Chapter 6- Maghihintay ako

39 0 0
                                    

Leen: "Home to Mamaaa!!!"

Nandito ako ngayon sa studio namin. Alam niyo naman, mayaman ang family. So,yun. Kasama ko yung tatlong mokong sa grupo. Si Will, Jas at Pir. Anim kami sa grupo kasama yung dalawang babae. Mga star player ng basketball itong mga 'to. Mga school heart throb din dati yan. Nagkilala kami sa school, sumali kasi ako sa banda nila. Buti na lang di ako nagkagusto dito sa mga 'to! Tinuring ko na ding mga kapatid sila. Pinakabata si Will, sumunod si Pir, ako at ang pinakamatanda si Jas.

Pir: Wag kang sumigaw! Kung hindi lang ako naging guitarist, kumanta na ako.
Leen: Wag ka na! Gusto ko lang sirain yung tono! Hahaha.
Jas: Kapag ako hindi nakapagpigil, ibabato ko sayo itong drum stick ko! Sa isang araw na yung gig natin sa The Grill's! Ayusin mo din yung pagkeyboard mo Will.
Will: Sige. Maayos naman ah! Upakan kita diyan!
Leen: Nako ha! Ayan nanaman kayo! Ayusin na natin 'to. Ano nga bang kanta?
Pir: Tadhana.
Leen: Aba. Ikaw na pala ang tagakuha ng kanta. Pero, sige. Maganda din naman yung Tadhana, pwedeng pangpatulog.
Jas: Dali na. Tadhana in 5,4,3,2.

*********
Natapos na din ang practice namin. Madaming sigawan. Prangkahan. Asaran. Pero masaya naman. Pumunta kami sa kusina at gumawa ng meryenda. Siyempre pinagawa ko sila ng sarili nilang pagkain kasi dito na nga sa bahay nagpractice, ako pa gagawa ng pagkain! Ano sila? Sosyal?! Pagkatapos kumain naglast practice at umalis na sila. Magisa na lang ako ngayon sa bahay. Naisip ko, pwede naman ako magswimming. Kaya, pumunta ako sa swimming pool namin na nakatwo piece. Malaki naman yung bakod namin kaya okay lang. Nagswimming ako ng mga 25 minutes tapos umahon na. Nagbasa na lang ako ng libro habang nakahiga. Ng may marinig ako...

Tim: Ang sexy naman ni Ate!
Leen: Ay, bastos! Paano ka nakapasok? Sana nagtext ka!
Tim: Sa back door. Wag ka magalala, linock ko na. At, hindi po ako bastos, nagstate lang ako ng fact. Di na ako nagtext dahil gusto kita isurprise ng 5 pack ng Kit Kat.
Leen: Mabuti naman at sinagot mo lahat. Salamat sa fact mo at ilagay mo na lang sa kusina yung Kit Kat. Sa akin lang yun, hanggang next week lang naman yun eh.
Tim: Buti na lang may damit ako sa trunk. Magswimming na din ako.
Leen: Always ready si kuya! Wag na! Ako na lang, baka mangboso ka pa eh.
Tim: Hindi ako mangboboso! Mainit, gusto ko magpalamig.
Leen: Bahala ka.

Umalis na siya at kinuha ang damit niya. Nagswimming naman ako para sabay na kami!

Konsensiya ni Leen: Hashush! Kapag may abs yun, magpalunod ka na ah!

Nung pagkabalik niya, nakashorts lang siya at pagkatingin ko.. Hayy!! Juice ko!! May 6 pack si kuyaa!! Tumingin na lang ako sa iba para hindi ma-amaze!

Tim: Ikaw ang bastos. Tinitingnan mo 'tong, beautiful abs ko!
Leen: Paano ko naman hindi matitingnan? Eh naka shorts ka lang!

Tapos bigla siyang nagdive na parang nasa swimming contest siya. Nang bigla kong napansin na papalapit siya sa pwesto ko. Siyempre nagswimming ako papalayo hanggang nahawakan niya yung paa ko at hinigit papalapit sa kaniya. Sunod kong nalaman, hawak hawak na niya ang bewang ko at yinayakap ako.

Leen: Dumada moves ka ah. Hindi pa tayo kuya!
Tim: Sabihin mo lang kapag pwede na. At, magiging tayo pa lang.
Leen: Na ano?
Bumolong siya.
Tim: Na maging tayo. Di kita bibiguin.

Bigla niyang akong binitawan.

Leen: Uuwi mamaya sila Mama at Dad. Tanungin mo sila.
Tim: Sige. Pero, SWIMMING MUNA TAYO!!

Nagswimming kami hanggang umahon na ako. Umahon na din naman si Tim.

Leen: Ilagay mo yung gamit mo sa guest room o kung gusto mo sa kotse mo na lang. May shower dun sa may swimming pool. Doon ka na lang maligo. Kung may kailangan ka, mamaya na. Maliligo muna ako.
Tim: Sige lang.

Nagtuyo na ako at tumuloy sa kwarto ko. Naliligo ako nang may marinig akong kumatok.

Knock knock

Leen: Sabi ko mamaya na! Naliligo ako!
Tim: Pwede sumabay?
Leen: Hindi! Meron naman doon sa Swimming pool! Doon ka na lang! Meron din doon sa guest room.
Tim: Hahaha!! Sige, bababa na ako.
Natapos na din ako magkuskos. Nagbihis ako ng shirt at shorts. Pagkalabas ko nandoon na si Tim sa living room nanonood ng T.V.

Leen: Ano pinapanood mo?
Tim: Cartoons. Aalis na ako maya-maya. Magbibihis muna ako ng presentable para sa parents mo.
Leen: Pano pag hindi?
Tim: Edi sasabihin ko, " Maghihintay po ako kung pwede na."
Leen: Maghihintay ka talaga? Paano kapag ayaw ko sayo.
Tim: Maghihintay ako na magkagusto ka sa akin.
Leen: Sige. Umalis ka na. See yoy later!
Tim: Sige. Bye!

Narinig ko na umalis na siya. Pinatay ko na yung T.V. at bumalik sa kwarto ko para pumili ng damit para sa pagdating nila Mama.
He'll wait for me.

Driving Lessons.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon