niya. Bumalik ako sa kwarto na hawak ang bed tray na may coffee at tubig.

Leen: Ito na po ang order niyo,--
Nakita ko si Tim na nakapantalon lang na nakahiga sa kama. Sinubukan ko siyang gisingin pero waepek.

Leen: Uminpm ka muna nito para gumaan pakiramdam mo. Dali! Sige, magsusumbong ako kay Dad!
Tim: Asaan na coffee ko?
Leen: Mahal mo talaga ako noh?
Tim: I love you too.
Leen: Wala akong sinabing i love you! Nagtanong ako.
After niya magsip ng coffee niya, sumagot siya.
Tim: Sinabi ko lang baka mag i love you three ka.
Leen: Try mo magt-shirt. Malamig oh. May t-shirt dito.
Tim: Kailangan ko shorts.
Leen: Wag na. Okay na yan. Mag t-shiry ka na lang.

Kinuha ko yung t-shirt niya at binigay sa akin. Kinuha naman niya pero humiga siya. Kinuha ko yung t-shirt at sinuotan siya. Nung naligpit ko na yung kalat niya, linagay ko dun sa desk. Tatayo na sana ako nang bigla akong hinila ni Tim. Napahiga naman ako sa tabi niya.

Tim: Tayo na ba?
Leen: Bukas. Tayo na.
Tim: Yes! Dito ka na lang matulog.
Leen: Baka manghinala sila Mama.
Tim: Hindi yan. Di ka naman nakahubad eh. At, di naman ako nangyayakap kapag natutulog.
Leen: Bastos kang lalaki ka! Makulit ako matulog.
Tim: Ang dami mong arte. Matulog ka na lang.
Leen: Sige na.
Tim: Asaan goodnight kiss ko?
Leen: Nasa pwet mo nagkakape.
Tim: Ako na lang.
Bigla niya akong kiniss sa cheeks.
Tim: Goodnight.
Leen: Dumadamoves ka ah!
Kiniss ko din siya sa cheeks.
Leen: Goodnight din.

I think I am in love.

---------------------
1102 Words.

Driving Lessons.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon