Hagdan. (Paranormal)

3.5K 63 5
                                    

Pag may nakita ka bang kakaiba? Ikwekwento mo pa ba ito sa kasama mo para may karamay kang natatakot? O isasarili mo na lang dahil ayaw mo siyang matulad sayo?

------------------

Hagdan. 

"Sam, kukuha lang kita ng maiinumin ah?" 

napatingin ako sa nagsalita, si Charm. Classmate ko. Nasa bahay niya ako, kasi gagawa kami ng project ngayon. Pinaupo niya ako sa sofa, at inilatag ang mga old magazines para basahin ko upang di ma bored. Medyo maganda naman ang bahay nila Charm, average na bahay ng may kaya. Sabi niya kakalipat lang daw nila, maganda daw kasi itong bahay na to. Ngunit, Antik daw. Alam niyo ba iyon?

Yung antik, yung parang nagamit na ng ibang tao, at papagamit naman sayo. Yung sala nila kaharap ng isang average na hagdanan. Inikot ko ang paningin ko, maganda naman pala talaga ang bahay nila. Maganda yung chandelier nila. Hahahaha, yun ang napansin ko :)

Ba't ba antagal ni Charm? kanina pa ako naghihintay. Magbasa basa na nga lang ako ng Magazine. Kinuha ko yung nakalatag na Magazine sa lamesa sa harapo ng sofa na inuupuan ko.

"Oh? Sam, andito ka pala?" nagulat ako kaya naibaba ko ang magazine na binabasa ko. Mama ni Charm na bumababa sa hagdanan nila

"Ayy, opo. Gagawa po kami ng project ni Charm" nakangiting sabi ko.

"Ahh sige, maiwan ko muna kayong dalawa ha? "

"Opo."

So? dalawa na lang kami ni Charm dito? Ayos! >:) Hahahaha *u*

Nagiisang anak lang kasi si Charm, yung mama niya Single Mom lang.

Bat kasi antagal ni Charm? bawal akong umuwi ng Late patay nanaman ako kay Kuya Charles.

Bawal kasi ako magpagabi. 6:13 PM na nung pumunta kami rito.

Madali lang naman gawin yung project namin, antagal ni Charm. Maiinumin lang ehh xD

Tumayo na ako para tawagin siya sa kusina pero napatigil ako.

*Eeeeekkk*

Sa hagdanan, parang nag crickk basta..

guni guni ko lang yun, tuluyan ko ng nilampasan ang hagdanan na nagiingay tsss...

Pero biglang umihip ang malamig na hangin kaya ako napalingon sa hagdanan..

Nanginginig ako, halos di ako makalakad papuntang kusina para tawagin si Charm.

Nakakita ako ng isang matandang naka upo sa hagdanan, wala namang sinasabi si Charm na may lolo siyang nakatira dito ah? O kayang bisita?

Napuwing ako, at pag dilat ko...

0____________0

Wala na yung lolo?

Kumaripas ako ng takbo papuntang kusina kung nasan si Charm na nagpapakahirap gumawa ng juice.

Hingal na hingal pa ako nung nakalapit ako sa kanya..

"C-C-harm, M-m-----" di ko pa natapos ang sasbihan ko ng isssshhh niya ako..

"shhhhh"

May kausap siya sa phone, "Ahh sige sige, I'll call you later Megan. Andito kasi si Sam may gagawin kami. Byee" sabi niya at binaba ang telepono

"Oh? anyareeee sayo? para kang nakakita ng multo" sabi niya

"M-May bisita ba kayong matanda rito?" kinakabahan na tanong ko

"Huh? Matanda? wala ahhh.. kaming dalawa lang ni Mommy nakatira rito? Bakit mo natanong Sammy?" huh? walang matanda?

"Ehhh...." di ko na sinabi yung nakita ko. Baka matakot lang rin siya kapag sinabi ko. Nagiisa pa naman siya ngayon sa bahay na ito. at wala pa ang mommy niya kung sakaling aalis na ako upang umuwi.

"Halika na nga Sammy, umpisahan na natin ang project natin at makauwi ka na ng safeee" sabi niya at dinala ang tray ng juice. papuntang sala.

"Ahh sige."

Pumunta kami ng sala, at wala na yung lolo na nakita kong nakaupo sa hagdanan kanina.

Umupo kami sa lapag, may carpet naman.

KAHARAP NUNG HAGDANAN.

Gugupit na sana ako sa Colored Paper ng mahagip nanaman ng mata ko ang Matandang nakaupo sa Hagdan. Nagsitaasan ang mga balahibo ko, at nanginginig pang gumupit.

Napatigil ako sa pag gupit ng hawakan ni Charm ang kamay ko.

"Sam? may problema ka ba? ba't ka nanginginig?" tanong niya.

"Huh? Nilalamig lang ako" palusot ko.

"Ahhh, gusto mo ako na lang gumupit?"

Nag nod ako, at ginawa na lang ang iba pang pwedeng gawin.

"Sammy, initin ko langyung bacon, mag-didinner na kasi ehh saglit lang ahh? matatapos na rin naman to eh" bago pa siya makaalis hinawakan ko ang kamay niya

"Bakit?"

"Charm, pedeng mamaya mo na gawin yan?" anjan parin kasi yung matanda, siguro hindi niya nakikita kasi wala siyang napapansing kakaiba sa bahay at hagdanan nila.

Tinanggal niya yung hawak ko sa kanya "Sammy naman, papagalitan ako ni Mommy pag di ko ginawa yung utos niya :(" sabi niya

Nilakasan ko ang loob ko, kasi umalis na siya.

Nakatingin sa akin yung matanda and it gives me creeps nung ngumiti siya.

At nag 'Hi' saakin. 

Hindi ako umimik hanggang sa natapos kami, "Sam, alam mo ang weird mo ngayon. Sana bukas di ka na tahimik ah? kasi natatakot ako sa hindi mo pag imik. Namiss ko pag ka ingay mo ehh" sabi niya while waving her hands on me.

 Hanggang sa pag uwi ko, nakaupo parin ang matanda dun sa hagdanan, parang may hinihintay

Pagka-uwi ko, kinuwento ko yung nakita ko sa bahay nila charm kay kuya Charles.

sabi niya, may kaparehas daw ng kweento yung akin. sa Girlfriend niya

"Alam mo? kaya siguro di umaalis yung matandang nakaupo sa hagdanan sabi nila na may Golden Pot daw dun o kayamanan na pinoprotektahan o binabantayan nung taong yun. Hindi naman siya masamang ispirito, binabantayan niya lamang ang sakanya."

Di ako makatulog nun, kaya tumabi ako sa kuya ko. At tama na rin ang ginawa ko, hindi ko sinabi kay Charm na may nakita akong nakatira sa kanilang espirito, baka kasi siya matakot rin. Mag isa pa naman siya dun.

E N D

COOKIESMASHERR'S A/N:

Hayyy nakoooo, alam niyo ba na true story ito? 50% true yung iba hindi na. Share ko lang. Di ko alam ganbito pala feeling ng nagsusulat ng Horror Story no? maiimagine mo kung ano nangyayari, kaya habang tinatypoe ko to nagsisitaasan ang balahibo ko xD

One-Shot Stories: COLLECTION.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon