Chapter 01

0 0 0
                                    

Selene

"Hoy seswang!" Nakakabinging tawag sakin ni Lia.

Nandito kami ngayun sa ilalim ng puno para magpahangin dahil lunch break pero imbis na magpahinga ako ay eto nag babasa ng libro para sa quiz namin mamaya habang si Lia ay tuloy sa pang gugulo sakin.

"Napaka seryoso mo naman eh for sure multiple choice ang quiz mamaya dahil sinabi naman na ni Ma'am." Si Lia.

"Kahit na noh gusto kong maperfect ito eh alam mo naman si Ma'am Valdez minsan hindi tinototoo yung mga sinasabi."

Sa totoo lang isa akong estudyanteng sobrang na co-concious pag nakaka kuha ng mababang grades kaya talagang sinisiguro ko sa sarili ko na matataas na score ang nakukuha ko kapag quiz,activity o exam.

"Hindi mo pa nakakalahati yang pagkain mo oh! Itigil mo muna yan para makakain ka ng maayos!" Si Lia na hindi tumigil sa kakadada.

---

After ng lunch ay dumeretso narin kami sa room dahil nag ring na ang bell hudyat na mag sisimula na ang aming susunod na klase.

"Psst!"

"What?" Tanong ko kay Lia. Tapos na ang klase namin ngayung araw at inaayos ko nalang ang mga gamit ko para makauwi na at eto si Lia na kinukulit ako kung anong score ang nakuha ko sa quiz kanina.

"Ilan nakuha mo sa quiz? Shet ang hirap talaga mag pa quiz ni Ma'am" si Lia.

"Perfect, ikaw ilan?" Hindi naman na masyadong nagugulat si Lia pag napeperfect ko ang mga quizzes dahil sanay naman na siya.

"Ihh... May lima akong mali hindi ko kasi nareview yung mga yun. Anyways, uuwi kana ba? Nandiyan na sundo mo?" Si Lia. Naglalakad na kami palabas ng school.

"Ewan eh maghihintay nalang ako sa waiting shed na lowbatt kasi ako kaya diko alam kung nandiyan na yung sundo ko."

"Ah... Sige,una nako ah nandiyan na si mom eh, bye!" Paalam sakin ni Lia,tumango nalang ako at nag wave para sa kanya.

Nakarating din naman agad yung sundo ko at saktong pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko si mommy na nagluluto sa kusina.

"Oh hi dear! Change your clothes na at bumaba kana rin dito malapit nang maluto itong pagkain." Si mommy na nakita ako sa salas na kararating.

"Yes mom mag s-shower lang po ako."

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nag shower at bumaba narin para kumain.

"How's your school anak?" Si Dad na kararating lang baka nga dumeretso agad yun dito para kumain eh.

"Fine dad, nag quiz lang kami kanina kay Ma'am Valdez."

"Oh so what's your score  dear?" Tanong sakin ni mommy.

"Of course mom gaya rin ng dati, it's perfect."

"Oh yeah siyempre nakalimutan ko atang wala kang quiz o exam na hindi napeperfect!" Si Mom.

"Pero anak, lagi naming pinapaalala saiyo na wag mo masyadong ipressure yung sarili mo to get a high grades dahil ok lang naman samin kung mababa yan ang importante nag eenjoy ka, next year college kana so enjoy your high school life, got it?"

"Yes dad I know."

After namin kumain ay dumiretso nako sa kwarto ko to do my night care routine at para magbasa narin para sa lesson namin bukas. Habang nag babasa ako ay bigla nalang tumawag si Lia sakin.

"What?" Iritado kong tanong dahil alam naman niyang ang oras na to ay oras ko para mag basa.

" Chill sis I know na nagbabasa ka pero may chika ako eh! So, there's this guy..." Pag kwento ni Lia

Game Of Love ( Game Of Romance Series #1)Where stories live. Discover now