Sentiments

3 0 0
                                    

Gaano ka ba kahirap ang isang maging breadwinner?

Sobrang hirap, lalo na kung sa patapos na ang edad mo sa kalendaryo. Gusto mo ng makabuo ng pamilya pero parang pinag kakait ng tadhana.

Kapag breadwinner ka at may sakit ang magulang mo, sayo nakaatang ang pagkain, gamot, lingguhan at buwanang gastusin..

Walang katapusang gastusin..

Walang ipon, pero walang hanggang ang bayarin..

Wala ng matitira sayo, kase mas iisipin mo ang mga magulang na binuhay at pinag aral ka..

Retirement plan..

Sacrificial living..

Mag aasawa pa ba ako? Makakabuo pa ba ako ng pamilya?

Paano? Paano ako bubuo at mag-aalaga ng pamilya kung sarili ko mismo pinapabayaan ko naman?

Paano ako bubuo ng pamilya kung ang unang pamilya ko ang kailangan ko munang alagaan?

Tik.. tok.. tik.. tok...

Lumilipas ang mga araw, buwan at taon..

Wala pa ring pagbabago sa nakalipas na pitong taon...

May syota pero pareho kameng may obligasyon..

Maganda ang trabaho, pero sa gastusin at sakit lang napupunta lahat ng kinikita..

Kailan ito matatapos?

Sana...

Kung dumating na ang oras na "Ako naman muna" na "oras ko ng ako naman ang lumigaya at alagaan"...

Sana hindi pa ako ubos..

Sana maranasan ko ang totoong buhay..

Buhay na sa akin...

Buhay na gusto ko...

Hindi binuhay para mabuhay ang iba...

Mananatiling, panalong tinapay sa mata ng iba...

Pero panis sa pansariling kasiyahan...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Panalong TinapayWhere stories live. Discover now